CHAPTER 17

3.7K 202 7
                                    

LISHEINE'S POV:

Ilang araw din ang nakalipas at natapos na namin ang pag-aayos ng building namin. Syempre mas binigyan namin ng effort ang room namin kesa sa ibang room dahil hindi naman yun ginagamit.

Matatapos na ang buwan ng June kaya ano pa bang aasahan natin? Eh di puno na naman ng quiz, assignments at projects to.

Halos magsabay-sabay sila sa pagbibigay ng quiz kaya halos araw araw din kaming nagre-review sa iba't ibang subject.

Akala ko nung una hindi seryoso sa pag-aaral ang section namin. Yun pala hindi lang talaga sila nakikinig sa teacher at mas gusto nilang basahin ang nasa libro.

Si Coleen na palaging lasing pumasok ay nabago nung may mga quiz na dumaan. Nag-effort din syang mag-review at maganda naman ang kinalabasan.

Nandito kami ngayon sa room at nag-aantay ng teacher na hindi namin sigurado kung papasok ba. Nakakainis naman kasi eh. Nagpa-quiz lang at nag-check ng mga assignment pero hindi naman pumasok pagkatapos.

"Nakanguso ka dyan?" tanong ni Noah na lumalamon na naman.

"Pake mo?" masungit na sabi ko.

"Sabi ko wag kang nagsusungit eh." sabi ni Noah. Inirapan ko nalang sya at tumungo sa upuan.

Nagulat ako ng tumungo din sya habang nakaharap sakin. "May problema ba?" tanong nya.

"Wala." sagot ko.

"Weh?" tanong nya.

"Wala nga! Kulit mo." sabi ko.

Ngumuso naman sya at lumapit pa. "Patingin nga nung walang problema?" nakangusong sabi nya.

Sa sobrang lapit nya ay naaamoy ko na ang chocolate na kinakain nya kanina. "Tigilan mo ko, Noah Crauley ha!" inis na sabi ko.

"Wag ka ring masungit, Lisheine Hamilton ha!" panggagaya nya. Inirapan ko nalang sya at dumila naman sya.

"Isip bata." bulong ko.

"Matanda." sinamaan ko sya ng tingin ng sabihin nya yun. At syempre, tumawa na naman ang gagong to dahil dun.

Pumikit nalang ako at pinilit matulog. Kulang din kasi ang tulog ko kagabi dahil pakiramdam ko may nakatingin sakin. Ang creepy di ba? Jusko!

Napapaisip nga ako kung bakit ganun eh. Minsan nga inisip ko nalang na mag-sleep over sa bahay ni Lexie, kaso baka pati sya maramdaman yun.

Bumuntong hininga nalang ako habang nakapikit. Napamulat ako ng tingin ng biglang may humaplos sa buhok ko.

Nakita ko ang seryosong tingin ni Noah habang patuloy sa paghaplos ng buhok ko. Parang gusto ko tuloy matulog.

Humikab ako at pumikit ulit. Hinayaan ko syang haplusin ang buhok ko hanggang sa bumigat na ang talukap ng mga mata ko at makatulog.

[-_-zzzzZZZZzzz]

****

NOAH'S POV:

Nakatitig lang ako sa natutulog ng si Lisheine ngayon. Patuloy ko pa ring hinahaplos ang buhok nya oara makatulog sya ng mahimbing.

'Something's not right.'

Parang may bumabagabag sakanya, dahilan para maging paranoid sya.

Yun ang napansin ko sakanya tuwing magmamashid sya sa paligid. Palaging alerto ang mata nya para tumingin sa mga paligid na hindi pamilyar sakanya.

At hindi ko alam kung bakit grabe ako kung mag-alala pag sya na ang pinag-uusapan. Parang kusang nagse-seryoso ang utak ko pag sya na ang nadadamay sa away.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora