Chapter 29

1.9K 26 2
                                    

Chapter 29

It's been months now since I've got a boyfriend. It feels new, but it brings back feelings at the same time. I can't hardly remember when was the last time I exchanged I love you's with a guy romantically until Joaquin came. He basically changed my perspectives. He's like a game changer. The u-turn slot. He proved to me everything he promised and he's doing great until now.

Marami ng bagay ang nangyari. Nakapag-birthday na rin ako, ilang buwan na kaming nag-ce-celebrate ni Joaquin ng aming "Monthsary", at pumasa ako sa LAE sa UP at nakapag-enrol na rin.

We celebrated, and of course, mawawala ba ang walang palyang regalo ni Joaquin tuwing may achievement ako. Sinasabi ko sa kanya palagi na hindi ko naman na kailangan ng mga ganoon. And especially, I can buy it now that I have my allowance.

Sapat na ang naipon kong pera sa pag-aaral ko. I don't need much money at all. Libre naman ang tuition ko at nagtatrabaho pa rin naman ako sa kompanya ni Joaquin. Not as an Accountant, but his second secretary.

Ako ang nag-aayos ng schedule ng mga meeting niya sa mga kliyente. Ang kanyang talagang sekretarya ang nag-a-assist sa kanya sa mismong meeting at gumagawa ng mas maraming gawain. Hindi ko kayang pagsabayin ang trabaho ko bilang Accountant at pag-aaral ng Law kaya si Joaquin na ang pumili nitong posisyon ko para sa akin. Ayaw kong siya ang sumagot ng mga gastusin ko kahit na sapat na ang pera ko kaya sinang-ayunan ko ang suhestiyon niyang maging sekretarya na lang niya. Tutal naman ay magkalapit lang ang condo unit namin. In that way, I can still earn money. Not as much when I was an Accountant, but it keeps my bank account growing.

"Let's go?" Tumayo si Joaquin nang nakitang dinadampot ko na ang sling bag ko.

Tumango ako at pinauna niyang lumabas ng pinto.

Pupunta kami ngayon sa mall para bumili ng gamit para bukas. I have classes tomorrow! I feel excited and anxious at the same time. It feels nostalgic. Mag-aaral na ulit ako, my gosh.

Hindi naman gaanong marami ang bibilhin ko. Some basic materials for learning lang and some clothes for school. Napagkasunduan na rin namin na ako ang gagastos dito sa mga bibilhin ko. He said yes kaya sinama ko na siya.

"So, where do we go first?" tanong niya.

"Ikaw pa yata ang mas excited sa akin," puna ko dahil nililibot niya ang paningin niya rito sa loob ng mall.

Tumawa siya. "I'm just excited for you."

Tumungo muna kami sa bilihan ng damit. Medyo matagal ito kaya ito muna ang uunahin ko. Sana ay hindi mainip itong kasama ko dahil baka mabatukan ko siya.

Pagkatapos bumili ng mga damit ay dumiretso kami sa stationery store. Gustong-gusto ko talaga pumupunta dito. I like doing calligraphy and stuffs related to that but I'm not good in drawing. Just writing and designing.

Halos kuminang ang mga mata ko nang makita ko ang iba't ibang kulay ng highlighters, washi tapes,  at color pens.

"Oh, my..." bulong ko sa sarili sabay lapit kung saan naroon ang mga highlighter.

Narinig kong humalakhak si Joaquin at sumunod nang may dalang basket. Nilapag ko roon ang iilang mga highlighter, washi tape, at kung ano-ano pang gamit para sa pagsusulat.

"Aren't these too much?" nagtatakang tanong ni Joaquin habang tinitignan ang medyo maraming bilang ng mga panulat.

"I need different colors. It's a girl thing you wouldn't understand," sabi ko habang nananatili pa rin ang mga mata sa sticky notes.

Bumili rin ako ng dalawang planner. And finally, some stuffs that I really need. Pagkatapos magbayad ay kumain na kami ni Joaquin at nag-take out na lang para sa hapunan namin. Masyado pa kasing maaga ang kain namin para sa hapunan.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now