CHAPTER 128

3.4K 155 21
                                    

THIRD PERSON'S POV:

"S-sino ka?" utal na tanong ni Lisheine habang nakatingin sa lalaking hindi nya kilala at nakangisi ng malaki.

"Hello, miss Lisheine." sabi nito at dahan-dahang lumapit habang nakangisi at nasa likod pa ang dalawang kamay nito.

"S-sino ka sabi?!" kunot noong tanong ni Lisheine habang umaatras. Tumingin sya sa paligid at kinabahan ng sobra ng hindi nya makita si Noah.

Muli syang napatingin sa kaharap ng bigla itong tumawa ng mahina. "Tinatanong mo kung sino ako?" nakangising tanong nito.

Kumunot ang noo ni Lisheine at pinagmasdan ang muka ng kausap. "H-hindi kita k-kilala." utal na sagot ni Lisheine at napalunok pa ng sunod-sunod.

"N-nasan si Noah?!" tanong nito ng makitang wala si Noah sa paligid.

Lalong lumakas ang pagtawa ng lalaki na para bang nababaliw na. Lalong kinabahan si Lisheine at umatras pang muli. Kinilabutan sya ng matindi dahil sa pagtawa ng lalaking kaharap nya. Napalunok pa sya ng sunod-sunod ng titigan ng lalaki ang mga mata ni Lisheine. Isang matalim na tingin.

"Patay na. Hindi mo ba narinig ang pag-hingi nya ng tulong sayo? Pinatay ko na sya miss Lisheine. At ikaw naman ang isusunod ko." nakangising sabi nito habang nakatitig sa mga mata ng babae.

Napalunok si Lisheine at nanlaki ang mata. Napahawak ito sa bibig nya at agad na nanlabo ang paningin ng marinig ang sinabi ng lalaki. Kumuyom ang kamao ni Lisheine ng maramdaman ang pagkabasag sa loob-loob nya.

'Patay na. Hindi mo ba narinig ang pag-hingi nya ng tulong sayo? Pinatay ko na sya miss Lisheine. At ikaw naman ang isusunod ko.'

'Patay na. Hindi mo ba narinig ang pag-hingi nya ng tulong sayo? Pinatay ko na sya miss Lisheine. At ikaw naman ang isusunod ko.'

'Patay na. Hindi mo ba narinig ang pag-hingi nya ng tulong sayo? Pinatay ko na sya miss Lisheine. At ikaw naman ang isusunod ko.'

Nag-echo sa pandinig ni Lisheine ang sinabi ng lalaki. Hindi nito alam kung ano ang dapat na gawin. Naghahalo-halo ang emosyon nya. Nalulungkot, nasasaktan, nagagalit, pero mas lamang ang kagustuhan nyang....

'Patayin ang nasa harapan nya.'

"A-anong sinabi mo!?" walang emosyong tanong ni Lisheine at lalo pang kumuyom ang kamao.

Mas lalong ngumisi ang kaharap nyang lalaki ng makita kung pano magbago ang emosyon ni Lisheine. Nagngingit-ngit ang ngipin ni Lisheine at para bang gusto na nyang sugurin ang kaharap nyang pangisi-ngisi lang na para bang katuwaan lang ang ginagawa nya.

"Ang sabi ko. Patay na ang lalaking kasama mo." pag-uulit nito at Lalo pang ngumisi.

Hindi na napigilan ni Lisheine ang sarili at sinugod ang lalaki. Panay naman ang iwas nito at hindi man lang nage-effort na gamitin ang kamay na nasa likuran nya.

"Imposible yang sinasabi mo!" sigaw ni Lisheine at sinipa ang sikmura ng lalaking napaatras lang kahit na malakas na tumama ang sipa nya sa sikmura ng lalaki.

"Imposible?" nang-aasar pa nitong tanong. Muling isinuntok ni Lisheine ang kamao pero aagd nya lang din yung naiwasan at umatras lang ng umatras.

Nasa loob na sila ng kwarto at pangisi-ngisi pa rin ang lalaki. "Mabilis ka, pero hindi ka malakas." sabi ng lalaki. Lalong uminit ang ulo ni Lisheine at mas lalo pa nyang itinatak sa utak nya na dapat nyang patayin ang lalaking to.

'No one can hurt, Noah. No one can touch him.'

"Hahahahaha! Wala na bang mas gagal----" naputol ang sasabihin nito ng tumama ang talampakan ni Lisheine sa muka nya.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon