CHAPTER 143

3.1K 141 25
                                    

JAZIEL'S POV:

"Anong pinagkakabalahan ninyo ngayon?" tanong ko habang naglalakad kaming tatlo dati sa buhanginan.

"Wala. Nagta-trabaho lang muna." sagot nya.

"Bakit di ka na nag-aaral?" kunot noong tanong ni Chase.

Ngumiti ng mapait si Jonas at nagkamot ng ulo. "Naubos kasi yung ipon ko eh. Pinagamot ko pa si Inang nung nag-kasakit sya." nabigla ako dahil sa sinabi nya.

"Hindi man lang ba kayo humingi ng tulong kila momsy?!" gulat na tanong ko.

Umiling sya at nagkamot ng ulo. "Ayoko. Nakakahiya na masyado. At isa pa, mag-aaral naman na ko sa susunod kaya wag na kayong mag-alala pa." nakangiting sabi nya.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "Kahit na. Matutulungan naman kayo nila momsy. At isa pa, deserve nyo namang matulungan lalo pa't kayo ang nangangalaga ng kalinisan sa isla na to." sabi ko pa.

"Ang dami nyo na kasing naitulong samin ni inang eh. Ayos na samin yun. Kakayod nalang ako para saming dalawa." sabi pa ni Jonas.

Bumuntong hininga ako at napailing. "Kung yan ang gusto mo. Pero sayang ang oras. Ga-graduate ka na rin sana ngayon." sabi ni Chase.

"Ayos lang. Marami namang pagkakataon." nakangiting sabi nya.

Nakaramdam ako ng matinding awa para kay Jonas. Mahirap ang buhay nila dito ni inang. Kaya nga tumutulong kahit papano sila momsy eh. Tinutulungan nila sila inang dahil malapit na rin ang loob nila sakanila.

"Nasaan na nga pala si Lienne, Jaziel?" natigilan ako dahil sa itinanong ni Jonas.

Ngumiti ako ng mapait at tumingin sa langit. "Nakaratay sa higaan, lupaypay ang katawan pero patuloy na lumalaban." sabi ko at ibinaba ang tingin.

"Ano?! Anong nangyari kay Lienne?" gulat na tanong nya.

Bumuntong hininga ako at tumingin sakanya. "May acute leukemia sya." sagot ko at muling tumingin sa harapan.

Kinagat ko ang ibaba kong labi ng maalala ang muka ni Lienne bago ko sya iwan sa higaan. Nung sinabi kong babalik na ko sa Pinas para mag-aral.

Natahimik sya at hindi nakapag-salota. "P-pasensya na, t-tinanong ko pa talaga." sabi nya.

Ngumiti ako at umiling. "Ayos lang. Natural lang na mag-tanong ka. Close kayo ni Lienne eh." sabi ko at ngumiti.

"Pero kahit na. Nasaktan pa tuloy kita. Pasensyan na talaga." sabi nya habang nakayuko.

"Ayos lang Jonas." sagot ko.

"Eh si ate? Di mo ba kakamustahin sakin?" napatingin ako kay Chase ng itanong nya yun.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sakanya. Kelan pa nya nagustuhang pag-usapan ang ate nya?

"K-kamusta na si ate E-eri?" tanong ni Jonas.

"Ayun, hindi pa rin nagpapakita." sabi ni Chase at umiwas ng tingin.

"Huh?" inosenteng tanong nya.

"Ilang taon na rin ang nakakaraan ng mawala si ate Eri." sabi ni Chase at ngumisi at umiling.

"Ewan kung kelan babalik yun. Akala mo wala ng pamilyang naghihintay sakanya eh." sabi ni Chase at umirap.

"Baka naman may ginagawa lang." sagot ni Jonas.

Tumingin sya kay Jonas at bahagyang natawa. "May ginagawa? Ilang taon ba nyang kailangang gawin yun? Sampung taon? Tanginang yan." sabi nya at sinipa ang bato papalayo.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon