Chapter 12

2K 46 2
                                    

Chapter 12

Ang pag-alis ni Joaquin ay nagbigay sa akin ng kalahating kasiyahan at kalahating kalungkutan. Mag-iisang linggo na rin simula noong umalis siya at bukas na ang graduation namin. I don’t know what to feel. Sasaya ba ako dahil graduation na bukas o malulungkot dahil wala si Joaquin sa espesyal na araw ko. Kahit na lagi ko siyang tinataboy, hindi ko naman maipagkakaila na hinahanap-hanap ko ang presensya niya.

“Wala si Joaquin?” nagtatakang tanong ni Tracey.

“Nasa New York,” simpleng sagot ko habang nanunuod.

Ganito lang ang gawain ko ngayong inaantay ko na lang na grumaduate ako. Pagkatapos din ng graduation ko ay uuwi muna ako sa Bulacan para mag-handa para sa nalalapit na board exam ko. Doon na muna ako habang wala pa akong nahahanap na trabaho.

Nadugtungan pa ang mga tanong nila. Bakit daw inuna pa ni Joaquin ang pagpunta ng New York and such. Hindi naman kasi ako priority ni Joaquin. I get it. His work is much more important than me. Hindi nga ako nagpapaligaw sa kanya tapos oobligahin kong pumunta sa graduation ko? That would be a shame.

Hindi ko rin alam kung bakit nagpunta siya sa New York. Business meeting siguro. Ganoon naman lagi ang ginagawa niya. Ang sinabi niya lang sa’kin noon ay pupunta siya at dalawang linggo ang itatagal niya. Sa kabila ng distansya namin, hindi lumipas ang isang araw na wala siyang text o tawag. In those calls, I am always giving him attitudes. Natatawa na lang ako pagatapos ng tawag dahil hindi ko rin alam kung bakit kapag sa text ang ayos ng pakikitungo ko pero sa tawag at personal ay daig ko pa ang babaeng may buwanang dalaw.

Tumawag naman si Mama kinagabihan. Alam na nila kung saan ang venue at kung anong oras ang graduation ko. Ang mag-aayos sa akin ay iyong pinsan ni Tracey. Tatlo kaming aayusan. Doon na rin sa venue ang diretso nila Mama para hindi na hassle.

Bago matulog, tumawag muli si Joaquin.

“Are you going to sleep?”

His voice sounds so tired. It’s husky that it sent me so much shiver.

“Oo...” Pinikit ko ang mga mata ko. Susubukan kong ayusin ang pakikitungo ko kay Joaquin. Baka sakaling umuwi siya bukas.

Okay, fine. I miss him.

“What time is your graduation?”

“Three o' clock.”

I heard him sigh. Pagod na pagod siguro dahil sa trabaho.

“I’m sorry I couldn't make it.” Para akong hinehele sa lambing ng boses niya. Napapikit ako lalo dahil gusto ko na lamang makinig sa kanya.

“Bella...” tawag niya nang hindi ako sumagot.

“Hmmm...” I answered. Hindi pa naman ako inaantok. I can still talk to him for hours dahil hapon pa ang event.

“I miss you so much.” Napangiti ako sa narinig. Same, Joaquin. Same...

Kinaumagahan, naging abala kami sa pag-aayos. Napuno ang maliit na bahay sa make-up artist at iilang assistant nito.

“Excited na ko mamaya! Ready na ba speech mo, Ms. Magna cum Laude?” natatawang tanong ni Tracey habang kinukulot ang mahaba niyang buhok.

Napangisi naman ako ngunit tinanggal ko rin dahil inaayusan ang mukha ko. Si Alyssa ay tapos na at inaantay na lang kami. Maaga pa naman pero dahil ayaw namin mahuli sa venue, inagahan namin ang pag-aayos lalo na’t tatlo kaming aayusan.

My phone beeped ngunit hindi ko agad iyon nakuha dahil sa ginagawa sa mukha ko. I waited for few minutes to finally open my phone.

Joaquin:

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now