Chapter 28

1.9K 33 4
                                    

Chapter 28

"Ano, Joaquin? Bilib ka na ba sa surprising powers nitong kaibigan namin?" malokong tanong ni Tracey.

Tumawa si Joaquin at tumango. "Yeah. Hindi ko naman alam na may hidden talent to sa pagbibigay ng mini heart attack," sagot nito na ikinatawa namin.

"Sir, sabi ko nga sa kanya sagutin ka na lang sa birthday mo kaso ayaw. May sarili raw siyang pakulo, ito pala 'yon," ani Cori.

"Drop the Sir, Corinna. Joaquin na lang. But yeah, that would be much easier than pulling these off," sagot ni Joaquin sa kanya.

Sumimangot naman si Cori kaya natawa ako. "Joaquin, just call her Cori. She doesn't like being called Corinna," saway ko.

Bumilog naman ang bibig nito at tumango. "Okay, then."

"E kamusta naman ang isa pang single dito?" kunyaring pa-inosenteng tanong ko habang tinutukoy si Alyssa.

Nginisihan niya ako. "Nagmo-move on na ako, ah!"

Nagkatinginan kami ni Tracey. "E nagmo-move on naman pala. Gaano na ba kalayo ang nararating mo?" pabirong tanong ni Tracey. Inirapan lang siya ni Alyssa at tumawa.

Noong nag-break up si Alyssa at ang boyfriend niya ay nakakwentuhan ko rin siya, siguro few days after I texted her. There's no third party involved. Nagkasawaan lang sila. They separated nicely pero syempre naroon pa rin ang sakit dahil sa tagal nila. At nakakapanibago na single na ulit siya ngayon. Parang noon ay single ako at siya ang may boyfriend ngunit ngayon ay baliktad na.

"Ara, matutulog na kami," paalam nina Cori.

Dito matutulog sina Tracey at Alyssa. Dahil gabi na at walang dalang sasakyan si Cori, I suggested that she should sleep here too. Pumayag naman siya dahil gusto niya pang maka-kwentuhan sina Tracey.

Pinauna ko na silang matulog dahil hindi pa tapos ang moment namin ni Joaquin ngayon. Nagpalit lang ako ng pantulog ko at naligo. Pinabalik ko na rin muna si Joaquin sa unit niya para makapagbihis na rin sa mas komportableng damit.

Nang may kumatok ay agad akong tumungo sa pintuan. I knew it was Joaquin.

"Tara sa rooftop," aya ko.

He looked at me with so much curiosity.

Tumawa ako. "Basta, tara na." Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya papuntang elevator.

While inside, he interwtined our fingers. Mabuti na lang ay hating-gabi na at kami na lang ang laman nito.

I reserved the rooftop just for the both of us. Para naman may alone time kaming dalawa. It's too awkward to talk in my unit at ayoko naman sa loob ng unit ni Joaquin.

"What are we doing here?" marahang tanong ni Joaquin.

Pinaayos ko rin ito. Inutusan ko ang mga nag-ayos ng unit ko na lagyan ito ng fairy lights at kung ano-ano pa para magmukhang cozy and romantic. May nakalatag din na higaan at mga unan para sa amin. Of course, may permiso ito mula sa admin. Maya maya pa ay hinatid ang mga finger food na pinagawa ko. The admin knew about this. Kasama ko si Tito noong nagpaalam kami kaya walang problema.

"Sit down," utos ko.

Sinunod niya ako at tinapik ang katabing espasyo niya. Umupo rin ako doon at nilagay sa harap namin ang pagkain.

"Inaantok ka na ba?" tanong ko.

"Hindi pa."

"Do you wanna talk?"

"Talk about what?"

Umihip ang malamig na hangin kaya tinangay ang buhok ko. Agad niya naman itong inayos at nilagay ang mga takas na hibla sa likod ng tainga ko.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now