PROLOGUE

17.3K 460 23
                                    

Section na akala mo walang problema.

Section na palaging masaya at tumatawa.

Section na kinaiinisan ng teachers at ng ibang mga estudyante.

Section na puro kalokohan ang alam.

Section ng mga estudyanteng nag-aaral lang para sa baon.

Section ng mga estudyanteng ginagawang bahay ang classroom.

Mga walang ibang ginawa sa buhay kundi ang mambwiset ng ibang tao.

Pero kahit ganon sila ka-immature, sasamahan ka nila sa lungkot at saya.

Hindi mo mararanasang maging mag-isa dahil pag kasama mo sila, mararamdaman mo ang tinatawag na 'Pamilya.'

Pamilyang poprotektahan ka sa tuwing kailangan mo sila.

Pamilyang papayuhan ka sa mga oras na nalilito ka na.

At Pamilyang kukunan mo ng lakas sa mga oras na hinang-hina ka na.

Ang section na walang ibang ginawa sa buhay kundi ang magsaya,

Pero itong section na kaiinisan mo talaga, ay mamahalin mo ng sobra.

Walang salitang delikado pag sila ang kasama mo.

Poprotektahan ka nila pag nasa panganib ang buhay mo.

Pero ang section na sinabi ko, ay puno ng misteryo.

Section na walang kwenta para sa iba, ay may tinatagong sikreto.

Ano ang sikretong yon?

Alamin sa Section F: The Hidden Secret

+-+-+

This story has a lot of cussing words. Kung di kayo sa sanay sa mga story na may mura, wag nyo na pong ipagpatuloy ang pagbabasa. This is just a warning para sainyo. Pero kung matigas talaga ang mga ulo nyo, ok. Enjoy Reading!

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Where stories live. Discover now