Chapter 34

1.8K 33 0
                                    

Chapter 34

Bumalik si Joaquin kasama ang private investigator na kasama niya kanina at si Cori. Kumuha si Cori ng upuan at tinabihan ako. Si Joaquin naman at ang lalaking kasama niya ay nasa sofa.

"Bakit mo sila pinatawag?" tanong ni Joaquin.

"Ikaw 'yung private investigator na kinuha ni Joaquin?" tanong ko sa lalaki, binabalewala ang tanong ni Joaquin.

"Opo, Ma'am. Ako po si Fred. Bakit po?"

"Can you do a job for me? I'll pay you."

"Ako ang magbabayad, Fred," bulong ni Joaquin sa lalaki.

"Tigilan mo ko, Joaquin. Ako ang kumuha sa kaniya ngayon."

Bumuntong-hininga si Joaquin at marahang tumango.

"Bakit, Ara? Anong papa-imbestigahan mo?" tanong ni Cori.

"May kutob ako na na-set up kami ni Joaquin, Cori."

Tumaas ang isang kilay ni Cori at may mukhang nagtataka.

"Sino po ang iimbestigahan, Ma'am?" tanong ni Fred.

"Give me your e-mail address. I'll send you the details."

Tumango naman ang lalaki. Nasulyapan ko si Joaquin na naka-igting ang panga. Iniwas ko kaagad ang paningin ko.

Tumayo si Fred at nagpaalam na uuwi na. Sumang-ayon naman ako at inantay sumunod si Joaquin ngunit hindi pa rin ito tumatayo sa kinauupuan niya.

"Oh, ikaw? Ano pang ginagawa mo?" mataray na tanong ko.

Alam kong maaaring wala siyang kasalanan dito, pero kasalanan ko bang kapag naaalala ko ang nakita ko sa loob ng kwarto ay umiinit ang ulo ko.

"Inaantay ka. Tara na, uuwi na tayo."

"Anong tara? Umuwi ka mag-isa mo. Dito ako matutulog. Narito ang gamit ko."

"Cori, nasaan ang gamit niya?"

Pabalik-balik na tumingin si Cori sa amin, hindi alam kung sino ang susundin.

"Umuwi ka na!" sigaw ko.

Pumikit siya nang mariin at minasahe ang sintido.

"Cori?" nagsusumamong tanong nito.

"Eh, Sir..."

"Joaquin, umuwi ka na."

"Cori, could you let us talk for a second?"

"Opo, Sir." Tumayo si Cori at nagpunta sa kwarto. Lumapit naman sa akin si Joaquin at lumuhod.

"Ano? Sabi ko umuwi ka na."

"Tara na, Bella," aniya sa malambing na tono.

"Hindi ako uuwi, Joaquin."

"Sa condo mo lang. Let's talk about this, please..."

Ngumiwi ako nang hawakan niya ang mga kamay ko.

"Come on, baby," pangungulit niya.

"Uuwi ako kapag tapos na si Fred sa pag-iimbestiga. Uuwi ako sa condo ko. And as far as I know, break na tayo. Kaya tigilan mo na 'ko."

"We did not break up. Stop saying non sense things, Bella."

Inirapan ko siya at tinagilid ang ulo para hindi makita ang nagmamaka-awa niyang mukha.

"Hindi ako titigil kakasuyo sa'yo hanggang sa lumamig na ang ulo mo."

"Bahala ka sa buhay mo."

"Are you sure you're okay here? Where do you sleep?"

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now