Chapter 11

2.1K 43 0
                                    

Chapter 11

Our defense came. Thank God we’re all prepared. Ang problema na lang ngayon ay kung madedefend ba namin.

“Ang strict daw ng mga panel,” kinakabahang wika ng isa kong kaklase.

Dumungaw ako sa maliit na butas ng pinto ng pinagdarausan ng defense. There were three panelists. Dalawang babae at isang lalaki. Kinabahan akong lalo nang nakita kong tameme lang ang mga nagdedefense at nagtitinginan lang habang may mukhang kinakabahan.

“Grabe, kinakabahan ako...” wika ko dahil hindi na ako mapakali. Dalawang grupo na lang at kami na ang susunod. Gusto ko na lang maglaho bigla dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagrevise kami.

Inalog ni Alyssa ang balikat ko. They’re also nervous. Syempre, sino ba namang hindi? And for sure, gagabihin kami dito dahil alas kwatro y media na at lima pa kaming nakapila.

My hands were trembling when we got into the room. Kami na ang susunod. Sinilip ko ang dalawa kong kaibigan na nakadungaw rin sa pinto. They’re next. Magkakasunod lang ang bilang namin. They waved at me and mouthed ‘Goodluck!’. Guess I’m still lucky for having them.

When it’s already our turn, I compose myself. Inhale, exhale. I smiled before starting. Fortunately, we delivered our speeches fluently. Buti na lang ay pinag-aralan naming mabuti ang mga sasabihin. The panels asked some questions about our topic. I was shocked when there was no hesitations in me when answering. I am actually confident and proud.

“Your topic is interesting. About farmers, huh?” wika ng isang babaeng panelist.

Tumango ako at ngumiti. It’s boring for others who doesn’t like agriculture but my groupmates and I find it rare and interesting.

“Well, I think that’s all I could say. Congraulations! You’ve defended your thesis,” wika nito matapos magsabi ng iilang komento. Wide smile plastered on my face when I heard that. Iyon lamang ang inaantay ko buong araw. The word ‘Defended’ sounds so good. All of our hardworks are now paid off!

Nagdiwang ang mga kagrupo ko pagkalabas. I hugged my friends immediately. My classmates also congratulated me.

Inantay ko sila Tracey at Alyssa dahil sila na ang susunod. Hindi na ako makadungaw sa pintuan dahil kumpol na ang nanunuod doon. No one is allowed to watch inside. Kaya sa labas na lamang sila.

Tumitiling lumabas ng room si Tracey.

“Defended kami!” She shouted.

Matapos ang ilang minuto, malaking ngisi ang nakita namin kay Alyssa.

“Defended?” I asked while grinning.

Tumango naman siya at tumalon-talon.

That’s enough news for today! We all got what we want. Masaya kaming umuwi sa bahay. Nagpadeliver din kami ng pagkain bilang gantimpala sa nakamit namin ngayong araw.

Nagulat ako sa dami ng messages na natanggap ko. Mayroon doon ang sa mga magulang ko, nangangamusta and most of it were from Joaquin. Inuna kong buksan at reply-an ang sa mga magulang ko. Bumungtong hininga muna ako bago buksan ang kay Joaquin.

Joaquin:

Goodluck on your defense! I have two meetings today. I’ll go to your house right after.

Umirap ako. Nasa’n ka na? Tapos na, ah?

Bigla rin akong nakaramdam ng inis. I shoudn’t be looking for him. Hindi maganda ang ganito.

Because we defended all of our thesis, we three decided to eat dinner at the mall. Minsan lang naman ’to.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now