CHAPTER 137

3K 129 35
                                    

JAYDEN'S POV:

Nagising ako dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nagmulat ako ng mata at saktong muka ni Leslie ang bumungad sakin.

Napalunok ako ng matitigan ko ang muka nya. Nakanganga na naman sya habang nakapikit. Ngumiwi ako at tinignan ang kabuoan nga.

Suot nya ang polo ko na lagpas bewang nya. Naka-mini skirt din sya at nakasanday pa ang binti nya sa bewang ko habang mahigpit ang yakap sakin. Napansin kong nakayakap din pala ko sakanya na syang pinagsawalang bahala ko lang.

Bumuntong hininga ako at inisip ang nangyari kagabi. Anak ng----muntikan na kong magkaanak kagabi eh! Buti nalang napigilan ko ang sarili ko.

Nakatitig lang ako sa muka nya habang natutulog sya. Napangiti ako ng matitigan ko ang muka nya. Hinawi ko ang ilang buhok na nakaharang sa muka nya at hinaplos ang pisngi nya.

'You don't deserve to be treated like this Leslie. Kung ako lang gusto mo at ikaw ang gusto ko, ituturing kitang mundo ko dahil yun ang nararapat sa mga kagaya mo.'

Eh kaso masyado atang mapaglaro ang tadhana. Parehas pa kaming hindi gusto ng taong gusto namin. Ang malas naman naming pareho. Tapos magkasama lang kami ngayon dahil parehas kaming broken.

Oo, nakita ko yung nangyari kagabi. Ano bang magagawa ko? Naiinis ako. Nagalit ako. Pero mas nasaktan ako. Masaya ako dahil mukang nag-kaayos na sila. Pero mas nasasaktan ako sa tuwing maiisip kong mas malaki na ang tyansang mabawi ni Wade si Scarlette.

Hindi ako tanga. Hindi ako manhid. Pero sinubukan ko ring makuha ang atensyon ni Scarlette. Unti-unti kong magagawa yun pero sa tuwing makikita nya si Wade. Sa tuwing eeksena si Wade. Sa tuwing dadaan si Wade, lahat ng nakuha kong atensyon nya nawawala ng parang bula dahil sa tuwing nandyan si Wade, palagi silang magkakatitigan sa isa't isa.

Masakit. Sobra. Ilang taon na kong nagmamahal ng palihim. Paulit-ulit akong nasasaktan ng palihim. Paulit-ulit akong nadudurog ng palihim.

Siguro nga hanggang kaibigan lang ang turing ni Scarlette sakin. Hanggang magkaibigan lang kami. Mahirap tanggapin kaya mahirap ding mag-move on. Napakahirap. Ang sakit sakit na masyado.

Siguro nya't tama na ang sakit na nararamdaman kong to. Tama na to. Masakit na masyado. Hinding hindi na ko aasa pang magugustuhan nya nga ko sa paraang gusto ko. Napaimposible kasi masyado.

Sabagay, napakalaki ng ambag ni Wade sa buhay ni Scarlette. At kahit naging magkaaway man sila sa mahabang panahon ay hindi pa rin mawawala sa isip ni Scarlette ang mga ginawa ni Wade para sakanya.

Bumuntong hininga akong muli ng maramdaman ko ang paghigpit mg yakap ni Leslie sakin. Akala mo unan lang ang niyayakap nya kung makayakap sakin eh. Isinubsob pa nya ang muka nya sa leeg ko na syang hinayaan ko lang.

Sinuklay ko ang buhok nya at ng matapos ay ipinatong ko sa bewang nya ang braso ko. Ganto pala pag may katabi kang babae ano? Ganto pala ang pakiramdam ng may kayakap pagkagising mo.

'Masarap sa pakiramdam.'

Isinubsob ko pa sya lalo sa leeg ko at tumingin sa may terrace. Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari samin kagabi ni Leslie.

'Walangya talaga ang babaeng to. Kinuha na nga ang first kiss ko tapos muntik pang makuha ang virginity ko! Ang sama-sama nya talaga! Pati ang first kiss ng leeg ko eh kinuha nya rin. Nakakainis!'

Bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala ko ang halik na ginawa nya kagabi. Putcha! Pati rin pala ko ay hinalikan sya!

Pero muntik na talaga yun eh! Buti nalang talaga at napigilan ko ang sarili ko kundi magkakapamilya talaga ko ng wala sa oras. At hindi lang yun, papatayin ako ng section F pag nalaman nilang nabuntis ko si Leslie.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon