CHAPTER 148

2.9K 130 28
                                    

LISHEINE'S POV:

Natapos ang klase at uwian na namin. Bumuntong hininga ako at niligpit ang mga gamit ko bago tumayo mula sa pagkakaupo.

Tumingin ako sa section F na nakakunot lang ang noo habang nakatingin sakin. Napalunk ako at umiwas ng tingin.

"Pwede bang mauna na muna ako? Masama ang pakiramdam ko eh." sabi ko habang nakatingin sa may pinto.

Bumuntong hininga sila at nilapitan ako nila Mira at Lexie. "Ayos ka lang ba? Gusto mo samahan ka muna namin sa bahay mo?" nag-aalalang tanong ni Mira.

Ngumiti ako ng maliit at umiling. "Wag na. Kaya ko naman." sabi ko.

"Sigurado ka? Baka bigla kang tumimbawag sa daan?" sabi ni Lexie. Umiling akong muli at ngumiti.

"Ayos lang talaga. Gusto ko lang magpahinga." sagot ko.

Bumuntong hininga silang dalawa at tumango. "Sige. Kung ayaw mo talaga ng kasama ngayon, ipangako mo nalang samin na ligtas kang uuwi." sabi ni Mira.

Tumango ako bilang sagot. "Mm. Umuwi din kayo ng ligtas." maikling sabi ko.

"Hindi ka ba magpapasama kay Noah?" tanong ni Lexie.

"Kung ayos lang naman-----" naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang malamig na boses ni Noah.

"Hayaan nyo na muna. Gusto nyang mapag-isa." napalunok ako ng sunod-sunod at parang may mga karayom na tumusok ng paulit-ulit sa puso ko ng marinig ang malamig na tinig nya.

'Ikaw may kasalanan Lisheine.'

"Pero, baka mapano si Lisheine----" naputol ang sasabihin ni Lira ng biglang magsalita si Noah.

"Kaya ni Lisheine ang sarili nya." malamig na sagot ni Noah.

Napalunok ako at ngumiti nalang sakanila. "Wag na kayong mag-alala sakin." sabi ko at bumuntong hininga.

"Uuwi na ko." sabi ko pa bago sila lagpasan lahat at maglakad palabas ng classroom namin.

Bumuntong hininga ako at naglakad habang nakayuko. Ano bang problema mo Lisheine? Bakit ka ba nagkakaganyan? Kung ano-anong iniisip mo tapos lalayuan mo sila? Samantalang hindi ka naman sigurado sa iniisip mo.

Umiling nalang ako at muling bumuntong hininga. Nag-lakad ako pababa sa second floor at nagdere-deretso lang.

"Lisheine?" napaangat ako ng ulo ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

Nakita ang naka-kunot noong muka ni Leslie na para bang nagtataka kung bakit mag-isa lang ako.

"Asan ang section F? Bat di mo kasama?" takang tanong nya.

"Nasa classroom pa. Nag-paalam akong mauuna na dahil masama ang pakiramdam ko." sabi ko at bumuntong hininga.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nyang hawakan ang noo ko. "You're not mainit naman ah?" takang tanong nya.

Ngumiwi ako at inalis ang kamay nya sa noo ko. "Masakit ang ulo ko kaya kailangan ko ng pahinga." sabi ko at umiwas ng tingin.

"Eh baka naman mawalan ka ng malay sa daanan nyan?" nakangiwing tanong nya.

Umiling ako bilang sagot. "Hindi naman siguro. Kaya ko ang sarili ko." sabi ko at ngumiti ng maliit.

"Sige na. Aalis na ko. Nasa room pa si Jayden kung sya ang hinahanap mo." nang-aasar na sabi ko bago ko sya lagpasan.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora