Chapter 7

930 48 5
                                    

Gap
🏇

"Miss Syntia, pasok ka sa eskuwela, ah?" alangang pahabol sa akin ni Frediriko pagkababa ko ng sasakyan.

Gusto kong humalakhak ngunit pinigilan ko. Imbis, inirapan ko ang driver ko at sinenyasan itong tumulak na. Nagdadalawang-isip pa rin ito kung iiwan ba ako sa harapan ng guesthouse ngunit nang nakitang nakapamaywang na ako at nagbabanta ang tingin sa kanya, umandar na nga ang sasakyan nang tuluyan.

Pinasadahan ko ng tingin ang simpleng guesthouse. Hindi ito kalakihan ngunit ayos na para sa pang-isahang tao lang.

The walls were made up of light brown hardwoods. The roof consisted series of piled up, mustard tiles. Elevated din mula sa lupa ang bahay, may baitang at maliit na balkonahe kung saan naroon na ang screen door. Bahagya pa akong napangiwi nang makita ang naka-display na ulo ng kalabaw sa gilid ng pinto.

The creaking sounds filled up my ears when I strode up the wooden stairways. Hindi ko na hinubad pa ang boots, hawak ko ang sling bag nang lapitan ko ang pinto. Nagulat pa ako nang malamang bukas pala iyon.

Tahimik ang buong kabahayan. Malinis at makintab ang sahig. Sumalubong kaagad sa akin ang maliit na sala. May maliit na TV, bookshelf, center table, at couches. Nilakad ko ang distansya patungong sala at sa kanan, nalingunan ko ang isang maliit na kusina. Malinis din pati na ang pagkakalagay ng mga gamit sa cupboards.

There was an oak dining table with four chairs. May maliit na refrigerator at gamit na sa pagluluto ang iba. Napanguso ako. Hindi ko akalaing lalaki nga ang nakatira rito. The place was very neat, I would not even mind sleeping on the wooden floor. It looked shiny and a bit sloppy.

Sa may kusina ay isang pinto na hula ko'y banyo na. Isa lang din ang kuwartong nakita ko. I wondered why he just left his door unlocked although he had to go to the main part of the farm everyday.

This place felt more peaceful and comfortable than Daddy's mansion. Sa ilang araw ko rito sa Sugriva, itong guesthouse lang yata ang nagustuhan. Natatanaw ko mula sa bintana rito sa kusina ang nagtatayugang punong kahoy. Behind the leafy trees were massive mountains. I suddenly remembered how Mommy and I used to paint the nature together. It had been our hobby since my elementary days. Natigil lang nang dapuan na siya ng malalang sakit.

For days, I never appreciated the meadows, the green fields, the animals, and the corn fields. I didn't appreciate the simplicity and pristine feels of Sugriva. But for some reason, the sight from here across that beautiful mountain with sunlight highlighting its edge are got under my skin.

I could sit here forever while looking at this beautiful wonder in front of me.

Sa kalagitnaan nga lang ng panonood, marahang kaluskos ang narinig ko. Nakaupo ako sa dining chair, nakita ko ang isang itim na pusang umaakyat. It stopped right on the windowsill and laid down flat on its stomach. Gamit ang isang paa, hinila ko ang isa pang dining chair upang ipahinga ang mga binti ko roon.

"Hey, do you know this punk named Rahma Hajid? Others call him Rahma, I prefer calling him Rajah, though."

I don't know, it felt like that nickname just slipped off my tongue so perfectly and smoothly.

Tinitigan ko ang pusang matamang nakatitig sa akin. Its ears moved. Its honey-brown eyes looked fascinating.

"Mukhang sanay na sanay ka na rito. Amo mo ba 'yun? How does that cold and proud man treat you? Hindi ko gusto ang ugali n'un. Ilang beses na akong tinanggihan at pinahiya! Your bastard of a boss made me cry the other night! Kaunting tulong nga lang ang hinihingi ko, hindi pa niya mapaunlakan?"

Todo-bigay ako sa paglalabas ng hinaing at sa huli, natawa na lang dahil hindi rin naman ako sasagutin ng lintik na pusang 'yan. I pouted at the cat when I heard its mellow sound.

Ashes in the Dusk [CBS#4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon