Chapter 40

2.3K 43 13
                                    

This is the last chapter, guys. Next is Epilogue. Thank you for supporting me and my story!

Chapter 40

"Ano sa tingin mo bagay sa akin? Dark blue or dark red?" tanong ni Cori sa akin habang namimili ng dress sa department store.

Kanina pa kami rito at hindi pa rin siya makapili ng damit.

"I prefer dark blue," sagot ko.

"Nood tayong movie after lunch?"

Binalingan ko siya ng tingin.

"What? Don't tell me busy ka? Magtatampo na talaga ko sa'yo."

Tumawa ako sa reaksyon niya. "No, silly. Nagulat lang ako dahil ang sabi mo mamimili lang tayo ng damit."

"I missed you! 'Di mo ba ko na-miss? Ang busy mo kaya these past few weeks."

"Fine, fine. We'll do whatever you want, Cori."

Iniwan ko si Joaquin nang tulog pa sa condo. Nagpaalam lang ako at umalis na rin. Dala namin ang kotse ng boyfriend ni Cori at sinundo niya ko mula sa condo ni Joaquin.

Nagtipa ako sa cellphone ko para maitext si Joaquin.

Ako:

Joaquin, dito na kami mag-lunch ni Cori. Nag-aaya rin siya manood ng sine. I'll see you later. I love you.

It's past two o' clock. Ngayon pa lang kami mag-la-lunch dahil sa tagal naming namili ng damit at sa traffic papunta rito.

"Nag-dinner kami ni Ken kasama family niya last week. Nahihiya pa rin talaga ako tuwing kasama ko sila," kwento ni Cori.

Narito na kami ngayon sa isang fastfood restaurant. Mabuti na lang at kakaunti lang ang tao kaya nakahanap kaagad kami ng mauupuan. Sobrang gutom ko na talaga.

"Gano'n talaga. Masasanay ka rin. Kahit naman ako kay Joaquin, ilang beses ko nang nami-meet si Mayor pero nakakahiya pa rin."

"Iba naman sa'yo 'no! Mayor 'yon ng Maynila, Ara. Talagang mahiya ka."

Inirapan ko siya at umiling habang tumatawa.

"Pero in fairness kay Mayor, napalaki nang maayos ang bunsong anak, ah. Faithful at napakahaba ng pasensya," anito.

"Kahit naman siguro mga kapatid niya kaugali rin ni Joaquin. Mana sa ama nila. Stick to one," wika ko sabay kindat.

"Nga pala, nasaan ang dalawang kapatid ni Sir Joaquin? Naku! Bet ko 'yong isa, ah. Gusto ko rin maging kaapilido si Sir."

"I'm not sure doon sa pangalawang anak pero 'yung panganay, nasa Cagayan kasal na. Then 'yung pangalawa, na-meet ko lang no'ng pinakilala ako ni Joaquin sa papa niya."

"May girlfriend na?"

"Not sure. Pero siguro meron. Gwapo rin, e."

Sumimangot si Cori. "Kung wala lang akong Ken, naku! Ha-hunting-in ko 'yang kapatid ni Joaquin. Pero si Sir Joaquin pa rin ang ultimate crush ko. Kaso may Arabella na." Kunyari pa siyang nag-sad face at nag-pout.

Nagkibit-balikat ako at nagtaas ng kilay. Tinawanan niya naman ang reaksyon ko.

"Sarap talagang kotongan ni Melissa," biglang singit niya sa usapan.

"I wonder where is she. Huling pag-uusap namin ni Gov, ililipat yata ng school."

"Huwag mo nang alamin, Ara. Kung nasaan man siya ngayon, doon na lang siya. Ayoko nang makita ang magaspang na pagmumukha niya."

Nagtawanan kami at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kumain ay bumili kami ng ticket para manood ng sine.

"Horror o Romance?" tanong niya.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now