CHAPTER 129

3.3K 162 6
                                    

LISHEINE'S POV:

"Yung totoo, ayos ka lang ba? Ang tahimik mo." tanong ni Noah ng magpunta kami sa isa sa mga cottage na nandito sa beach. Lumabas kasi kaming dalawa ng matapos kami sa pagkain. Bumili din sya ng milk shake para saming dalawa.

Tumango ako bilang sagot. Ayokong sabihin sakanya ang nangyari kanina. Ayokong problemahin na naman nya ang problema ko. May problema din sya at meron din ako. Masyado na nga rin nyang pino-problema ang engagement ko kay Wade eh.

"Ayos lang ako. Akala ko lang talaga iniwan mo na ko." palusot ko at nag-iwas ng tingin.

Hinawakan nya ang kamay kong nasa table at hinalikan yun. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa nya. Tumingin ako sakanya at nag-kunot noo.

"Bakit mo naman iisipin yun? Saglit lang naman akong nawala." sabi nya pa.

"Ewan ko. Akala ko lang talaga iniwan mo na ko at hindi na babalikan pa." sabi ko at sumipsip sa straw ng shake ko.

Bumuntong hininga syang muli at inakbayan ako. Napapikit ako ng halikan nya ang tuktok ng ulo ko. Pakiramdam ko nawala ang mga problema ko dahil sa ginawa nya. Pakiramdam ko kaya ko na ulit humarap sa panibagong problema dahil sa ginawa nya.

"Kung ayaw mo talagang sabihin, hindi na kita pipilitin. Baka lalo lang sumakit ang ulo mo." sabi nya at hinalikan muli ang tuktok ng ulo ko.

Napanguso ako dahil sa sinabi nya. Ayaw kong sabihin sakanya pero isa rin naman yun sa dahilan kung bakit ako umiyak kanina. Natakot lang ako ng sobra na baka patay na nga si Noah. Na baka wala na talaga sya sakin.

Niyakap ko sya at isinubsob ang muka ko sa leeg nya. Lalo naman nya kong niyakap at muling hinalikan ang ulo ko. "Sinabi ko naman ah?" nakangusong sabi ko.

"Yan ba talaga ang totoong dahilan o may iba pa?" tanong nya at hinaplos ang buhok ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng maramdaman ang pagdampi ng daliri nya sa leeg ko. Naalala ko tuloy yung ginawa naming kanina. Putek! Yung dibdib ko! Hinawakan nya! Ay mali, hindi lang pala basta hawak yun, pinaglaruan at pinanggigilan pa!

'Hindi kaya magka-breast cancer ako nito?'

Atsaka, hindi ba delikado ang ginawa namin kanina? Baka sa susunod ay iba na ang mangyari samin nyan. Hindi naman sa hindi pa ko sigurado sakanya pero kasi, we're just 17! Pano kung may mangyari saming higit pa dun? Pano kung mabuntis ako?

"Ok ka lang?" tanong ni Noah.

Bumuntong hininga ako at umalis mula sa pagkakayakap sakanya. Kunot-noo nya kong tinignan habang ako eh hindi makatingin sakanya at pinaglalaruan ko pa sa hita ko ang mga daliri ko.

"Noah," pag-tawag ko sakanya.

"Hmm?" tanong nya at lumapit.

Tumingin ako sakanya at nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa tindi ng pagkakatitig nya sakin. "Pwede mo bang ipangako na..." sabi ko at muling nakagat ang ibabang labi. Baka magalit sya pag sinabi ko ang gusto kong sabihin.

Di ba karamihan sa lalaki eh ganun? Pag hindi nakukuha ang gusto nag-hahanap ng panibago kung saan maibibigay nila ang katawan nila sa boyfriend nila? Pano kung iwan ako ni Noah dahil ayokong munang mag-'ano'?

"Na? Ano yun? Pinapakaba mo naman masyado ako eh." sabi nya at hinawakan ang dalawang kamay ko.

Pumikit ako at bumuntong hininga. "Ipangako mo sakin na hindi na mauulit ang nangyari kanina." sabi ko at nakagat ang ibabang labi. Hindi pa rin ako nag-mulat ng mata dahil alam kong mahihiya lang ako.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon