CHAPTER 79

3.6K 147 16
                                    

LISHEINE'S POV:

"Dun ka na sa kotse ko sumakay, Lisheine." sabi ni Noah habang tinutulak nya ang wheel chair na inuupuan ko.

"Pano yung kotse ko?" takang tanong ko.

Ngumuso naman sya bago sumagot. "Si Lexie nalang ang magmamaneho." sabi nya.

"May kotse ka bang dala, Lexie?" tanong ko at tumingin kay Lexie.

"Wala. Sumakay lang ako sa kotse ni Gav eh." sabi ni Lexie habang kumakain ng apple.

"Ikaw nalang ang mag-drive ng kotse ni Lisheine ha? Ako na maghahatid sakanya." sabi ni Noah na syang nakapagpainit ng muka ko.

"Sige. Ako ng bahala sa kotse mo." sabi ni Lexie at ngumiti sakin.

Tumingin ako sakanya at ngumiti. "Pwede bang mag-sleep over ka sa bahay ko?" tanong ko kay Lexie na syang ikinagulat nya.

Lalo na si Noah. Tsk.

"Huh? Bakit?" tanong ni Lexie.

'May sasabihin akong importante.'

Binigyan ko sya ng makahulugang tingin. Naguguluhan man ay tumango nalang din sya at nagkamot ng ulo.

"Magre-review nga pala tayo sa long test. Baka sakaling pagbigyan tayo bukas." sabi ni Lexie at awkward na ngumiti.

"Bakit naman si Lexie ang inaaya mong mag-sleep over sa bahay mo?" nagtatampong tanong ni Noah.

"So anong gusto mo Noah? Ikaw ang mag-sleep over sa bahay ni Lisheine? Eh ni hindi pa nga kayo." masungit na sabi bi Lindsay.

Napa-iwas ako ng tingin at napaubo. Potakte! Pano kung malaman nilang halos gabi-gabi na kaming tabi ni Noah sa pagtulog? Waaaaaaa!!!

Napatingin ako kay Jaziel na ngingisi-ngisi lang ngayon. Oo nga pala, alam nga pala nyang minsan na kaming natulog ni Noah sa iisang bahay.

"Ano bang masama dun?" inosenteng tanong nya.

Agad naman syang nakatikim ng matinding batok galing kay Red. "Kahit na girlfriend mo na yan, wala ka pa ring karapatang matulog sa tabi nya! Pano kung bigla mo nalang maisip na magpamilya? Eh di yari na?" pangaral ni Red.

"Ang oa naman ng imagination mo. Muka bang gagalawin ko si Lisheine?" nakangiwing tanong nya na lalo lang nakapagpainit ng muka ko.

"Hay nako, Noah. Hindi ko alam kung inosente ka o bobo ka lang talaga." iiling-iling na sabi ni Lindsay.

"Hoy Lindsay! Hindi ako bobo no!" nakangusong sabi ni Noah.

"Yeah right." sabi nalang ni Lindsay at umirap.

Alas kwatro na rin kasi ng hapon ngayon at pinauwi na rin naman ako ng mainom ko ang gamot na kailangang inumin. Di nga dapat ako magwi-wheel chair eh! Kaso nga lang ang kulit nila Mira. Baka daw mapapano yung tyan ko.

'Ang sweet nila hehehe.'

Inabot ni Red yung susi kay Lexie at dun naman sumakay yung dalawang bata. Kukuha rin kasi ng damit si Lexie sa bahay nya kasi nga dun sya sa bahay ko matutulog.

Tatayo na sana ako para makapasok sa kotse ni Noah ng bigla nya kong buhatin at dahan-dahang ipinasok sa shot gun seat ng kotse nya.

"Yown naman!"

"Ibang klase talaga!"

"Ganto pala magmahal ang isang Noah?"

"Baket? Gusto mo bang i-try kung pano magmahal ang isang Brandon?"

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon