Chapter 16

1.9K 36 2
                                    

Chapter 16

Kinabukasan ay abala na agad kami sa pag-aayos. My mom hired a hair and make-up stylist for us. Ang bilin ko ay half ponytail ang gawin sa akin at kulutin ang ibabang bahagi ng buhok ko. Pagkatapos akong ayusan ay excited akong nagtungo sa kwarto para suotin ang binili kong damit kahapon.

I got so excited when I finally wore the dress. It matches the whole look! Minsan lang ako mag-ayos ng ganitong ka-bongga kaya hindi ako mapakali sa tuwing nakikita ko ang sarili na maayos tulad nito. I took a mirror selfie and sent it to Joaquin. Kahit na magkikita naman kami mamaya, I want to update him. I think I already made up my mind.

I sprayed perfume bago bumaba. Party starts at six in the evening. Alas kwatro na ng hapon at kailangan na naming umalis dahil kami ang kailangang mauna roon. My phone beeped and saw Joaquin’s message.

Joaquin:

You look so gorgeous as always. Now, I can’t wait to see you.

I bit my lower lip and typed for a reply.

Ako:

Thanks! We are on our way. Ingat ka.

Joaquin:

See you!

Balak ko sanang matulog sa byahe ngunit naisip kong baka magulo ang buhok ko. Malikot pa naman akong matulog. Dagdag mo pa na hindi ako mapakali dahil sa excitement at kaba.

Pagdating sa hotel ay inasikaso kaagad kami. I can see some of my relatives already checking in. Ang plano kasi ay dito na lang muna sa hotel matulog after the party since it’s late night.

“This way, Ma’am,” turo sa amin ng organizer.

Namangha ako sa ganda ng pagkakaayos ng lugar. White and gold balloons are floating on the ceiling. Obviously, white and gold ang theme ng party. Napakalaki ng hotel. Kasyang kasya para sa dami naming bisita. We got relatives from my mother and father’s side, visitors from my parents’ officemates, and my friends in highschool and college.

“Ara, doon ka sa unahan. Tumanggap ka ng mga bisita ro’n.” utos ni Mama.

Tumango ako at tumungo sa may pintuan para salubungin ang mga darating.

“Hello po, Tita,” bati ko sa mga dumarating kong tiyahin.

Bawat taong dumarating ay binabati ako. Ngawit na rin ang panga ko sa kakangiti sa kanila.

“Ay, ikaw na ba ’yung anak ni Jeffrey? Iyong nakapasa sa board exam?” tanong ng sa tingin ko ay isa sa ka-opisina nina Papa.

Tumango ako at ngumiti. “Ah, opo. Nandoon po sila,” sabay turo kung saan ang kinaroroonan ng mga magulang ko. Tinanguan naman niya ako at sinunod ang tinuro ko.

Ilang minuto pa ang nagdaan nang isa isang dumating ang mga inimbita kong kaibigan. I greeted them happily. 

“Pasok kayo. Hanap na lang kayo ng uupuan niyo,” sabi ko habang malaki ang ngiti. Tinanguan naman nila ako at dumiretso sa kanya kanyang upuan.

Halos tumili ako nang makita kong parating ang mga kaibigan ko.

“Congrats, Ara!” bati nila.

“Wooh! Grabe ka talaga, Arabella. Ibang iba ka na ngayon, hirap mo ng abutin!” pagbibiro pa ng isa.

Tumawa naman ako. “Grabe hindi naman. Halika, upo kayo do’n. Sunod ako mamaya,” I said.

I checked my phone to see if there’s a text from Joaquin pero wala pa rin. Until someone held my waist and whispered.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now