CHAPTER 50

3.9K 180 18
                                    

LISHEINE'S POV:

Tahimik lang ang section namin ngayon na para bang mga normal na estudyante lang kaming pumasok ngayong araw para mag-aral.

Parang apoy na mabilis kumalat ang nangyari sa problema ng section F dahil halos lahat ng teachers, students, guard at kung sino sino pa ay alam na ang nangyari samin.

Ang ibang teacher ay nag-aalala pero ang iba mukang natutuwa pa dahil mawawala na daw sa school ang section ng mga salot na kagaya namin. Ang sama nila no? Pero mas masama ang tito ko.

Hawak ko na ang phone ko pero hindi nila ko hinahayaang tumawag mag-isa. Kinabahan nga ako ng matindi kanina dahil baka biglang tumawag si Charlotte sa phone ko at makita yun ni Red.

Tumunog bigla ang phone ko at nakita kong si Kuya Cris ang tumatawag. Tatayo na sana ako para sa labas sagutin yun ng hindi nila ako payagan. Bumuntong hininga nalang ako at naupong muli at sinagot ang tawag nya.

"H-hello?" pagsagot ko sa tawag.

[Lady Lisheine, ipapasundo ka ni señor Severeious. Magkita daw po kayo ngayon dahil may importante syang sasabihin.] sabi nya.

"Ikaw ba ang susundo sakin, kuya?" tanong ko.

[Opo. Nandito na nga po ako sa labas ng school nyo at kasalukuyang naglalakad paakyat ng building nyo.] nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"What?!" gulat na tanong ko.

[Lady Lisheine] napatingin ako sa may pinto at nakita ko ang seryosong muka ni Kuya Cris na nakatingin sakin.

"Wait lang." sabi ko at pinatay ang tawag. Tumingin sila sa may pinto at napasinghap.

"Luh! Ang gwapo!"

"Shet! Bodyguard ni Lisheine yan?"

"Putcha! Ang gwapo masyado!" bulungan nila na rinig na rinig ko.

Napangiti nalang ako at napailing. Kinuha ko ang bag ko at inilagay dun ang phone ko. Isusukbit ko na sana ang bag ko sa balikat ng bigla yong pigilan ni Noah.

"San ka pupunta?" nag-aalalang tanong nya.

"Ewan. Pinapasundo ako ni daddy eh." sagot ko. Bumuntong hininga sya at nag-iwas ng tingin.

"Babalik ako." sabi ko kaya napatingin sya sakin. Ngumiti ako ng maliit at tumingin kay Scarlette. Tumango naman si Scarlette na para bang alam na nya na humihingi ako ng permiso. Tumingin din ako kay Red na tumango nalang at bumuntong hininga.

Naglakad ako papunta kay kuya Cris na bahagyang yumuko. Tumingin pa muna ako sa loob at tinignan ang nag-aalalang tingin ni Noah.

Hindi naman na gaanong masakit ang tyan ko kaya kaya ko ng maglakad ng maayos. Bumaba na kami at tumingin lang ako sa daanan. Hapon naman na at maya-maya ay mag-uuwian na rin.

"Bakit ako pinapatawag kuya?" tanong ko.

"Kakausapin ka po ng señor tungkol sa section nyo." sabi nya. Napatango nalang ako at bumuntong hininga.

.........

"Akala ko ba si Daddy ang kakausap sakin?" gulat na tanong ko ng marating namin ang isang mansyon.

"Pasensya na Lady Lisheine. Hindi talaga ang señor Severeious ang nagpautos na ipasundo ka." sabi nya habang naglalakad kami papasok.

"Eh sino?!" gulat na tanong ko.

"LISHEINE!!!!" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang babaeng tumawag sa pangalan ko.

Tumingin ako dun at nakita ko ang masayang muka ni Charlotte habang tumatakbo papunta sakin.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon