Chapter 14

2K 38 0
                                    

Chapter 14

Dali dali akong nag-ayos. Mabuti na lang ay nakaligo na ako bago pa man niya sinabing pupunta siya.

Sinabihan ko na agad sila Mama na darating si Joaquin. Kilala naman na siya nila Mama dahil noong nagkasakit ako ay si Joaquin ang umasikaso sa amin.

Kada minuto ay sinusulyapan ko ang cellphone ko kung may mensahe ba galing sa kanya ngunit wala. Dahil sa hindi niya pagtetext ay hindi ako mapakali. What should I do? Unang beses siyang pupunta dito sa bahay at hindi ko pa alam paano niya nalaman ang address ko.

Makalipas ang siguro’y isang oras at mahigit ay may bumusina sa labas ng bahay namin.

“Ayan na yata si Joaquin,” deklara ni Mama.

Nangiwi ako at daling tumingin sa salamin para makita kung ayos na ba ang itsura ko. Nang nakuntento ay sumunod ako sa kanila sa pagsalubong.

“Magandang tanghali, Joaquin!” maligayang bati ni Papa. Si Mama naman ay malaki ang ngiti habang inaantay siyang balingan ni Joaquin. Para siyang isang artistang dumadalaw dito sa amin. Pati ang mga kapitbahay namin na nakatambay sa labas ay nakikitingin sa kanyang pagdating.

“Magandang tanghali rin po, Tito.” They shaked hands. Umirap naman ako. Ano ba ’to nangangandidato?

“Tita...” Nagbeso-beso pa sila.

Sa 'di kalayuan ay nakita ko ang dalawa kong kapatid na tumatakbo patungo sa kinaroroonan namin. Pagdating ay nagbatian agad sila. Looks like they got close when I was at the hospital. 

Kumalabog naman ang dibdib ko nang ako na ang balingan niya ng tingin. He smiled at me.

“Halika, pumasok ka,” anyaya ni Papa.

“Kakasabi lang ni Ara sa amin na darating ka kaya mainit-init pa ang ulam na binili ko. Kakapusin kasi sa oras kung magluluto pa,” paliwanag ng tatay ko.

“Pasensya na po at naabala pa kayo. Gusto ko lang sana talaga bisitahin ang anak niyo,” diretsahang wika ni Joaquin.

Walang preno! This is really new to me. Siya ang kauna-unahang lalaking pinatapak ko dito sa bahay at pinakilala sa mga magulang ko. Him being this fast is really giving me trauma!

Maligayang tumawa si Papa, rinig ko din ang tawa ni Mama mula sa kusina. 

“Ara, ilapag mo doon sa lamesa,” utos ni Mama habang inaabot sa akin ang mga plato. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng  pagkakainan namin. Pero hindi ko pa rin magawa nang maayos dahil sa malalalim na titig na binibigay sa akin ni Joaquin.

“Naku! Maraming salamat pala, Joaquin sa pagpapatuloy mo sa amin sa condo mo, ha,” wika ni Mama nang matapos.

“Gutom ka na ba? Tara na’t kumain.”

Hindi sila mapakali. Gosh, if they only knew the way I treated him. Baka pagalitan pa ako pag nalaman.

Tumango naman si Joaquin. “Sakto po at kakagaling ko lang sa opisina.”

Inilahad ni Papa ang uupuan niya. We sat the usual. But only Joaquin beside me.

“Lechong manok, Joaquin,” alok ni Papa. Tinanggap naman iyon ni Joaquin at naglagay sa plato niya. Inilahad niya sa akin ang plato ng lechong manok.

“Thanks.”

“Sa opisina ka pala nagtatrabaho?” tanong ni Papa.

“Ah, opo. Ako po ang namamahala sa Law firm namin.” I wonder, paanong ang isang kagaya niya ang nakakasagot pa rin ng mga tanong nang walang halong yabang. He sounded so humble.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now