Chapter 20

2K 35 2
                                    

Chapter 20

Nang wala pa rin sumagot sa ilang beses kong tawag ay tinigilan ko na muna. Maybe Alyssa needs space.

Kinaumagahan ay maaga akong naghanda para sa unang araw ng trabaho. Before I leave the house, I made sure na nag-iwan ako ng mensahe para kay Alyssa.

Ako:

I hope you're doing well. I tried to call you but no one's answering. Tracey and I worry about you. Please, let's hang out sometimes. I wanna have chika with you. Love you!

Dala ang sasakyan namin, umalis ako ng alas sinko y media para iwas traffic. Mabuti na lang ay gising na rin sila Mama kaya nakapagpaalam ako. I estimated that this will be an hour and a half drive. I should be there by before 7 AM. I texted Joaquin at nagulat na tumatawag siya ngayon.

"Good morning!" I turned the speaker on para makapagfocus sa pagmamaneho.

"Hmm, good morning," paos na sagot niya. Siguro kakagising lang nito.

"On my way to your company."

He chuckled. What a husky laugh, man!

"Ingat ka. You should've let me fetch you."

"No, thanks. I can manage." I laughed.

"You always manage yourself. When will you let me baby you?" malambing na tanong niya.

The butterflies in my stomach went wild. Kung nandirito siya ngayon ay paniguradong makikita niya ang pamumula ng pisngi ko.

"Why would you baby me?"

"Because I want to, Bella," he sighed.

"Tss..." Umirap ako habang malaki ang ngisi. Umagang-umaga naman!

"I'll tour you to your place. Wait me at the lobby, okay?"

Narinig ko ang kaluskos ng iilang gamit niya. Siguro ay naghahanda na rin.

"Yes, boss," I said while chuckling.

"Don't call me that, please," he pleaded.

Tinawanan ko lang siya at nagpaalam na. Mabuti na lang ay may nadaanan akong drive thru para bumili ng pagkain. Hindi ko kakayanin na magtrabaho agad nang walang laman ang tiyan.

As expected, may traffic nga. Nagtagal ito ng trenta minutos bago ako nakarating sa kompanya ni Joaquin. Itetext ko pa lang sana siya na nandito na ako sa parking lot nang may narinig akong pamilyar na boses.

Umagang-umaga bakit may gwapo sa harapan ko. Oh, goodness! Joaquin in his corporate attire. Black coat with red polo, black slacks paired with leather shoes. What a handsome guy!

"Welcome to my company," minuwestra pa niya sa akin ang daan patungo sa lobby.

Nginitian ko siya at nag-umpisa nang maglakad. 

Binati ko ang security guard kaya nilingon ako ni Joaquin.

"What? Binati ko lang," agap ko.

Tumawa siya, "I'm not saying anything."

Inirapan ko siya at inunahan maglakad. Agad naman niyang sinabayan ang lakad ko. Pagkapasok sa elevator ay halos maestatwa ang mga babaeng empleyado doon. Mayroon pang iilan na impit na tumili. I know, girls. I know. Ang ibang mga empleyado naman ay palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Joaquin. Marahil ay nagtataka sila bakit sabay kaming pumasok ng elevator. Pinindot ni Joaquin ang pang fourth floor.

Tahimik lang ako at taas noong inaantay ang pagbukas ng elevator. Tumingala ako at nakitang nakaismid si Joaquin. Ano naman kayang iniisip nito?

Pagkabukas ng elevator ay iginiya niya agad ako sa Auditing Department. Bumukas ang pintuan at nakaramdam kaagad ako ng hiya dahil sa mga matang sa amin kaagad nakatingin.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now