Chapter 21

1.8K 29 0
                                    

Chapter 21

I can’t focus on my lips. Halos manginig ang kamay ko habang naglalagay.

“Ah, oo. Noong nakaraan lang bumisita ’yon dito, e.”

Shit. Inayos ko ang sarili ko at huminga nang malalim.

Last week I was here. Walang empleyadong nakakita sa akin but Joaquin introduced me to his secretary as his girlfriend. Baka iyon ang tinutukoy niya? Baka nasabi ng secretary ni Joaquin ang tungkol sa akin?

“Nakita mo ’yung itsura?”

Inayos niya ang buhok niya at tumingin sa relo.

“Tara balik na tayo sa office,”

Tumango ako at hindi pa rin mapakali dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. Pagkabalik ay tinanong ko ulit siya.

“Nakita mo na ba iyong itsura no’ng girlfriend ni uh... Sir Joaquin?”

“Oo naman! Dati ay madalas na bumibisita iyon dito. Doon lagi sa office ni Sir. Nakikita lang namin kapag may meeting. Halata mo na agad na girlfriend niya kasi lagi silang magkasama tapos...”

Nalaglag ang ballpen niya kaya pinulot niya muna iyon. Bwisit na ballpen!

“Tapos?”

My heart is racing. Ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay galit at awa sa sarili. Really, Joaquin? Paano mo nagawang magsinungaling!  You’re an asshole!

“Last week nga lang bali-balitang naghahalikan sila sa parking lot.”

Fuck. Nanginginig ako. Nanginginig ang mga kamay ko. Namumuo na rin ang luha sa mga mata ko. I couldn’t relax because there’s something in my throat.

“Investor kasi iyon dito sa kompanya. Ang ganda din no’n, e! Ang tangkad tapos ang puti. Palagi pang nakasuot ng high heels.”

Damn, it! I couldn’t take this anymore!

“H-hala naiihi ulit ako. Wait lang, a-ah... ” pagsisinungaling ko.

Tinakbo ko mula sa opisina hanggang sa restroom. Ni-lock ko ang mismong pintuan para walang makapasok. Pumasok pa ako sa cubicle para walang makarinig ng hagulgol ko.

Fuck you, Joaquin! Fuck you and your lies! Hindi ako makapaniwalang pinaglalaruan mo lang ako! May girlfriend ka pala at ginawa mo pa akong third party!

Nagmura ako nang makitang wala akong dalang panyo. I should’ve brought it! Basang-basa ang mukha ko sa luha. Paano na ako nito lalabas nang hindi nahahalatang umiyak ako?

I stayed for a few more minutes. Pinahupa ko ang namumugto kong mga mata. Okay na ang ma-late. I will resign immediately. Ayokong makita ang pagmumukha ni Joaquin, ever!

Pagdating sa office ay nag-aalalang mukha ni Cori ang tumambad sa akin.

“Saan ka galing bakit ang tagal mo?”

“Daming tao sa cr...” I lied again.

Tumango-tango siya habang nakatutok sa screen ng computer. Pinalipas ko ang nalalabing oras sa pagsusulat ng kung ano-ano sa  Microsoft Word. I even tried almost all of the fonts available dahil sa sobrang boring. If only I could help Cori with her work.  Magkaiba kasi ang job description namin. I am the only one Accountant in this company and probably will resign later. 

Kahit na ayokong makita si Joaquin, I’ve decided to face him later and tell him that I will resign. No buts and ifs. I even received a text from him.

Joaquin:

Huwag ka munang umuwi agad mamaya. Go to my office, okay? Namimiss na kita.

Lies! Lies! Lies! Napakagaling mo talagang mambola. Maybe that’s the reason why you can get all the girls you want. But I am an exception. Mabuti na lang at hindi pa kita sinasagot.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now