Chapter 19

1.9K 30 0
                                    

Chapter 19

Iniwas ko ang mukha ko nang sobrang lapit na niya.

"Pero hindi pa nga tayo," matigas na sagot ko.

Binalewala niya ang sagot ko at nagkibit-balikat lang. Inirapan ko siya at hinampas sa braso.

"Uuwi na ako. Bumalik ka na sa trabaho mo," utos ko.

Paano naman kasi simula nang dumating ako dito ay hindi na niya binalikan 'yung ginagawa niya sa office table kanina. Nakita kong may mga papeles doon na kailangan niyang pagtuonan ng pansin.

"Mamaya ka na umuwi. Hahatid na kita."

"Dala ko 'yung kotse namin."

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.

"Iwan mo na lang. Ipapauwi ko na lang sa driver ko mamaya."

Sinimangutan ko siya. "Hindi pwede, Joaquin. Hahanapin sa'kin ng parents ko 'yon."

"Sabihin mo hinatid kita. Alam naman nila na-"

Pinutol ko ang sinasabi niya dahil alam kong hindi na naman ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya.

"Joaquin."

Bumuntong hininga siya. "Fine.Just please drive safely and text me when you got home. Right away, okay?"

Nginitian ko siya nang matamis saka tumango. 

Hinatid niya ako sa parking lot kung saan iniwan ko ang sasakyan ko. Palabas ng opisina niya ay pinagtitinginan na kami ng mga empleyado. Tinignan ko si Joaquin ngunit poker face lang siya at abala lang sa paghawak sa kamay ko. Hindi niya pinapansin ang mga tingin ng mga tao. Paminsan-minsan ay sumasagot sa mga 'Magandang Hapon po, Sir' ng mga empleyado.

Pagkauwi sa bahay ay agad kong tinext si Joaquin, kagaya ng utos niya.

Ako:

Nakauwi na ako.

Hindi agad siya nakapagreply. Marahil ay busy na sa ginagawa niya. Nakatulog ako sa pagod at nagising nang hapunan na. Binuklat ko ang cellphone ko at nakitang may mga mensahe si Joaquin doon.

Joaquin:

Good. Take a rest.

Joaquin:

Anong ginagawa mo?

Napangiti ako sa mensahe niya. Kung makapagtanong naman ito akala mong hindi busy sa trabaho. Ako nga dapat ang nagtatanong niyan.

Nagtipa ako at nireplyan siya.

Ako:

I slept. Kakagising ko lang.

Alas otso y media na. Nakakain na rin ako ngunit wala pang reply galing sa kanya. I decided to open my social media accounts. Nakita kong may message si Tracey doon.

Tracey:

Hoy, tagal mo ng hindi online! Ano na balita sa'yo?

It was sent yesterday. Nagreply ako sa kanya.

Ako:

Busy lang. Nag-apply na 'ko ng trabaho.

Luckily, she is online. Agad akong nakatanggap ng reply galing sa kanya.

Tracey:

Wow! Mabuti naisipan mong mag-online?

Natawa naman ako. I could imagine his facial expression while saying this to me.

Ako:

Bored, e. Ikaw? Anong pinagkakabusy-han mo?

Tracey:

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now