Chapter 2

2.6K 48 0
                                    

Chapter 2

Nagkaroon pa rin ako ng pag-eensayo pagdating ng Sabado. Linggo lang talaga ang pahinga ko. Dagdagan mo pa ng school works.

“Ara, hindi na muna 'ko sasama mamaya. Gagawa kasi kami ng Thesis sa bahay nila Kelly.”

Tinanguan ko si Tracey. Umpisa na kasi sa paggawa ng Thesis. Excuse ako pagdating diyan. Hindi ko alam na pwede pala iyon. Dahil sa pagsasanay na ginagawa ko para sa pageant, hindi na raw nila dadagdagan ang pagod ko basta magfocus lang sa pag-eensayo.

“Ayos lang naman. Ikaw din ba, Alyssa?”

“Oo, e. Gusto pa nga mag-overnight pero ang sabi ko ’di ako pwede,” tugon niya.

Tumango ako. I understand. Ayos lang naman sa’kin ang mamasahe mag-isa papunta roon. Buti na lang ay pinadalhan ako nila Papa ng extra allowance.

Sila Papa ay retired na sa pagiging empleyado sa opisina. May maliit naman kaming business kaya may pandagdag sa nakukuha nilang pension.

“Sinend na sa’kin ni Tracey ’yung susuotin mong gown sa una. Gusto mo makita?”

Na-excite naman akong bigla. Parang simula noong nag-eensayo na ako gamit ang heels ay medyo ginanahan ako. Lalo na nang sinabi ni Dean na excused ako sa Thesis namin. I just need to focus on this.

Dinungaw ko sa cellphone ang gown. Bumilog ang bibig ko nang makita ito. Ang kulay ay parang purple na may halong pagkapula kaya hindi siya mukhang plain purple. Tube ang style at may malaking slit sa kaliwang bahagi. Nakahiwalay din ang train nito na mas maikli kumpara sa susuotin ko na pang-finale. Fit lang siya sa bewang hindi katulad noong kulay blue na ball gown ang itsura. Makinang ang buong itsura maliban sa plain na maliit at manipis na belt sa bewang at ang mismong train.

“Ang ganda...” I said.

“Ang galing pumili ng kaibigan mo,” puri niya. I know Tracey is good at this kaya hinayaan kong siya na ang mamili.

“Now, I want you to choose your sportswear. Conservative ka raw sabi ng kaibigan mo kaya ikaw ang hahayaan niyang pumili nito. Kumuha lang siya ng dalawa. Ito oh,” sabay pakita sa’kin ng litrato.

Ang unang litrato ay isang green na sports bra, just like the usual sports bra at cycling shorts na itim. Ang pangalawang litrato ay mas may design na sports bra. Pa-ekis ekis ang likod nito at sa harap ay may part na tube na kulay blue at may part ding ekis. Ang kapartner naman nito ay itim na leggings na highwaisted.

Tinuro ko ang pangalawa. Mas maganda ang style noon at mukhang mas bagay sa’kin.

“Nice choice. Ayan din ang nagustuhan ko sa dalawa,” sagot niya.

Bago umuwi ay pinaalalahanan niya kong mag-sit ups kahit 2 sets lang per day para hindi mukhang bloated ang tiyan ko kapag sinuot na ang sportswear.

Alas nuebe nang matapos kami. Tinext ko na sina Tracey na pauwi na ako. Grabe, ang hirap pa naman mag-abang ng jeep at taxi dito pag gabi.

Halos mapaatras ako nang may pumaradang sasakyan na pamilyar na sa akin. Kulay gray na SUV, kagaya noong nakaraang linggo. Bumaba ang salamin at nakita ko ang gwapong mukha ni Joaquin.

“Going home this late?” tanong niya.

“N-napatagal ang pag-eensayo.” I'm stuttering!

Umismid siya. “Hatid na kita.”

Umiling ako. “Hindi na, mag-aabang na lang ako ng taxi o jeep...”

“No, I insist. Gabi na, marami ng...” Dinilaan niya ang pang-ibabang labi niya kaya napahawak ako ng mahigpit sa handle ng bag ko. “Masamang tao dito.”

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now