CHAPTER 96

3.1K 145 19
                                    

LISHEINE'S POV:

"My ghad! Nakakapagod!" sabi ko at naupo sa upuan na nandito sa rooftop.

May mga benches kasi dito at may mga tables pa. May mga malalaki ring payong para hindi mainitan ang tatambay dito.

"Oo nga! Ang hirap talaga ng sayaw." sabi ni Lexie at naupo sa tabi ko.

"Oo lalo na pag beginner ka palang." sabi ko at humikab.

"Ate Lisheine oh. Tubig." ngumiti ako kay Waina ng abutan nya ko ng tubig.

"Thank you baby." sabi ko at tinanggap ang tubig.

"Welcome po! Ate Lexie oh." sabi ni Waina at nag-abot din kay Lexie.

"Thanks, Ai." sabi ni Lexie at nilalaklak na ang tubig na inabot sakanya.

"Ai? Bakit po Ai?" takang tanong ni Waina.

"Waina. Inshort, Ai." sabi ni Lexie.

"Pwede naman pong Eli nalang. Tutal Elizabeth naman po ang second name ko." sabi ni Waina at kumagat sa chocolate bar nya.

"Alam mo naming tamad akong magbanggit ng pangalan. Kaya nga Ai nalang para isahan nalang." sabi ni Lexie at uminom ulit.

Uminom din ako ng tubig at bahagyang pinaypayan ang sarili. "Wag nyong painumin ng malamig na tubig si Lisheine. Kakanta sila ni Noah di ba?" sabi ni Bianca.

"Oo nga pala no?" sabi ko at tinignan ang tubig.

"Bukas nalang. Mainit eh." sabi ko at ngumiti.

"Ikaw bahala. Pero wag mong sasagarin ang boses mo ha? Ano bang kakantahin nyo ni Noah?" tanong ni Lindsay na nakahiga sa lamesa.

"Rewrite the stars by Zac Efron and Zendaya." sabi ko at kumagat sa chocolate ni Waina.

"Yung mismong kanta nila o yung cover nila Anne-Marie at James Arthur?" tanong ni Coleen.

"Di ko alam eh. Pero napag-usapan na namin na yun ang kakantahin naming dalawa." sabi ko at uminom ulit.

"Anong susuotin nyo?" tanong ni Jaziel.

"Di ko pa alam eh. Suggest naman kayo." sabi ko at tumayo para kumaha ng tinapay sa bag.

"Dress and tux?" suggest ni Lexie.

"Formal attire?" tanong ko at hinagisan sya ng tinapay.

"Oo. Yun naman ang kadalasang suot di ba?" tanong nya.

"Demon and angel." suggest ni Coleen.

"Malayo sa concept nung kanta." sabi ko at bumalik sa upuan habang dala-dala ko ang tinapay na kinuha ko sa bag.

Lahat naman kasi sila may kinakain na kaya kumuha na rin ako ng tinapay sa bag.

"Tungkol saan ba yung rewrite the stars?" tanong ni Lira.

"Para sakin, base sa pagkakaintindi ko dun at base na rin sa movie na napanood ko eh mayaman yung lalaki at ayaw ng magulang nya sa babaeng mahal nya." sabi ko.

"Bakit po ayaw?" tanong ni Waina.

"Kase, isang performer lang yung babae. Diba yung The greatest showman na movie eh yung lalaking bida dun eh gumawa ng grupo ng mga tao'ng hindi ordinaryo sa paningin ng madla, parang naging manager nila yung lalaking si Zac at nakilala nya si Zendaya habang sumasayaw." sabi ko at ngumiti.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن