CHAPTER 142

2.7K 125 10
                                    

LISHEINE'S POV:

"Ang gandaaaaaa!!!" nakangiting sabi ko habang bumaba kami sa speedboat.

"Oo nga! Napaka-ganda!" sabi ni Lexie at kinuha ang camera nya at pinicturan ang paligid.

"Babe! Dun ka sa banda ron! Pi-pictur-an kita hehe." sabi ni Noah habang hawak-hawak ang camera at nakaturo pa sa isang gilid.

Nakangiti akong tumakbo dun at nag-pose. Agad naman nya kong kinuhanan ng litrato at kung ano-ano pang pose ang pinag-gagagawa ko.

"Naks! Asawa na, photographer pa!" nang-aasar na sabi ni Blake at inakbayan si Noah.

"Well, masyadong maganda ang asawa ko kaya dapat bawat anggulo nakukuhanan ko." sabi nya at ngumiti.

"Ibang klase ka ma-inlove! Sanaol!" sabi nya at tinapik-tapik pa ang braso ni Noah.

Tinaas ni Noah kamay nya at nakipag-apir kay Blake. "Mai-inlove ka rin pre. Sigurado akong pag ikaw na-inlove, hinding-hindi mo yun pagsisisihan." sabi ni Noah at ngumiti ng malaki.

Napangiti ako dahil sa sinabi nya. Nakakainis! Eto na naman sya! Nagpapakilig na naman! Hindi ba nya alam na baka magka-sakit ako sa puso dahil sa ginagawa nya?

'Ok ang oa ko.'

"Sana nga! Sana nga kung mai-inlove ako eh inlove din sakin yung babaeng mamahalin ko! Takte hirap kaya ng one-sided love!" sabi nya at umiling-iling.

"Satingin ko mahirap nga yan. Ikaw ba naman hindi mahalin ng taong mahal mo? Hays. Masakit yan." sabi ni Noah at umiling-iling.

Nagulat ako ng bigla syang tumingin sakin. Hinawakan nya ang pulsuhan ko at hinila palapit sakanya. "Kaya napaka-swerte ko dahil mahal na mahal ako ni Lisheine eh." sabi nya at inakbayan pa ko.

Agad na ngumiti ng nakakaasar si Blake at tinginan palang mabi-bwiset ka na talaga. "Ehem! Kayo na ata ang sweetest couple ng section F eh!" sabi nya at umiling-iling.

"Kami nga! Punong-puno ng sweetness sa katawan tong si Lisheine eh. Mas sweet pa sakin." sarkastikong sabi nya.

Ngumiwi ako at sinapak ang braso nya. "Gago! Dyan ka na nga! Hmp." sabi ko at naglakad na palayo.

'Eh anong magagawa ko? Eh mas sweet sakin ang hinayupak na yan?'

"Oy! Joke lang eh! Walk out ka naman agad dyan!" sabi nya at hinabol ako. Inakbayan nya pa ang balikat ko at ngumiti ng malaki.

Inalis ko ang braso nya at inirapan sya. Ngumuso sya at inakbayan akong muli. "Joke lang nga eh! Wag ka na nga magalit please?" nakanguso pang sabi nya at nag-puppy eyes.

"Heh!" sabi ko at inirapan sya.

"Yiiiieeee!! Ngingiti na yan. Yiiiiueee!!! Ajujuju!" nagpigil ako ng ngiti dahil sa kagagaguhan nya.

'Anong ajujujuju? Kingina hahahaha!'

"Tigilan mo nga yan! Pfft... Para kang tanga hahahaha!" sabi ko at umiling.

Agad syang ngumiti ng malaki at inakbayan akong muli. "I love you." bulong nya sa tenga ko.

Umirap ako at ngumiwi. "Nye nye nye." sagot ko at inirapan syang muli.

Ngumuso sya at lumapit. "I love you!" sabi pa nya ulit.

Hindi ko sya pinansin at inirapan lang ulit. "Uyyy!!! I love you!" pangungulit pa nya habang nakanguso.

Tumingin ako at tumango. "Oo na! Alam ko ok?" mayabang na sabi ko.

"Ehhhh!!! Hindi naman yan ang tamang sagot eh!" nakangusong sabi nya.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon