CHAPTER 19

4K 231 29
                                    

LISHEINE'S POV:

Tuesday na ngayon at kasama ko si Waina'ng papasok dahil nga sa bahay ko na sya nakatira.

"Ate, palagi ka bang naglalakad papunta sa school?" tanong nya.

"Oo eh. Mas maganda kasi pag nae-exercise ang katawan mo." sabi ko.

"Buti di ka napapagod ate?" tanong nya.

"Syempre nakakapagod din, kaso habit ko na kasi eh." sabi ko.

"Ang sarap ng almusal kanina ate. Turuan mo naman ako kung pano magluto." nakangusong sabi nya. Natawa naman ako dahil dun.

"Sige tuturuan kita. Fried rice lang naman yun, yung ulam naman bacon at hotdogs lang." sabi ko.

"Pinirito lang yun?" gulat na tanong nya.

"Oo naman!" sagot ko.

Mas nauna kasi akong nagising sakanya eh. Nung nakaluto na ko, tsaka ko lang sya ginising para mag-almusal.

'Sarap pala sa feeling ng may kapatid ano? Hahaha.'

May dala din syang bag na may lamang damit nya dahil nagtext si Lexie kagabi na sakanya naman matutulog si Waina. Pumayag naman ako at natuwa din si Waina.

Pumasok kami sa gate ng school at hindi ko nalang pinansin ang mga matang kanina pa nakatitig samin habang naglalakad kami papuntang school.

Atsaka, pumayag din akong matulog si Waina kila Lexie dahil pakiramdam ko talaga may nakatitig sakin tuwing gabi. Baka madamay pa si Waina pagnagkataon.

Nang malipat ako sa section F, dun ko natutunang hangga't kaya mo, po-protektahan mo ang mga kaibigan mo dahil sila ang dahilan kung bakit ka lumalaban. Kung bakit ka nagpapatuloy sa buhay kahit sobrang sakit na ng pinagdaraanan mo.

Ang kay Waina alam ko na ang dahilan. At may masakit din syang pinagdaraanan. Si Lexie naman, may idea na ko pero hindi ko pa rin ang alam ang kabuoan at si Noah,

Si Noah na wala ng pamilya, si Noah na ulila na pero nakukuha pa ring ngumiti kahit ganun ang dinaranas nya. Kung sya ngang ulila na nakakaya pang ngumiti, pano pa kaya kaming may mga pamilya pa?

Noah is not a bad guy, masama ang tingin ng karamihan sakanya pero para sakin hindi. Fake news lang ang mga sinasabi nilang si Noah ang gumagawa ng gulo, si Noah ang naghahanap ng away pero hindi. Si Noah yung taong walang inaatrasan at handang harapin ang lahat para sa mga kaibigan nya.

Yung pag-aalala sa mga mata nya pag napapahamak ang isa, yung pagkuyom ng kamao nya pag may naaapi sa pamilya nya at ang ngiting ginagawad nya sa lahat sa tuwing napapatingin sakanya ang mga kaibigan nya. Yan si Noah, si Noah na masyadong palangiti ay may tinatago palang sakit na hanggang ngayon dala nya pa rin.

Kung ikaw ang lumaki ng walang pamilya, hindi ba sasagi sa isip mo na ano kaya ang ugali ng magulang ko?, bat kaya iniwan nila ko?, ano kayang itsura nila?, sino kayang kamuka sa kanila?

Bumuntong hininga ako at pumasok na kami sa room. Maingay ang lahat pero parang may kulang.

"Good morning Li!!!" masayang pagbati ni Lexie. "Good morning Waina!" sabi nya at kumaway.

"Good morning ate! Good morning sainyong lahat!" sabi ni Waina at ngumiti. Natuwa naman sila Mira dahil ang cute cute ni Waina kung ngumiti.

Naupo na sya sa tabi ni Rovick dahil sila ang magkatabi lagi. "Good morning Lexie! Good morning everyone." sabi ko.

Bumati din sila pabalik at ang ngiti ng taong inaasahan ko ay wala. Nagtaka ako kung bakit pero pinili ko nalang manahimik.

'Oo, wala si Noah, absent ata.'

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon