CHAPTER 48

3.7K 209 40
                                    

LISHEINE'S POV:

"Hmm..." iminulat ko ang mata ko at tumambad sakin ang bintana ng kwarto ko.

Kumurap kurap pa ko at kinusot ang mata. Napatingin ako sa bewang ko na yakap yakap ni Noah. Humarap ako sakanya at tulog na tulog pa sya.

Naihawak ko ang kamay ko sa labi ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Agad na namang nanumbalik ang pagwawala ng mga insekto sa tyan ko at tinambol na naman ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nun.

Napapikit ako ng biglang mag-flashback ang lahat. Punyeta! Halik lang naman yun ah?! Bakit ganto magwala ang mga insekto sa tyan ko? Bakit ang hyper nila ngayon?

'Don't bite your lip, it looks so seductive.'

'Don't bite your lip, it looks so seductive.'

'Don't bite your lip, it looks so seductive.'

ANAK NG GININTUANG TINAPA NAMAN OH!

Wayeop! Pakiramdam ko nasa labi ko pa rin ang labi nya. Argh!!!! Ang manyak ng utak mo Lisheine! Ang dirty masyado! Ipalinis mo nga kay Noah.

Idinetalye ng manyak na utak ko ang nangyari kagabi, mula sa pagtabi sakin ni Noah, hanggang sa paglapit ng muka nya at pagdampi ng labi nya sa noo, ilong at sa.....

Labi ko.

'WAAAAAAA!!!! GUSTO KONG MAGWALA PERO PANO?! PANO?!'

Nakagat kong muli ang labi ko at hinawakan yun. Pakiramdam ko talaga nasa labi ko pa ang labi nya. Ganto ba pag nahahalikan? Parang gusto mong ulit-ulitin?

Ay tangina ka Lisheine, ang manyak ng utak mo! Ipirme mo yan at baka iba naman ang maisip mo.

Hinawakan ko ang kamay nyang nasa bewang ko at aalisin na sana ng bigla nyang higpitan ang pagkakayakap sakin.

'Noah naman eh!'

Wala akong nagawa kundi ang titigan nalang ang maamo nyang muka. Ang amo ng muka nya pag tulog, para namang siraulong nakawala sa mental pag gising.

'Pero hindi naman maitatangging gwapo pa rin sya kahit puro kagaguhan ang ginagawa nya.'

Nasilayan ko ang unti-unting pagmulat ng mata nya at ang pag ngiti nya ng tignan nya ko. "Good morning." sabi nya.

"Good morning." sagot ko at bahagyang ngumiti.

Nagulat ako ng bigla nyang ilapit ang muka nya at....

*TSUP*

PUNYETA!!!!!!

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*

"Good morning kiss." sabi nya at kumindat.

W-walangya!!!!!! Umagang-umaga nangangalampag na naman ang mga insekto sa loob ng tyan ko?! Umagang-umaga may nagtatambol na naman sa loob ng dibdib ko?! Jusko! Walangya ka talaga Noah!

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa nakangiting Noah na malapit pa rin ang muka. Gantong-ganto yung naramdaman ko kagabi eh! Iniisip ko lang kanina, tapos nangyayari na ngayon? Anak ng-----

"Uy! Bat di ka makapagsalita dyan?" tanong nito na parang nagtatampo pa.

'Wow! Lakas ng apog ah! Ako na nga tong ninakawan sya pa tong nagtatampo? Hilahin ko kaya ang nguso nito.'

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon