Chapter 23

1.4K 77 40
                                    

🏇

Bumubuhos ang luha ko, walang patid sa panginginig ang aking mga kamay. Hinampas ko sya sa braso at sa balikat pero nanatili siyang nakayuko habang nakaupo sa couch.

"Nakakapagod na ba ako?!"

I didn't receive any answer, it heightened my frustrations more! Kung pagod na nga sya sakin, sige at aalis na ako sa puder niya. Kahit na guguho ang mundo ko. Kahit na mawawasak ako. Kahit na mahirapan ako. Puwedi na naman akong magtrabaho. I would stand on my own feet. Pero ang sakit pala. Iniisip ko pa lang na iiwan ko sya, iniisip ko pa lang na tatahakin ko ang mga araw na wala sya, namamatay na ang sigla ko.

I cried more and punched his chest, it was more irritating that he didn't do anything to stop me! It hurt that it seemed like he was now ready to let me go.

"Nagsisisi ka nang kinupkop mo ako?" I probed more to push him to the edge.

Nang masabi nya sa aking tama ang iniisip ko, na dapat ko ngang gawin ang pinaplanong pag-alis na lang, padarag akong napahilamos ng mukha.

"Kung ganun ibigay mo ako kay Tita Carra! Ibigay mo na lang ako kay Tita! Ibalik mo na lang ako sa kanya!" sigaw ko at sinaktan pa siya.

Igting lang ng panga ang kanyang sagot at pangingitim ng mata ngunit wala syang sinasabi.

"Sige at layasan mo ako! Iwan mo na ako! O ako na lang ang aalis!" I cried more and slapped his chest.

In fact, I was scared. I was so scared to be left alone. I was so scared to crawl into a blackhole without anyone behind me. Pakiramdam ko ngayon lang talaga sakin bumuhos ang realisasyon na wala na akong mga magulang. Na wala nang sasama pa saking tahakin ang kawalan.

Pakiramdam ko pinag-iwanan ako kahit na hindi naman nila gusto. Naghahalo-halo ang lahat ng mabibigat kong emosyon na nabubulag na ako at hindi na makapag-isip nang maayos.

"Forsake me like how my parents had forsaken me! Forsake me like how my parents had forsaken me!" Sinuntok ko ulit sya sa braso. "Leave me like how my parents had fuckin' left me!!"

Sa isiping masasaktan ko lang sya lalo kapag manatili lang ako, tumalikod ako at lumabas ng bahay, walang pakialam kung umuulan! Madilim na ang paligid pero tumakbo ako sa kawalan, hindi na iniisip kung susundan ba ako ni Rajah o hindi. Rumaragasa ang tubig-ulan dahilan para mabasa kaagad ang aking shorts at t-shirt.

Ngunit ayos lang! Tangina, napapaliguan ang hinanakit ko sa katawan. It was therapeutic. I felt like gaining more courage to head into the darkness of the world... all alone.

Nasa pangalawang kanto na ako nang may isang mamahaling sasakyang tumigil sa gilid ko. Kinabahan ako sa isiping baka masamang tao iyon. Ngunit nawala rin nang matantong kilala ako ng may-ari ng sasakyan.

"Innocencia?! Innocencia!"

Tumambad ang mukha ni Mr. Sagorio sa bintana ng sasakyan! My eyes widened and my lips parted. Binuksan nya ang pinto ng front seat, sumakay kaagad ako roon. Pinasadahan ko ang basang buhok ng aking palad. Sinuyod nya ako gamit ang nag-aalalang tingin, basang-basa ako at tumutulo ang tubig-ulan sa upuan.

"I-I'm sorry--" nang natanto iyon.

"No, it's okay! Are you okay? Why are you crying? And you are even running into nowhere, under the heavy rain!"

Niyakap ko lang ang sarili at umiling. I calmed myself and tried to divert the pain. Pinatay nya kaagad ang aircon nang manginig ako nang bahagya. Gulat pa rin ako kung bakit sya nandito pero hindi pa ako makapagsalita.

"Ayos lang ba sayo kung dalhin kita sa apartment ko? Wala akong jacket dito."

Suminghap ako at mabilis na umiling. I was mad at Rajah but I didn't want to be alone with any man in one house! Kung may pakikisamahan man ako, si Rajah lang yun. Wala nang iba.

Ashes in the Dusk [CBS#4]Where stories live. Discover now