Chapter 14

1K 70 24
                                    

🏇

Mabilis kong pinahid ang luha at tumikhim nang ilang beses bago magsalita. Tumulong pa si Rajah sa pagpapahid nun, makulimlim ang kanyang ekspresyon at pirmi ang kanyang panga, ngunit taliwas naman sa lambot ng kanyang hawak sa akin.

"Sir--" nag-aalalangan at tila nahihiyang tawag ng student assistant, sinisenyasan si Rahma na pumasok na sa loob.

"Mamaya, kinakausap ko pa si Syntia." tipid na turan nito nang hindi man lang binabalingan ang babae.

His deep, ocean stares were all focused on me. May kung ano sa kanyang mga titig dahilan ng unti-unti kong pagkalma. Nakaluhod pa rin siya sa aking harapan ngunit umupo sa tabi ko kalaunan.

My eyes were misty from the raw tears when I turned to him. The darkness in his eyes showed danger and the tightness of his jaw looked risky. He was like an enchanted mountain no one had ever dared to visit in spite of its alluring beauty.

Humilig ako palapit sa kanya na tila nag-iingat sa maaaring makarinig ng mga rason ko, takot na baka biglang singitan at baliktarin na naman ako.

"I-Ilang beses nang nilalagyan ng bubble gum ang upuan ko simula nang pumasok ako rito. Sa una, hindi ko alam kung sinong aawayin ko dahil halos lahat ng babae kong kaklase, malisyoso ang mga tawa. I let it pass, I didn't want fighting against them because they were many... I was a warfreak but I couldn't, on practical thought, handle a battalion of enemies. Kaninang umaga ko lang naabutan si Adeline na naglalagay ng gum sa upuan ko. I got so mad, nagdilim na lang bigla ang paningin ko at sinugod siya. She hates me from the very start, especially when I contradicted her one time in our recitation. Tapos nadagdagan pa dahil ako ang gusto ng nagugustuhan niya."

Mariin ang titig niya sa mga scratches na nasa braso ko na para bang kaaway niya ang mga yun. Kinuha niya ang isa kong kamay at marahang hinaplos ang mga pulang marka. Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi ko akalaing isang haplos lang, mapapawi na ang hapdi roon.

"Did she do this to you?" bulong lamang ang boses, ngunit naroon ang talas.

Pareho na kaming nakatingin sa mga marka roon.

"Uh, yeah. Pero mas malala ang pinsala ni Adeline, Rahma. Hindi lang kalmot ang ginawa ko... uhm, I... I punched her on the face!" sabi ko nang naalala ang pasa ni Adeline sa gilid ng labi nito.

Rajah's brow shot up as he tilted his head. If it weren't for his furrowed brows and darkened face, I'd assume that the king was somehow amused.

Ibinagsak ko ang mata sa aking cellphone. Sa nanginginig na mga daliri, kinalikot ko iyon at pinindot ang messaging icon.

"I have been receiving these texts. Lahat pananakot ang laman." Ipinakita ko iyon sa kanya.

Mabilis na nawala ang dumaang kaaliwan sa kanyang mata, bumalik sa seryusong mukha. Kunot ang kanyang noo habang nag-i-scroll. His sharp eyes swung back and forth as he read everything in his mind.

"Sinabi mo na 'to sa guidance counselor nyo?" makulimlim ang kanyang boses.

Yumuko ako at kinuha ang cellphone sa kanya.

"H-Hindi pa. Nawalan na ako ng gana. Kanina, nagpaliwanag ako kung bakit ko ginawa kay Adeline yun. No one listened to me! That bitchy guidance counselor instantly believed in Adeline's lies. Gumagawa raw siya ng assignment tapos bigla ko siyang sinugod dahil gustung-gusto ko si Vaughn. They were like MU's in the past."

Ashes in the Dusk [CBS#4]Where stories live. Discover now