Chapter 27

1.8K 36 2
                                    

Chapter 27

The party ended late. I told Joaquin that I'm just going to to commute but he insisted on going home with me. Everything's already settled. The place where I'm going to surprise him, the foods, etcetera.

I texted Cori before going to bed.

Ako:

He didn't let me go home alone.

She replied immediately. Himala at gising pa ang isang 'to?

Cori:

Told you. Alam mo naman 'yang si Sir, hindi mapakali kapag nawawala ka sa paningin.

Ako:

Don't mind him. Tuloy pa rin ang plano bukas.

Cori:

Okay, goodluck!

Ganito ang plano. Magpapaalam ako kay Joaquin na kunyari kaming bibili ng groceries ni Cori sa mall. Hihiramin ko rin ang kotse niya. Habang pauwi, maaaksidente kami. Sasabihin ni Tito Francisco, his father, na nasa condo unit ko na ako at nagpapahinga. For sure, nasa condo lang din si Joaquin at namamahinga. The moment he enters my unit, that's when the surprise happens.

Alam na ito ni Tito Francisco at ng mga kapatid niya. Kaso nga lang ay parehong busy ang kanyang mga kapatid kaya hindi makadadalo. Ayos lang iyon dahil medyo nahihiya pa rin ako sa kanila. Kakuntsaba ko na rin ang mga kaibigan ko. Sadly, my family can't come dahil it would be a long drive again, but it's okay.

Kaya kinabukasan ay maaga akong gumising para ayusin ang mga kailangang ayusin. I hired some people to decorate my unit. Habang abala sila sa pag-aayos ay sa condo muna ako ni Joaquin para hindi siya mag-suspetsa. Mamaya ay bigla pa akong bisitahin sa condo unit ko. Mawawala ang lahat ng plano.

"Any plans for today?" tanong niya habang nanonood kami ng movie.

"Grocery kami ni Cori mamaya. And speaking of, can I borrow your car again? I promise I'll take good care of it."

Ano kaya ang magiging reaksyon mo mamaya kapag narinig mo ang balitang nabangga ko ang kotse mo? Ano ang una mong aalalahanin? Me or your precious car? Damn, ngayon pa lang natatawa na 'ko.

"I can come with you two. I'll be your driver so that you won't get tired," alok niya.

"It's okay. Mag-ladies time muna kami ni Cori. Nangako na kasi ako sa kanya noong nakaraan pa," pagrarason ko.

He held my hand and kissed the back of my palm while his eyes are still on the tv.

"Okay, no problem. Drive safely okay, Bella?"

"Of course!" I said chuckling.

Noong nagpaalam siyang maligo ay sinamantala ko ang pagkakataong tanungin kung kamusta na ang pag-aayos nila sa condo unit ko. Naroon sina Tracey at Alyssa nagbabantay.

Ako:

Kumusta diyan?

Tracey:

Okay na okay! Ang ganda ng inaayos nila.

Ako:

Thank you! If you're hungry, may pagkain diyan sa ref.

Tracey:

Okay, see you later!

Hapon pa magaganap ang surprise. Ang pagpunta namin ni Cori sa mall ay pagkakataon ko na rin na makapag-ayos. Sa salon na ako magpapaayos. Nagpa-reserve na rin ako noong nakaraan pa.

After we ate our lunch, naghanda na ako para sa pag-alis namin ni Cori. Joaquin even kissed my forehead before letting me go.

Pagkababa ay natanaw ko agad si Cori na nag-aantay sa kotse ni Joaquin.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now