Chapter 16

1K 56 14
                                    

🏇

Masakit ang lalamunan ko pati na ang ilong kahit na kumalma na naman ako. Patuloy ang haplos ni Rajah sa aking likod, hindi kailangan ng salita para paluwagin ang pakiramdam ko. His touches were like lullabies of tranquility, enough to soothe the turmoil inside of me.

Sa kalagitnaan ng pananahimik namin, tumunog ang kanyang cellphone. He slightly lifted his body to take off his phone from his backpocket. Ibinaon ko ang mukha sa kanyang dibdib, ramdam ko ang malalim niyang paghinga at ang payapang kalabog ng kanyang puso.

"Señor..." bungad niya sa kabilang linya.

Nanigas ako saglit. Umamba akong aahon ngunit pinigilan ako ni Rahma. Siguro'y naramdamang magiging bayolente na naman ako kaya inunahan na niya ako bago ko pa man ulit awayin si Daddy.

"Opo, Señor, andito sya." he said quietly.

Mumunting tunog lang ang naririnig ko sa kanyang cellphone tanda na nagsasalita pa si Daddy.

"Alright, don't worry too much..." iyon lang at natapos na ang tawag.

Sa pangalawang pag-amba kong masilip siya, hinayaan na niya ako. Makulimlim pa rin ang kanyang mata sa kabila ng lamlam doon. Inangat niya ang hintuturo at tila balahibo lamang ang haplos sa pisngi kong bahagya pang mahapdi. He cursed a bit when he noticed the wince on my face.

"Let's go to the mansion." maingat niyang sinabi.

Bahagya ko siyang naitulak nang narinig iyon. Kitang-kita niya kaagad ang pagkadisgusto sa aking mukha. Galit ako kay Daddy at hindi ko kakayaning umuwi sa bahay ngayon. Hindi magagamot ang mataas na emosyon ko kapag manatili lang ako roon. For once, I just wanted to be far away from a hellish place I had been dying to get rid of from the start.

"A-Ayoko! Kung hindi mo gustong nandito ako, aalis na lang ako pero hindi ako babalik sa amin!" medyo agresibo kong turan at umambang lalayo sa kanya ngunit nahuli niya ang baywang para pigilan ako sa ambang pag-alis.

"Don't misunderstand me again, Syntia. Kukuha lang tayo ng pantulog mo. Look at you, still wearing your uniform. I don't think you'd ever be comfortable sleeping on it." paliwanag niya at pinasadahan ako ng tingin.

Uminit ang pisngi ko nang nakitang nangangalahati ang aking palda sa aking hita. Nakatupi ang dalawang tuhod ko sa magkabilang gilid ng malaki niyang pangangatawan. I noticed him swallowing deeply after a short glance on it.

"Ayokong iwan kang mag-isa rito. Kahit nasa loob ng lupain nyo ang guesthouse na 'to, hindi pa rin ako mapapanatag."

Nanatili akong titig sa kanya, binabasa ang kanyang reaksyon ngunit wala akong ibang makita maliban sa assurance na magiging ayos ako kahit na sumama ako sa kanya pabalik sa lungga ni Daddy.

"You don't have to get off from the car if that makes you feel assured." dagdag pa niya.

Unti-unti akong tumango at bumaba. I fixed my skirt while he was still watching me close like a live show in front of him. Umiwas ako ng tingin at inayos din ang nagulong blouse. I couldn't look at him as my heart was jogging so fast! Ngayon pa lang nag-si-sink in sakin na parang nilalandi ko siya sa posisyong yun kanina. Hinaplos niya ang batok at marahang pumikit.

"Let's go," medyo paos ang boses na turan niya bago tumayo at hinagilap ang aking pulso para maigiya ako palabas ng guesthouse.

The car was filled with deafening silence, but he consecutively glanced at me. Nakatuko ang dalawang paa ko sa upuan habang yakap ko ang mga tuhod. Ipinatong ko naman ang baba roon habang nakatingin sa kalangitan. The breezy, night wind passed to and fro, dancing with my hair and caressing my cheek because I had the window beside me rolled down.

Ashes in the Dusk [CBS#4]Where stories live. Discover now