Epilogue

3.5K 83 36
                                    

This will be the last update for this story. Thank you for being with me all along. I appreciate you all.

As a gift for my readers, this will be Joaquin's POV. Hope you enjoy!


"Yes...yes. I'll talk to you once I got to the office." Pinatay ko ang cellphone ko at nagtungo na sa opisina ng Dean.

My father asked me to come with him so that I could tell hm what I think about the candidates. Ilang araw na rin namin itong ginagawa. Hindi ko alam kung ilang eskwelahan pa ang kailangan naming bisitahin.

Pumasok ako at nahagip ng paningin ko ang babaeng nakaupo sa harapan ng lamesa ng Dean.

"Oh, siya nga pala. Miss Fuentes, si Joaquin, ang anak ko," pagpapakilala sa akin ni Papa pagkapasok ko.

I sat beside my father and lend my hand for a handshake. Ilang beses na akong nakipag-kamay pero ito ang pinakaunang beses na kinabahan akong makipag-kamay sa isang babae.

I looked at her intently while she's busy staring at our hands. Nang magbitaw ang mga kamay namin ay agad kong nilingon sa ibang direksyon ang atensyon ko.

Get your shit together, Joaquin.

"Siya ba ang kasali?" I asked. I was making sure mamaya mali naman pala ang naisip ko.

Tumango si Papa at binilan ang kandidata na huwag nang aatras. Binalingan ko ang kandidata at humalukipkip. Pinagmasdan ko ang mapupungay niyang mga mata. Ang kanyang matangos na ilong at mapupulang labi. Nang magtagpo ang aming paningin ay yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri.

Inalis ko sa kanya ang paningin ko at tumingin sa labas. Fuck! I can't stop looking at her. Umayos ako ng upo at tumikhim.

Natapos ang meeting at nauna na rin kaming umuwi.


I closed my laptop and fixed my things. Damn, this case is giving me headaches. I immediately went to my car to go home. I want some whiskey -- that would definitely not take away my headache.

While driving, my eyes drifted to a familiar face.

"Was that Arabella?" I asked myself.

I asked my father about the names of all the candidates. Palusot ko lang iyon para malaman ang pangalan niya. Then I found out her name's Arabella Fuentes.

Nag-park ako sa harapan nila. Hindi ko rin alam sa sarili ko bakit ko ginawa iyon.

"Pauwi na kayo?" Obviously, Joaquin.

They all nodded except for her. She's just staring at me. I looked at her intently.

"Hatid ko na kayo."

"Ta-talaga?" One of her friends asked.

Tumango ako. "Gabi na rin saka..." I want you to get home safely. "Delikado sa daan."

Pagkatapos ng pagkakataong iyon ay lagi na akong nag-aabang sa lugar na 'yon. Unfortunately, maaga minsan ang uwi nila kaya hindi ko naaabutan.

For this time, I really stayed an hour early. I parked near their place para naman hindi ako mahalata.

Alas nuebe nang makita kong lumabas si Arabella. She's texting. Gabi na, mamaya ay mahablot pa ang cellphone niya.

Nag-park ako sa harapan niya at binaba ang salamin ng bintana ko.

"Going home this late?"

"N-napatagal ang pag-eensayo." I startled her. Damn it.

Sinakay ko siya. She's very quiet. Halos makarinig ako ng insekto dahil walang kaingay-ingay sa loob ng sasakyan.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now