Chapter 29

3.9K 125 186
                                    

🏇

Padarag kong kinuha ang martilyo sa dala kong toolbox at marahas na pinupukpok yung pako sa bakod na kasalukuyan kong inaayos. I was at the Northern part of my property to fix the fence that was already broken months ago. Kaunti lang naman ang sira, kaya naisip kong kaya ko itong ayusin nang mag-isa.

I wiped my tears away by my forearm and sniffed. Tendrils of hair from my messy bun trickled down on my face. Mas nilakasan ko ang pagpukpok sa pako. Pagkarating na pagkarating ko, ito kaagad ang ginawa ko. I was pouring out my frustrations into the poor nail penetrating the wood. My heart wondered in wayward. The sharpness of his words still stung so bad.

It was so damn embarrassing. Ate Blaise told me about the unbreakable brotherhood of the Sellozzos, I never wished to be the primary reason of Kuya Eadselle and Rahma's fight.

Muntikan pa silang magkasakitan dahil sa akin. Hindi ko na tuloy alam kung paano pa ako haharap kay Kuya Eadselle. Sana hindi na lang ako pumayag sa alok ni Ate Blaise. I didn't expect that it would turn out that way.

I couldn't also ask Rajah to be civil with me because the extent of the pain I caused him was beyond measure. Baka isipin nya nagiging selfish at insensitive ako dahil kinalimutan ko na kung paano ko sya sinaktan noon. Pero kailangan nya talaga kong insultuhin nang ganun? He could just create a lame excuse to avoid the favor, why did he need to insult my ability that way?

He had gone evil. Now I was not sure if I'd tell him that I was also a victim of the devil's chicanery, reason why I came back late. Seeing how mad he had become, he might just brand me a liar who only tried to create a dramatic story to escape from the intensity of his wrath.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Dana sa akin. Pinalis ko ang luha at sinagot iyon.

"Sis! I heard what happened, nasabi sakin ni Duncan. Hindi ko pinapansin si Rahma rito, galit ako sa kanya! Hindi ko rin sinabay sa niluto ko ngayong tanghalian. Binunggo ko rin sya sa braso nang nagkasalubong kami sa kusina kanina..."

"Dana! Why do you have to do that? Hindi mo dapat ginawa yun kasi hindi naman ikaw ang tinrato nang ganun. And stop testing his patience, he might dislodge you off the house!" sabi ko rito, umurong bigla ang luha ko sa balita ng kaibigan.

I couldn't imagine this pregnant woman as a stray on the streets with her family. Eh di lalong dagdag yun sa konsensya ko. Masama na nga ang loob ko kasi ako ang pinag-ugatan ng away ng magpinsan, paano na lang kung makatikim si Dana sa rahas ni Rahma? She will be doomed! Was she freakin' thinking? Mukhang nakakaligtaan nyang may-ari ng mansyon ang binubunggo-bunggo nya roon!

"Hmp! Hindi nya yun magagawa sa buntis. Ninong ng kasal namin si Don Magnus I. Kapag palayasin nya kami, lagot sya sa lolo nya. Isa pa, reasonable kung magagalit ako sa kanya. He knows that we are best of friends, so my behavior is just normal! Nagkakamali sya ng kinakalaban, ah, gago sya. Pasalamat sya buntis ako kung hindi baka nag-wrestle na kami!"

Nasapo ko ang noo at huminga nang malalim. Hindi pa rin talaga nagbabago 'to. She was still the same warfreak bitch back in our teenage days.

"Dana... hindi ko na lang kaya ituloy 'to? I'll just focus on our business. Tapos pag-iisipan ko kung anong puwedi kong gawin sa property ko."

Tama, puweding parentahan ko na lang yun, kikita pa rin naman ako nun.

"What? Shunga ka gorl? Nag-effort na si Kuya Ead, nag-away na sila lahat-lahat tapos aatras ka lang pala? Hwag kang magpaapekto sa Rahma boy na yan, nag-iinarte lang yan! Ganito na lang, sundin mo ang sinasabi ni Kuya Ead, ituloy mo yung pag-aaral sa farming sa kanila habang hindi pa ako nakakabalik sa trabaho. Once I deliver the baby and I am already allowed to work, go find another farm which offers an internship program. Para hindi ka nag-aalala kung sinong mag-ma-manage sa negosyo natin habang pabalik-balik ka sa kabilang bayan, okay?"

Ashes in the Dusk [CBS#4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon