Chapter 33

1.7K 29 2
                                    

Chapter 33

"Ara, kanina pa tawag nang tawag si Sir Joaquin." Nilingon ko si Cori na nakatayo sa harapan ko habang hawak ang kanyang cellphone.

Kakagising ko lang at nakakain na rin ako ng binili ni Cori. Masama ang loob ko pero nagutom pa rin ako. Wala rin namang magagawa ang gutom ko sa sama ng loob ko ngayon kaya mas mabuting kumain na lang ako.

"May text din na baka raw kasama kita."

"Sabihin mo hindi," malamig na sagot ko.

Tumango siya at nagtipa sa cellphone.

"Magtanong ka para kunyari wala ka talagang alam."

Ilang minuto ang lumipas nang marinig kong tumunog ang cellphone ni Cori.

"Hala, Ara, tumatawag na naman!" nag-pa-panic na wika ni Cori.

"Sagutin mo na. Magtataka 'yan kung bakit hindi mo sinasagot. Kapag nagtanong, sabihin mo hindi mo hawak kanina ang phone mo kaya ngayon mo lang nasagot."

Tumango siya at sinagot ang tawag.

"Hello, Sir?" sagot ni Cori sa tawag.

Pinagmamasdan ko siya habang kinakagat niya ang labi niya sa kaba.

"Hindi ko po kasama... Talaga po?"

Pumikit ako at nag-isip. Ang lakas ng loob mong hanapin ako matapos mong magpasarap sa ibang babae.

"Sige po, Sir. Balitaan ko po kayo." And the call ended.

"Nag-pa-panic 'yung boses ni Sir," aniya matapos patayin ang tawag.

"Hayaan mo siya. Kunyari lang 'yan."

"Nag-aalala talaga siya, Ara."

"Syempre mag-aalala talaga. Hindi naman niya alam na alam ko ang katarantaduhan niya, e."

Bumuntong-hininga siya at umupo sa tabi ko.

"Ano nang balak mo? 'Di ba may pasok ka pa? Panigurado hahanapin ka roon ni Sir."

"Hindi muna siguro ako papasok sa Lunes."

Tinignan ako nang matagal ni Cori bago yakapin. Iiyak pa sana ko ngunit pakiramdam ko ay pagod na pagod na ang katawan ko kakaiyak. Wala rin namang magagawa ito. What's done is done.

Pagkagising ko kinaumagahan ng Linggo ay halos mahiya ako kay Cori dahil may nakahandang almusal na sa hapag.

"Sana inantay mo na 'ko magising," wika ko.

Nakakahiya dahil maaga naman akong nagising pero mas maaga siyang nakapaghanda.

"Ayokong istorbohin ang tulog mo kaya nauna na akong naghanda ng almusal natin." Ngumiti siya. "Tara, kain na."

6 am pa lang pero patapos na siyang magluto. Anong oras kaya ito gumising?

Natigil kami sa pagkain nang may kumatok sa pinto. Tatayo na sana ako ngunit inunahan ako ni Cori.

"Ako na," aniya.

Abala ako sa pagkain. Itlog, ham, at hotdog ang niluto niya. May mga prutas din sa lamesa.

"Ara," tawag ni Cori.

"Hmm? Sinong tao?" tanong ko habang sinusubo ang isang kutsarang kanin. Nilingon ko siya at nanlaki ang mga mata sa nakita.

Si Joaquin, kasama ang isang matangkad na lalaki.

"Sinabi ko naman na hindi kita kasama pero nagpumilit pa rin sila pumasok," paliwanag ni Cori.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now