Chapter 35

1.9K 28 3
                                    

Chapter 35

"Himala wala si Melissa?" tanong ni Cori.

Nakwento ko kasi sa kanya na wala si Melissa at Macy sa school kanina.

"Baka may lakad," lutang na sagot ko habang nagbabasa ng cases.

"Mabuti na 'yung wala siya dahil kung hindi, lalakaran ko talaga 'yang pagmumukha niya pag nakita ko siya," wika ni Cori na ikinatawa ko.

Natahimik kami saglit. Sinulyapan ko si Cori na abala sa pag-scroll sa cellphone.

"Ara," pagtawag niya.

"Hmm?"

"Alam ko kung saan nakatira si Melissa."

Inangatan ko siya ng tingin at pinagtaasan ng kilay.

"Puntahan natin. Sabunutan mo."

"Cori..." saway ko.

"Fine, kasuhan mo na lang."

Ngumiwi ako. "Pinag-iisipan ko pa rin."

"Ano? 'Yung mga ganiyang bagay hindi na dapat pinag-iisipan 'yan."

"Hindi ba masyadong mababaw, Cori? Kakasuhan ko para lang sa doon? Kinama ang boyfriend ko? Hindi pa naman kami mag-asawa." Humina ang boses ko sa huling pangungusap.

"Ara, nasa Law school ka 'di ba? Dapat alam mo na labag sa batas ang ginawa niya. Ginamitan niya kayo ng kung anong drugs para makatulog. Illegal iyon, Arabella," paliwanag ni Cori.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil hindi ko na alam ang gagawin. May mga case digests pa akong kailangan pag-aralan.

"Hindi mo man lang ba ipaglalaban 'yung relasyon niyo? Hindi na kayo mga teenager, Arabella. Baka gusto mong ipaglaban man lang kahit isang beses si Sir Joaquin. Ang daming nalilink sa kanya may narinig ka bang in-entertain niya? Wala naman, hindi ba?" sermon niya pa.

Nanatili ang mga mata ko sa binabasang pahina. Hindi ko alam kung pumapasok pa ba ito sa utak ko o ano.

"Magtapat ka nga sa'kin. Naniniwala ka ba talagang kayang gawin ni Sir Joaquin 'yon?"

Tinitigan ko siya at umiling. Una pa lang naman alam kong hindi na kaya gawin ni Joaquin iyon. Kaya sobra akong nagulat talaga.

"Oh, see? Tapos ayaw mo pang magsampa ng kaso? Mamaya drug pusher pala 'yang si Melissa."

Natawa ako sa lawak ng utak niya.

"Malay mo totoo," natatawa rin niyang depensa.

"Sige, pag-iisipan ko muna," sagot ko.

True to my word, I really thought about it the whole night. Mabuti na lang hindi ako natawag sa recitation sa klase dahil kung hindi ay baka wala akong maisagot.

Walang pasok ng Thursday dahil holiday. Miyerkules ng gabi nang mapag-usapan namin ni Cori ang pagpunta kay Melissa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya pumapasok.

"Ano, pupuntahan na ba natin si Melissa bukas?" tanong niya.

Tumango ako. Ayokong palakihin ito. Kung ano man ang koneksyon ni Melissa sa drugs na ginamit sa amin ay labas na kami ro'n. Gusto ko lang malaman kung bakit kailangan niyang gawin iyon.

"Saan mo nalaman ang bahay nila?" nagtatakang tanong ko.

"Syempre ako pa ba? Nanggigigil ang kuko ko sa babaeng 'yon parang gusto nilang bumaon sa pisngi niya."

Napag-alaman ni Cori na may sarili siyang condo at doon siya madalas naglalagi. Hindi na sinabi ni Cori kung paano niya nalaman ang eksaktong lugar.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now