Chapter 38

1.9K 36 0
                                    

Chapter 38

"Remember the day when I almost dumped you in your own office?" I laughed as I ask him.

Narito kami ngayon sa unit niya dahil dito niya ako pinapatulog.

"Syempre, sino ba namang makakalimot no'n," masungit na sagot niya.

"Narealize ko lang... Ang dali ko pala talaga maniwala sa mga sabi-sabi."

"Kung makatotohanan naman kasi ang pagka-kwento, sino ba namang hindi maniniwala?"

"So you're saying it's true?" panunuya ko.

Tumabi siya sa sofa'ng inuupuan ko.

"Are you teasing me again, woman?" marahang bulong niya.

Tinaas ko ang isang kilay ko at nginisihan siya.

"Nagtatanong lang ako. H'wag kang triggered diyan."

Napapikit ako nang mabilis niyang hinalikan ang labi ko. Inirapan ko siya pagkatapos.

"You're still that same girl. Kapag hinahalikan, akala mong laging unang halik kung mag-react."

Hinampas ko ang braso niyang nakatukod sa magkabilang gilid ko.

"You're still so cocky as ever, Mr. Montenegro."

"You like my surname so much. Is that a hint?"

"Anong hint pinagsasabi mo riyan?"

"Hint to propose? To take you to the altar? Hmm?"

He gave me one swift kiss again.

"Bata pa 'ko, Joaquin. I need to graduate first, okay?"

"I know. I just can't really wait. Pagka-graduate na pagka-graduate mo, papakasalan na talaga kita."

"Whatever, Joaquin. You're so noisy. I wanna rest."

Napatili ako nang buhatin niya ako at dalhin sa kama. Hiniga niya ako at pumatong sa ibabaw ko.

We looked in each other's eyes. Pinasadahan ko ang buhok niya. I smiled at him.

"Ang gwapo mo..."

"Syempre naman," mahanging sagot niya.

I chuckled and continued caressing his hair while he's staring at me.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha sa akin at inatake ako ng maiinit at sabik na halik.

Oh, my. This is the best feeling ever. Me, laying here with him, having the best time of our lives.

Totoo nga 'yung sabi nila na hindi mo mamamalayan ang oras kapag kasama mo ang taong mahal mo. Dumaan na ang ilang buwan at makakagraduate na ako. After all those hardships—academic and lovelife, I'm finally here in my destination.

Graduation ko na mamaya. My friends and family are here already. Inaayusan ako ngayom sa condo ko at si Joaquin ay nasa bahay nila dahil kasama niya si Mayor mamaya.

"Finally, may abogado na sa pamilya," masayang wika ni Papa.

"Pa, may bar exam pa..." I chuckled.

"Alam kasi ni Tito na papasa ka ro'n, ' di ba, Tito?" wika ni Tracey.

Tracey, Alyssa, and Cori are here. I sent invitations to my other two friends but sadly, because of their tight schedule, they couldn't come. It's okay with me. Binati na naman nila ako. We will just celebrate pagkauwi ko sa Bulacan.

"Finishing touches and we're done!" maligayang sabi ng make-up artist ko.

I smiled. I still couldn't believe. Bar exam na lang and I will be a CPA Lawyer. Ilan lamang ito sa mga bagay na hinihiling ko lang noon para mabigyan ng mas magandang buhay ang pamilya ko at magiging pamilya ko.

I wore my graduation dress. This is Joaquin's gift to me. Pinatahi niya pa ito sa London.

I drifted my sight to my ringing phone. Joaquin's name flashed on it.

"Hello, beautiful, we're on our way to the venue."

Mauuna sila Joaquin pumunta roon dahil si Mayor ay kasama talaga sa guests.

"Ingat kayo. Patapos na ako rito."

"Uh-huh. Can't wait to see you. I love you."

"See you later. I love you, too."

Halos mapigtas ang ugat sa leeg nina Alyssa at Tracey dahil sa kilig nang mapakinggan nila ang usapan namin ni Joaquin.

"Pustahan, Ara. Joaquin is the one!" wika ni Tracey.

Ngumisi ako. May ganun ba talaga? How will you know if he's the one?

Pagkarating sa venue ay marami na agad tao. Picture rito, picture roon. I even met some of my blockmates.

"Uy, Ara! Ang ganda mo!"

"Nakita ko na si Joaquin, Arabella. Naroon kasama si Mayor."

"Congrats, Ara!"

That's just some of those chitchats I encountered. My phone rang and it was Joaquin.

"Nasaan ka?" tanong ko.

"Sa kaliwa mo."

I turned to my left and saw Joaquin, wearing a black suit, ready to close a deal. Very dashing and strict. May hawak pang bouquet of flowers.

"Just what I thought. Walang kupas ang ganda mo, Attorney Arabella Francine Fuentes, CPA." He chuckled and gave me the bouquet.

"Ang haba naman!" angal ko. "Thank you," pasasalamat ko dahil sa bulaklak na bigay niya.

"You worked for it. Tama lang na tawagin kang ganoon," he said.

"Attorney will do," pagbibiro ko.

"Nah. I prefer Mrs. Montenegro. Music to my ears."

Mabuti na lang ay may blush-on ako kaya hindi makikita ang pagpula ng pisngi ko.

"At wala ka pa ring pinagbago, Joaquin. Still so cocky as ever."

"Where's your parents,  by the way? I haven't meet them today."

"Tara, nandoon sila."

He held my hand as we walk. Ang tagal na naming ginagawa 'to pero wala pa ring pagbabago ang tibok ng puso ko. Ganoon pa rin simula nu'ng una. Wild and unstoppable.

"Good afternoon, Tita, Tito." Nagmano si Joaquin sa mga magulang ko.

"Oh, hello, Joaquin." bati ng mga magulang ko.

Nag-usap pa sila saglit bago ako nilagay sa hot seat.

"Kailan niyo ba balak magsamang dalawa? Nasa tamang edad na kayo," ani Papa.

"Pa!" puna ko.

"Bakit? Gusto ko na ng apo, Arabella."

"Si papa naman," sabay irap ko.

Tumawa silang dalawa. Nagkakasundo talaga sila sa mga ganoong usapan.

"Nasaan nga pala si Mayor?"

"Ah, nandoon po sa Dean's office. Nag-greet lang ng ibang faculty members. Baka papunta na rin po siya rito since the program will get started in a few."

Tumango-tango naman sina Mama at Papa. Gaya nga ng sabi ni Joaquin, nagsimula na ang program. Nasa stage si Mayor kasama ang Dean at ilang professors. Nagkita na rin naman si Mayor at ang mga magulang ko. Sinadya talaga ni Mayor na dumaan sa lugar namin para makamusta sila.

Nagtuloy-tuloy ang programa. I haven't told to my parents that I am Summa cum Laude. Kaya nang tawagin ang pangalan ko at binanggit ang parangal na iyon ay halos tumalon sila sa tuwa.

Nilingon ko ang pumapalakpak na si Joaquin. Masaya ako dahil I got Latin honors. Masaya ako dahil narito ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Masaya ako dahil narito si Joaquin.

Naaalala ko noong college, wala si Joaquin sa graduation ko. Iyong tipong umaasa pa rin ako na susulpot siya out of nowhere sa event. Pero ngayon, hindi ko na kailangan umasa. 'Cause he's here. And I couldn't ask for more. Just my family, friends, and him.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now