Chapter 25

1.9K 32 2
                                    

Chapter 25

Pinaulit ko sa broker ang sinabi niya. It turns out, fully paid na. Lilipat na lang talaga ako.

“Magkano ang unit na kinuha ni Joaquin?”

“Ayaw po niya pasabi sa inyo, Ma’am.”

I sighed at that. Iba talagang kumilos si Joaquin pagdating sa mga ganitong bagay. Alam niyang tatanggihan ko ’to. Alam niyang hindi ako papayag kung sakaling malaki ang presyo ng unit o kung siya ang magbabayad. That’s why he didn’t consult me.

“Oh, gano’n ba. Sige, ako na lang ang kakausap sa kanya.”

“Okay po, Ma’am. Have a great day!”

As soon as my work is done, I immediately went to Joaquin’s office. Dumating ako sa office niya nang wala siya. Nasa meeting pa ayon sa sekretarya niya. I am not mad or anything. Hindi ko rin siya balak awayin. Gusto ko lang klaruhin ang ginawa niya.

After few minutes of waiting, dumating na rin siya. Nilapitan ko siya at ginawaran naman kaagad ako ng halik sa noo.

“You look tired,” puna ko.

He smiled weakly. “Yeah, a bit. Ikaw? Gutom ka na?”

Ngumiti ako at umiling. “Hindi pa naman.”

Naupo kami sa sofa. Sinandal niya ang ulo sa balikat ko at pumikit. He sighed deeply. Is this the right timing to cofront him? Gusto ko lang naman ipaliwanag na ako ang magbabayad pero mukhang bad timing ngayon. Ayokong dagdagan ang pagod niya.

“Gusto mo na umuwi?” malambing na tanong niya. He’s now holding my left hand and caressing it. I smiled. Kahit pilyo ang lalaking ito, napapalambot niya ang puso ko.

“Ikaw ba? Tapos na sa mga gagawin mo?”

“Yup. Let’s go home or dinner somewhere?”

Sa wakas ay hinarap niya ako at tinitigan habang inaantay akong sumagot.

“Uwi na lang para makapagpahinga ka na. Magpadeliver na lang tayo,” sagot ko.

“Alright.”

Kahit kating-kati na akong itanong sa kanya ang tungkol sa unit ko habang nasa sasakyan, pinigilan ko ang sarili ko. Bad timing talaga ngayon. Mamaya na lang siguro.

Pagkarating sa condo niya ay nag-order na kaagad kami ng hapunan. Nag-suggest siya na magluluto na lang ng dinner ngunit hindi ako pumayag. I let him rest.

After a few minutes of waiting ay dumating na rin ang pagkain namin. Habang nag-iintay ay nauna na akong maligo. Nang matapos ay siya naman ang sumunod at ako ang nag-abang sa delivery boy.

“Kelan nga ulit ako makakalipat, Joaquin?” tanong ko habang kumakain.

“Whenever you like, Bella.”

“Weekends na lang siguro... Siya nga pala, wala pang furnitures ’yon ah? Paano ako makakalipat?”

“Kinuha ko iyong mayroon na para hindi ka na mahirapan. Kung ayaw mo ng style, you can change it. Pero pinili ko na iyong sa tingin kong pasok sa panlasa mo,” he said confidently.

Pinaningkitan ko siya ng mata. “Joaquin,” may pagbabanta ang tono ko.

He chuckled. “What?”

He even raised his hands in the air as if he’s some kind of criminal. I gave him a dagger look.

“I called the broker. She told me fully paid na.”

“Uh-huh, and?”

I raised my eyebrow. “You didn’t tell me. Unit ko ’yon, Joaquin. Ako dapat ang nagbabayad.”

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now