CHAPTER 99

3K 139 8
                                    

NOAH'S POV:

Napangiti ako ng maramdaman ko ang pagbigat ng ulo ni Lisheine sa balikat ko. Minsan eh nagugulat nalang ako dahil nagiging sweet sya. Tapos madalas naman eh masungit sya. Napaka-moody.

'Pero kahit na nambabato sya ng sapatos eh mahal na mahal ko pa rin to.'

Naramdaman ko ang mabibigat na paghinga nya. Mukang napagod nga talaga sya sa practice. Sa susunod ay kokotongan ko talaga si Scarlette dahil pinapagod nya ang Lisheine ko.

Scarlette: *cough *cough

Bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. Tinitigan ko ang natutulog na muka ni Lisheine at eto na naman ang malaking ngiti na kusa nalang kumakawala sa labi ko sa tuwing makikita, maiisip, mararamdaman, maaamoy at kung ano ano pa.

Tama nga siguro ang sinasabi nila Red. Masyado na kong nababaliw sa babaeng to. Ibang klase! Masyado kong mahal ang babaeng to. Na lahat gagawin ko para sakanya. Para sumaya sya.

"Mahal na mahal kita." mahinang bulong ko habang nakatitig pa rin sakanya.

Syempre hindi sya sasagot. Tulog to eh. Napailing nalang ako at inilagay ang kamay ko sa may binti nya para mabuhat ko sya. Nilagay ko ang isang kamay ko sa likuran nya at dahan-dahang tumayo para hindi sya maistorbo. Para hindi sya magising at makapagpahinga pa ng matagal.

Dahan- dahan akong naglakad papunta sa may hagdan at maingat na umakyat para hindi kami mahulog. Baka mamaya mabagok si Lisheine at magising nalang bigla na hindi nya na ko mahal. Ayoko nun. Hindi ko kaya.

Napailing nalang ako dahil sa iniisip ko. Halata namang mahal na mahal din ako ng babaeng to. Kaso, sorry nalang sya dahil mas mahal ko sya kesa sa mas mahal nya ko.

Bumuntong hininga ako at binuksan ang pinto ng kwarto nya at pumasok sa loob. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil papadilim pa naman. Hindi pa naman tuluyang dumidilim eh.

Dahan-dahan ko syang inihiga sa kama nya. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil baka magising sya. Napangiti ako ng tuluyan ko syang maihiga sa kama. Kinuha ko ang comforter na nandito at ipinatong yun sa katawan nya.

Nakita ko ang teddy bear na binigay ko sakanya kaya kinuha ko yun at itinabi sakanya. Maingat kong inangat ang kamay ni Lisheine para mayakap nya ang teddy bear na itinabi ko sakanya.

Muli akong napangiti ng yakapin nya ng mahigpit ang teddy bear. "Noah," mahinang sabi nya na syang ikinagulat ko.

"Mahal na mahal kita." bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. Kasabay nun ay ang pagwawala ng section F sa loob ng tyan ko na hindi ko maintindihan hanggang ngayon.

Umiling nalang ako at ngumiti ng malaki. Mukang ako ang napapaniginipan ng Lisheine ko ah? Naupo ako sa kama nya at hinawi ang ilang hibla ng buhok nyang humaharang sa maganda nyang muka. Sobrang ganda nya. Mala-anghel ang datingan.

'Anghel na namamato ng sapatos at naninigaw ng manyak.'

Hinaplos ko ang pisngi nya at dahan-dahang yumuko para halikan ang noo nya. "Mahal na mahal din kita." sagot ko kahit na hindi naman nya yun naririnig.

Natawa ako ng mahina ng bigla syang humilik. Ibang klase talaga. Kababaeng tao tapos humihilik? Babae ba talaga to? Hahahaha!

Lumaki ang ngiti ko ng makita ko syang ngumiti ng maliit. Niyakap nyang muli ang teddy bear na katabi nya at muling tumagilid ng higa. Pinanood ko nalang syang matulog at hindi talaga ako nagsasawa sa muka nya. Ang sarap titigan kahit na paghinga lang ang ginagawa nya.

Napailing nalang ako at tumayo. Nagtungo ako sa study table nya at nagkalikot ng kung ano-ano. Napakunot ang noo ko ng may Makita akong malaking notebook. Hindi eh, parang sya mismo ang gumawa ng notebook na to. Puro kasi bond paper lang.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon