CHAPTER 35

3.4K 170 4
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Umiiyak ang presidente ng SSG sa balikat ni Scarlette habang tinatapik-tapik naman ni Scarlette ang likod ni Wade na yumakap sakanya.

"Bakit mo to ginagawa?" mahinahon at mahinang tanong ni Scarlette habang patuloy pa ring dinadaluhan ang binata.

"S-scarlette." nasabi nalang ni Wade at lalo pang umiyak.

"Ano bang nangyayari?" takang tanong ni Red.

"Kanina ang lakas ng loob mong makipagsagutan pero ngayon, iiyak-iyak ka dyan?" takang tanong ni Chase.

"May payakap-yakap ka pa kay Scarlette." naguguluhang sabi ni Noah.

"Ano ba talagang kaechosan to?" takang tanong ni Gavin.

Agad na natahimik ang mga boys ng makatikim sila ng matalim na tingin galing kay Scarlette.

Nang kumalma na ang lalaki ay kusa itong humiwalay sa yakap at pinunasan ang sariling luha. "I'll explain later." sabi nito na tinanguan lang ni Scarlette.

........

"Gusto nyo bang tulungan namin kayo sa renovation ng inyong room?" tanong ni Cyra ng makaakyat sila sa second floor ng building ng Section F.

"Wag na. Tumulong na nga kayo kanina tapos aabalahin pa namin kayo?" sabi ni Scarlette at nakipag-fist bump sa presidente ng section E.

"Thank you." sabi ni Scarlette at ngumiti ng tipid.

Napangiti si Cyra dahil dun at sumagot. "You're always welcome. Kung kailangan nyo ang tulong namin, handa kaming ibigay yun sainyo." sabi ni Cyra at nakiayon naman ang iba nyang mga kaklase.

"Oh pano? Mauna na kami, magpapalit pa kami ng damit eh." sabi ni Rianne.

"Teka sandali!" sabi ni Lisheine at lumapit kay Rianne.

"Thank you." nahihiyang sabi ni Lisheine. Si Rianne kasi ang tumulong sakanya kanina ng muntik na syang sipain sa muka nung babae.

"You're welcome!" sabi ni Rianne at ngumiti. Nilahad nya ang kamay nya sa harap ni Lisheine para makipagkilala.

"I'm Rianne Tiongco." sabi nito at ngumiti. Inabot ni Lisheine ang kamay nya at ngumiti rin.

"Lisheine Hamilton." pakilala nito at nag-shakehands sila.

"Babye!" sabi ng section E at umalis. Kumaway naman ang section F pabalik.

"May mga nasaktan ba sainyo?" nag-aalalang tanong ni Scarlette. Nagulat sya ng biglang lumapit si Noah at Chase sakanya.

Mas lalo pa syang nagulat dahil hinawakan sya ng dalawa sa magkabilang braso at inalalayan paupo sa upuan. "Ikaw ang mas nasaktan kaya magpahinga ka dyan." sabi ni Chase at ngumiti.

"Hanggang ngayon, nahihiwagaan pa rin ako sa mga kaganapan kanina." sabi ni Red na naupo sa teacher's desk.

Bumuntong hininga si Scarlette at sumandal. "May hindi talaga tama." sabi ni Lindsay habang nasa baba ang kamay.

"Meron talaga! Hindi tamang ginanto nila ang classroom." sabi ni Bianca.

"Ang daming question mark sa utak ko ngayon." sabi ni Jaziel at nagpalumbaba.

"Oo nga eh. Ano ba talagang nangyayari?" tanong ni Coleen.

"Ano bang nangyayari kay kuya?" tanong ni Waina sa sarili.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora