CHAPTER 25

3.5K 176 4
                                    

LISHEINE'S POV:

Tanghali na at si Noah at Chase na naman ang nagluluto. Parehas na seryoso ang dalawa ngayon. Hindi rin naghubad ng damit si Chase at parehas pa sila ni Noah'ng naka-apron.

Nagtataka ang lahat dahil sa inaakto ng dalawa. Para kasing ang normal at seryoso nila masyado. Ni hindi nga sila nagbabatuhan ng mga gulay at kung ano ano pa.

"Bakit ang seryoso naman nung dalawa?" takang tanong ni Coleen habang nakatingin kila Noah.

"Baka may problema? O kaya trip lang nilang magseryoso?" sabi ko. Nagkatinginan kami at sabay na nagkibit balikat.

Pinasadahan ko ng tingin si Coleen at nakaupo sya ng panlalaki sa dalawang upuan. Wala nga ata syang katabi palagi eh.

Inilipat ko nalang ang tingin sa dalawa at tinikman pa nilang parehas ang nilulutong ulam. Nagkatinginan sila at tumango.

"Luto na ang ulam." seryosong sabi nung dalawa at sabay na inalis ang apron.

Nagkanya-kanya kaming ayos ng upuan at naging tahimik ang lahat. Parang kulang dahil hindi maingay ang dalawa.

Umiling nalang ako at nagtayuan na ang mga lalaki para tumulong sa pag-sandok ng mga pagkain.

Maski si Gavin ay nakakunot ang noo habang pasimpleng tumitingin sa dalawa. Lumapit pa nga sya dun at nakipag-usap. Umiling lang ang dalawa kaya bumuntong hininga si Gavin at pinamigay nalang ang dalawang platong hawak nya.

"Lisheine." nagulat ako ng biglang ilapag ni Noah ang plato kong may lamang pagkain.

"S-salamat." sabi ko. Tumango lang sya at umalis na ulit sa harapan ko.

Tumingin ako kay Jaziel na taka rin sa mga nangyayari. Si Chase kasi ang nagbigay ng plato nya na hindi naman nya ginagawa.

Naupo na sa tabi ko si Noah at tahimik na kumain. Tumikhim si Red para makuha ang atensyon ng lahat.

"Sa friday na ang dating ng chairwoman." sabi nya.

"Ok." matamlay na sabi namin. Gulat pa nga ito dahil yun lang ang isinagot namin sakanya. Para syang nahihiwagaang ewan.

"Ano bang problema nyo?" takang tanong ni Brandon.

"Bakit?" tanong ni Chase at Noah habang nakakunot ang noo.

"Bakit ang tahimik nyong dalawa?" tanong ni Brandon.

"May away bang magaganap?" takang tanong ni Connor.

"May kaaway ba kayo?" tanong ni Gavin.

"May umaway ba sainyo?" tanong ni Laxor.

"Bakit para kayong mga namatayan?" tanong ni Rovick.

"Bakit ang seryoso nyong dalawa?" tanong Ethan.

"You can tell us your problems, Noah, Chase. We might help you both." sabi ni Jayden.

"Wala. Gusto lang naming manahimik." sabi ni Chase.

"Mm." sagot ni Noah. Napailing nalang ang mga boys na para bang nahihiwagaan talaga.

'Bakit kaya? May problema kaya sila?'

Siniko ko si Noah at kunot noo syang tumingin sakin. Inilapit ko ang muka ko sakanya para magtanong.

"Ok kalang?" tanong nya. Bumuntong hininga sya at nagpilit ng ngiti.

"Yup." sabi nya. Nag-aalala ang tingin ko sakanya pero nag-iwas lang sya ng tingin at kumain nalang.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora