CHAPTER 67

3.2K 152 21
                                    

LISHEINE'S POV:

"I'm so inlove with you, Lisheine." nangilid ang luha sa mga mata ko ng marinig ko ang pinakamagandang salita na nagmula sa mga labi nya.

Bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko at sobrang natuwa naman ang mga insekto sa tyan ko ng marinig nila ang sinabi nya. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sobrang saya'ng nararamdaman ko.

'Eto na yata ang pinakamagandang regalo'ng natanggap ko bago pa man ako mag-birthday.'

Ngumiti sya at pinahid ang luhang tuluyan ng tumulo sa mga mata ko. "Don't cry." sabi nya pero hindi ko sinunod.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil pakiramdam ko manginginig lang ang boses ko. Hindi ko kayang maka-get over sa sinabi nya.

'Ano nga bang dapat kong sabihin?'

Niyakap nya kong muli at bahagyang natawa. "Di mo naman kailangang sagutin yun. Dahil kahit hindi mo sabihin, ramdam ko Lisheine. Ramdam na ramdam ko." sabi nya kaya niyakap ko sya ng mahigpit.

"Thank you." sagot ko na lalong nakapagpatawa sakanya.

"Bakit thank you?" tanong nya.

"Thank you. You gave me the most precious gift that i will treasure until the end of my life. Thank you for loving me. Thank you." sunod sunod na sabi ko.

"You don't need to thank me. You deserve it, baby." sabi nya na lalong nakapag-paiyak sakin.

'Tangina dapat malaki ang ngiti ko ngayon eh! Bakit naman umiiyak ako ngayon?'

"Sa lahat ba naman ng taong makikilala ko, isang Lisheine Hamilton pala ang makakapagpatibok sa puso ko? Napaka-swerte ko." sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.

"Oo. Napakaswerte mo dahil yung Lisheine Hamilton na nakapagpatibok sa puso mo, eh nababaliw na rin sayo." sabi ko at inalayo ang muka sa balikat nya.

Tinitigan ko sya at ngumiti. Ganun din naman ang ginawa nya pero mas maganda ang ngiti nya sa paningin ko. Hinawakan ko ang pisngi nya at ngumiti ng titigan ko ang muka nya.

"Napakagwapo mo." wala sa sariling sabi ko.

"Alam ko." napangiwi ako dahil sa kayabangan nya.

'Lakas ng loob magyabang, kinikilig naman.'

Inirapan ko lang sya at ngumiti ng malaki. "Wala ka bang balak pakawalan ako? Medyo mainit na." sabi ko na syang nakapagpatawa sakanya.

Imbes na gawin ang sinabi ko, eh isinubsob nya lang ang muka nya sa leeg ko at hinigpitan ang pagkakayakap sakin. "Kainis. Ayaw na kitang pakawalan. Sakin ka lang." sabi nya.

Napangiti akong muli at niyakap sya ng mahigpit. "Wala namang aagaw sakin eh. Ikaw nga lang ata ang nagkagusto sakin." sabi ko.

"Anong ako? Yung ibang kaklase nga natin nagka-crush sayo eh! Pero di sila pwedeng lumapit. Akin ka eh." sabi nya na syang ikinatawa ko.

"Possessive! Boyfriend kita?" tanong ko.

"Hindi. Future boyfriend at asawa mo lang." sabi nya.

"Ulul!" sagot ko pero tumawa lang sya at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Napangiti ako ng palihim at napapikit. Ninamnam ko ang sandaling to dahil hindi naman nya ko mayayakap pag andyan na ang butler ko.

........

"Pakilagay sa kotse to, kuya." sabi ko ng dumating na si Kuya Cris.

"Sige po, Lady Lisheine." sabi nya at kinuha ang lalagyan ng gown na susuotin ko sa ball.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora