Chapter 5

2.3K 47 0
                                    

Chapter 5

Napagdesisyonan naming bumalik na lang doon. Magpupunas na lang ako kaagad at iinom ng gamot kung sakaling sipunin. Mahina ang resistensya ko sa ulan kaya kabisado ko na ang katawan ko sa ganito.

Basang basa kami nang makarating doon. Ang bagong palit ko na t-shirt ay basang-basa pati na rin ang pantalon ko.

Dinaluhan kami nina Ms. Francine.

“Basang-basa kayo! Baka magkasakit kayo niyan,” sabi nito.

“Hindi po ’yan! Matatag po resistensya namin!” sagot ni Alyssa sabay tawa.

Kinuha ko sa bulsa ang panyong pinahiram ni Joaquin. Pinunas ko iyon sa basang buhok at braso ko. Wala ng pag-asa ang damit ko. Magpapalit na lang ako sa bahay mamaya.

My body trembled noong umihip ang malakas na hangin kaya natawa ako. Hinimas ko ang braso kong giniginaw.

Nahagip ng paningin ko si Joaquin na seryosong nakatingin kaya iniwas ko ang paningin ko.

“Oh, siya. Halika na, uwi na tayo at anong oras na,” anyaya ni Ma’am Steph.

Hindi na namin kailangang kuhanin ang gown dahil nadeliver na pala iyon sa opisina ni Ms. Francine. Siya na lang daw ang magdadala sa Lunes.

Pumunta na kami sa van na sinakyan kanina. Ganun pa rin ang pwesto namin. Kasabay pa rin si Joaquin. Si Mayor ay sumaglit na lang kanina at umuwi na rin agad dahil may meeting daw na dadaluhan.

Habang nasa byahe ay bahing na ako nang bahing. Sana naman ay maagapan ko agad ito dahil tuwing ganito ang sitwasyon ko ay nilalagnat ako pagkatapos. Tulog ang mga kasama ko. Tanging ako at si Joaquin lang ang gising maliban sa driver.

“Do you have meds at home?” Nagulat ako sa biglang tanong niya matapos kong bumahing.

Umiling ako. “Bibili na lang ako bukas.”

Saglit niya akong tinignan bago dinilaan ang pang-ibabang labi. “Mang Jerry padaan naman sa malapit na botika,” utos niya. Tumango naman ang driver.

Ngumuso ako at sumandal nang manginig na naman ang katawan sa ginaw. Ako lang ata ang giniginaw saming tatlo dito sa likod. Tulog na tulog sila samantalang ako ay hindi mapakali sa ginaw dahil basang-basa ang damit ko.

Nakita kong may ginalaw si Joaquin sa unahan ng sasakyan at naramdaman kong namatay ang aircon dito sa likod. Nakita kong pinagmamasdan niya ko sa rear-view mirror. Iniwas ko ang paningin ko at tumingin na lang sa bintana.

Huminto ang sasakyan sa isang pharmacy. Bumaba si Joaquin ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang likod niyang naglalakad at pumipila para bumili. His broad and large shoulders is all I can see. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid dahil nasa kanya lang ang atensyon ko. Matikas ang kanyang paglalakad. Ang kanyang nakakapangakit na braso ay nakapamaywang habang nag-aantay na ma-assist ng pharmacist dahil may bumibili pa sa unahan niya.

Tinignan ko ang orasan ko. Alas dyes y media na. Sinandal ko ang ulo ko sa upuang nasa unahan ko. Suminghap ako dahil sa sama ng pakiramdam. Mainit na rin ang pakiramdam ko. Syempre, matuyuan ba naman ako ng basang damit galing ulan. Idagdag pa na pagod ako galing sa pag-eensayo.

Nagulat ako nang bumukas ang pintuan namin dito sa likod. Bumungad si Joaquin dala ang isang plastic at isang bote ng tubig. Gumalaw lang ng kaunti sina Ms. Francince pero bumalik ulit sa pagtulog.

“Kumain ka muna ng tinapay bago ka uminom ng gamot.” Inabot niya sa akin ang plastic. May laman itong biskwit at iba’t ibang gamot.

“Magkano ang nagastos-”

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now