Chapter 32

1.7K 19 2
                                    

Chapter 32

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Nilibot ko ang paningin ko sa isang kwartong hinihigaan ko. Nasa malaking kama ako at kaharap ko ang isang malaking tv. Tinignan ko ang suot kong damit ngunit ganoon pa rin iyon. Ano bang nangyari?

Sa pagkaka-alala ko ay nasa bar kami ni Joaquin kagabi dahil birthday ni Melissa. Iyon lamang ang tanging naaalala ko. Maliban doon ay wala na. Hindi ko na alam kung paano ako nakarating dito sa kwartong ito.

Sinubukan kong tumayo at hanapin kung saan nagpunta si Joaquin. Pumikit ako nang mariin nang sumakit lalo ang ulo ko pagkatayo. Damn, what did I drink last night?

"Joaquin?" pagtawag ko.

Nang walang sumagot ay nagtungo ako sa cr. I still got my make-up on. Bakit hindi ako ginising ni Joaquin para magpalit ng damit at maglinis ng mukha? And most importantly, nasaan ba siya?

Naghilamos ako ngunit hindi pa rin iyon sapat. Lumabas ako at nilibot ang buong kwarto. Nasaan ba ako? Is this a hotel? May condo unit ako bakit ako dinala ni Joaquin dito?

Napahawak ako sa bibig ko nang may maisip. Imposibleng may mangyari sa amin dahil suot ko pa rin ang damit ko kagabi. And I'm not... sore. Well, that's what they say when someone takes your virginity. Nag-init ang pisngi ko sa ideyang iyon.

"Joaquin," pagtawag kong muli ngunit walang sumagot. Guess I'm alone in this room.

Nakita ko sa sofa ang bag kong dala kagabi. Kinuha ko doon ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Joaquin. Ilang ulit kong tinawagan ang numero niya ngunit out of reach. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon?

Kinuha ko ang gamit ko at umalis sa hotel room na tinulugan ko. Dire-diretso akong lumabas at nagtungo ng parking lot nang maalala kong wala akong dalang sasakyan. I tried calling Joaquin's number but it's still out of reach. Gustong-gusto ko na umuwi kaya tinawagan ko si Cori.

"Hmm...." napapaos nitong sagot na sa tingin ko ay naistorbo ko ang pagtulog.

"Cori, pwede mo ba akong sunduin?"

Bumuntong-hininga siya. "Ara, alas syete pa lang ng umaga. Saan ka ba nagpunta?" tamad na sagot niya sa akin.

"I don't know. I really don't know."

"Ano? Alam mo kung pinagtitripan mo ako-"

"Hindi! Hindi, Cori. Explain ko mamaya, pero ngayon gusto ko na umuwi at makapagbihis. Pasundo naman ako, please?"

She groaned. "Fine, bumawi ka sa akin after nito," aniya. "Send mo sa akin ang address mo."

Hindi ko alam kung nasaan ako kaya and sinend ko sa kanya ay ang pangalan ng hotel at sinabing nasa parking lot ako.

Agad naman siyang dumating. Halata mong bagong gising pa rin. Pumarada sa harapan ko ang taxi at pinasakay niya kaagad ako doon.

"Saan ka ba galing kagabi at ganyan ang suot mo?" nagtatakang tanong niya.

"Sa bar. Birthday ng kaklase ko. Inimbitahan kami ni Joaquin pero nagising ako nariyan na ako. Wala akong maalala."

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Sinong kaklase?"

"Si... Melissa."

"Okay na kayo? Kung ako sa'yo 'di na ako nagtiwala pa roon."

Kinagat ko ang labi ko at umiling. "It doesn't matter to me right now. Kailangan kong mahanap si Joaquin. He's not answering his phone."

Hindi ko alam kung dapat na ba akong mag-alala. Ilang beses kong tinawagan si Joaquin ngunit wala pa ring sagot.

"Yeah, right. Nasaan pala si Sir? Nakakapagtakang ikaw lang ang mag-isa sa hotel na iyon?"

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now