CHAPTER 73

3.4K 151 27
                                    

LISHEINE'S POV:

KINABUKASAN.......

"May pupuntahan ka?" tanong ko habang nagluluto.

"Oo. May gagawin lang akong medyo importante. Bakit?" tanong nya at niyakap pa ko mula sa likod.

"Wala lang. Nagtaka lang ako. Naka-pantalon ka kasi eh." sabi ko at ngumiti.

Naramdaman ko ang paghalik nya sa sintido ko na syang naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko at magwala na naman ang mga insekto sa tyan ko.

'Punyeta! Ke-aga-aga eh!'

"Matatapos na yan?" tanong nya at tinignan ang niluluto ko.

"Yup!" sabi ko at pinatay na ang kalan.

"Ako na dyan. Maupo ka na dun." sabi nya at inalis ang apron ko.

'Para naman kaming mag-asawa nito.'

Ngumiti nalang ako at naupo na sa upuan na nasa dining. Sya na ang nag-asikaso ng mga plato at nagtimpla rin sya ng kape para saming dalawa.

Naupo sya sa tabi ko at kakain na sana kami ng biglang may sumigaw. "Good morning! I'm homeeee!!!" nagkatinginan kaming dalawa ni Noah ng marinig namin ang pamilyar na boses na sumigaw.

"Waina?!" gulat na tanong namin ni Noah.

Ngumiti naman si Waina ng malaki at nag-peace sign. "Ako nga po!" masayang sabi nya at lumapit samin.

Ni-kiss nya kaming dalawa ni Noah sa pisngi na para bang kami talaga ang magulang nya. "Wow!!! Sino po ang nagluto? Pakain!" sabi nya at tumakbo sa may upuan na nasa harapan namin.

Gulat man at nagtataka dahil sa biglaang pagdating nya ay ngumiti nalang ako at tumayo. "Ikukuha kita ng plato." sabi ko.

"Thank you po, mommy!" sigaw nya kaya napailing nalang ako.

Kumuha ako isang plato at kutsara para kay Waina. Nagtimpla rin ako ng gatas para sakanya.

Naglakad ako at babalik na sana sa dining ng makita ko silang dalawa na nag-uusap. Napakunot ang noo ko dahil parang ang seryoso nila masyado.

"Bakit ka ba nandito?" seryosong tanong ni Noah.

"Aalis si ate Lexie. May importanteng lakad daw sya." sagot ni Waina.

Napakamot naman ng ulo si Noah at bumuntong hininga. "Ano bang kailangan nya samin?" lalong kumunot ang noo ko dahil sa itinanong nya kay Waina.

"Hindi ko po alam. Basta ang alam ko pinapata----" nahinto sa pagsasalita si Waina ng biglang may tumunog sa may kusina.

Nanlaki ang mata ko ng mapatingin sila sakin. Ganun din naman ang naging reaksyon nila kay nagpilit nalang ako ngiti at nagkunyaring walang narinig.

"Eto na yung plato mo, Waina." sabi ko at naglakad papunta sakanila.

Nakita ko ang paglunok ni Waina at pinagpawisan pa ng husto. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Sino ang may kailangan kay Noah? Kay Noah nga lang ba?

"T-thank you po." sabi ni Waina at nagpilit ng ngiti.

Ngumiti nalang ako at inabot ang plato at ang gatas nya. Naupo ako sa tabi ni Noah at kinuha ang kutsara bago sumubo ng pagkain.

"Ano nga pala ang pinag-uusapan nyong dalawa?" tanong ko at inosenteng tumingin sakanila.

Napaiwas sila ng tingin na lalong nakapagpataka sakin. "Umamin nga kayo, may tinatago ba kayo sakin?" kunot noong tanong ko.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon