Chapter 3

914 50 3
                                    

🏇

He deposited the two baggages at the back of his old, weird-looking car without further exerting an effort. Busangot pa rin ang mukha ko habang nakatayo sa labas ng sasakyan. His large frame was really intimidating. Ganun din ang madilim na aura nito. Halatang suplado dahil sa mga seryuso nitong titig. Ni hindi ako tinitingnan! I wasn't sure if he was just this formal or I didn't possess a face worthy to behold!

Come on, Syntia, don't let yourself down just because of your new driver!

I looked around with bored eyes. Ang simple-simple ng mga tao pati na ang iilang gusaling hindi ganun kalaki. Streets weren't wide, maybe two or three ten wheelers could not fit in anymore. Hindi rin sementado ngunit hindi naman lubak-lubak ang daraanan. The pathway was both sandy and flat.

Bumaba ang mata ko sa puting sapatos na suot, nababahiran na ng kulay ng buhangin. I thought that a sandstorm often occured in this place. Gosh, I was already disgusted just by the thought of it.  

"Get in," tipid na saad nito bago magtungo sa driver's seat at walang pasabing pumasok na.

Laglag ang panga ko habang nakatayo. Hindi ko alam kung maiiyak ako sa iritasyon o matatawa sa sobrang pagkadismaya. The asshole did not even bother to open the door for me!

Ramdam ko na ang unti-unting pag-usok ng bumbunan ko. It was my only several-minute-stay in this goddamn place and I was already so pissed! Hindi ko alam kung sinadya ito ni Daddy upang parusahan ako o ano! Ramdam ko na ang pagliliyab ng buong pagkatao ko ngunit bago pa man sumabog nang tuluyan, bumukas na ang front seat, inabot nya iyon habang nakaupo na sa driver's seat.

"What's taking you long?" seryuso at kunot-noong tanong nito sa loob.

"Wala!" Umirap ako at pumasok saka gigil na isinara ang pinto!

Pakiramdam ko ay lalong kumukulot at bumubuhaghag ang maikli kong buhok sa iritasyon.

I glared at him who was also staring darkly at me. I wasn't sure what the loud thumps in my chest were for! Nagulat ako sa pakiramdam na iniwasan ko na kaagad ang titig nito. What the hell? I had so many boyfriends before, but I never remembered my heart beating so wild for them as this!

Sumandal ako sa upuan at isinuot ang aviators habang tumitingin sa labas para libangin ang sarili. Hindi na ako nag-abala pang isuot ang seatbelts. Napapaingos ako sa mga nagtatayugang punong kahoy. For other girls, maybe they would like the sight everywhere but not me! Imbis na ma-relax, mas maraming negatibong bagay ang nagpapaalala sa'kin.

Puffing out a long-suffering sigh, I suddenly recalled having some bubble gums under the pockets of my maong shorts. I glided my hand inside my pocket and took one for me.

"Want some?" I asked in a rough and low tone without glancing sideways.

"No," malamig na sagot nito.

Nanatili ang mata ko sa unahan habang binubuksan ang bubble gum. I shut my eyes when its taste melted down on my tongue. Itinali ko ang buhok nang nakaramdam ng init.

Sa kalagitnaan ng biyahe, isinandal ko ang paa sa dashboard, hindi alintana kung mabuhangin ang spike ng suot na sapatos. From my peripheral vision, I noticed how his jaw clenched at my behavior. Hindi nakatakas sakin ang paglapat ng kanyang mata sa aking paa. Pakialam niya ba?

Tumunog ang cellphone ko matapos ang ilang segundo. Tamad kong sinagot ang tawag na mula kay Daddy.

"What?" walang gana kong sagot habang nginunguya ang bubble gum.

"I assume that you are already in Sugriva, Syntia. Are you with Rajah now?" sa natutuwang boses.

Kumunot ang noo ko at pinagkrus ang paa sa dashboard.

Ashes in the Dusk [CBS#4]Where stories live. Discover now