CHAPTER 10

4.6K 209 12
                                    

LISHEINE'S POV:

Hinahanda ko na ang mga sangkap na kailangan para sa paboritong ulam ni Scarlette. Tinanong ko kasi sya kanina tas sabi nya gusto nya daw ng mechado hehehe.

Mag-isa lang akong nagluluto habang sila Coleen naman ang nagsasaing. May malaking rice cooker kasi ang room namin at sumasakto naman ang kanin para saming lahat.

Inaasahan na daw nila na hindi kami masu-suspend dahil andyan daw si Scarlette para maging spokesperson namin.

Ang ipinagtataka ko lang, bakit nasuspend sya ng dalawang araw? Eh kaya naman pala nyang kalabanin ang desisyon ng dean.

Pinagsawalang-bahala ko nalang yun at nagluto. Lalo pa kong nagtataka kapag tumitingin ako sa dulo ng floor na to. Yung pinakalast na room? Wala kasing pinto at bintana dun eh. Ano kayang meron?

Masaya silang nagkukwentuhan at hindi na nila tinuloy ang laro, nagsasapakan na naman si Chase at Noah habang nakikisali naman si Gavin sa away mg dalawa.

Naglalaro naman ng bahay-bahayan si Waina at Rovick habang ang baby nilang dalawa ay yung pusa ni Ethan. Ayaw ngang ibalik nung dalawa dahil naglalaro daw sila hahahaha.

Ang cute nilang dalawang tignan. Para silang magkapatid kung magturingan.
Isa pang katanungan sa isip ko ay kung bakit humiwalay samin si Waina kahapon at sumakay sa BMW na sasakyan habang nakatungo.

Akala ko pa naman sa Zerichord Village din sya nakatira, yun pala sumama lang sya nung inaya ko sila sa bahay ko.

"Li! Matatapos na yan?" napatingin ako kay Lexie ng itanong nya yun.

"Oo malapit na." sabi ko at tinikman ang ulam. Napangiti ako dahil masarap ang lasa nun.

Pinatay ko na ang kalan at humarap sakanila. "Luto na ang ulam!" sabi ko. Naghiyawan naman sila na parang sampung taong hindi pinakain.

'Section F nga naman hahaha.'

Nagtimpla na si Jaziel ng juice at naglabas ng mga plastic cups. Parang araw araw laging may christmas party dito eh.

Tumulong din ako sa pag-abot ng mga pagkain. May sarili na nga pala akong plato dahil nagdala ako. Ayoko bg makishare kay Lexie, nakakahiya hehe.

Nang maibigay na ang pagkain ay nagsalo-salo na kami. Nakapaikot ang mga upuan namin at katabi ko si Lexie at Waina habang nag-aagawan naman sila Noah sa pagkain.

Samantalang may mga sari-sarili silang pagkain!

"Patikim nga ako ng pagkain mo Gavin." sabi ni Noah at sumubo ng pagkain.

"Parehas lang tayo ng pagkain!" singhal ni Gavin.

"Ita-try ko lang! Lasang sinigang yung ulam ko eh hahahahaha." sabi ni Noah at humalakhak.

"Lasang adobo naman yung ulam ko." sabi ni Chase.

"Parang lasang champorado yung ulam ko." pakikisali ni Alex.

"Lasang ice cream naman yung ulam ko." sabi ni Connor.

"Mga gago!" sigaw ko sakanila. Nagtawanan naman sila at nagpatuloy sa pagkain.

'Mechado tapos lasang, Adobo? Sinigang? Ice cream? Champorado? Mga ugok amp.'

Natapos na ang pagkain namin at naghugas na si Mira at Scarlette. Nagwalis naman sila Coleen at Waina.

Inayos na namin ang mga upuan namin at naghintay sa teacher kung may darating man.

"Di naman ata sisipot ang mga teacher natin." nakangusong sabi ni Noah.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon