CHAPTER 103

2.9K 138 27
                                    

LISHEINE'S POV:

"Scarlette, by section ba ang mga magpe-perform o bunutan?" tanong ni Mira kay Scarlette.

"Bunutan." maikling sagot nya.

"Hanggang sa last day ng performance?" tanong ni Lira na kumakain na ng popcorn.

"Oo." maikling sagot nya habang kumakain ng cake.

"Eh nasan si Red?" takang tanong ni Lindsay.

"Nasa room. Matutulog daw muna sya." sabi ni Scarlette.

"Hindi sya manunuod?" gulat na tanong ni Coleen.

"Hindi. Mamaya nalang daw." sabi ni Scarlette kaya napatango-tango kami at nanahimik nalang.

Nga pala kung nagtataka kayo kung nasan kami eh nandito kami ngayon sa gymnasium ng school. Hindi dito naglaro yung mga players ng basket kanina, sa isang gym yun kung saan mas malaki at mas malawak.

Dito daw gaganapin lahat ng events at sobrang ganda nga naman talaga ng pagkaka-decorate nila sa buong gym. Ang ganda masyado!

At dahil banda ang maglalaban ngayon ay naka-set na ang mga instruments sa harapan para sakanila. Lahat ng estudyante ng MLIS ay nandito.

May mga college students din at balak yatang manuod. Pero karamihan ay puro mga highschools. Allowed din namang manuod ang mga taga-ibang school kahit tapos na ang laro. Kaya may mga nag-paiwan pero karamihan ay umuwi na.

Umakyat sa stage ang host para sa event at talaga namang pinaghandaan nya ang event na to. Naka-tux pa eh! Ano to? Grand night ball?

"Good evening ladies and gentlemen!" malakas na sigaw nya. Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang matinis na boses nya.

'Ay bading.'

Sayang ang gwapo pa naman sana hahaha! "Nandito tayong lahat ngayon para masaksihan ang malupitang performance ng mga 4th year students ng MLIS! Excited na ba kayo? SAGOT!!!" malakas na sigaw nya at itinapat pa ang mic sa madla.

"OO!" sigaw nila.

"Napaka-energetic nyo naman. Parang hindi namaga ang mga lalamunan nyo kakatili sa mga gwapong basketball players kanina ah?" pagbibiro pa nito na tinawanan ng lahat.

'Korni!'

"Oh? Eh ano pa bang tinatanga natin dito?! Simulan na ang pang-malupitang pagwawarak ngayong gabi!" sigaw nya at muli na namang naghiyawan ang mga estudyanteng manunuod.

"But first! Before we start the battle of the bands, let's all welcome, the woman of greatness and also the owner of this school!" sigaw nya at biglang may spotlight na umilaw sa kinauupuan ng chairwoman.

"The most brilliant chairwoman in town, Mrs. Francine Marizaline-Brown!" sigaw nya at muli kaming nagpalakpakan.

Tumayo ang chairwoman mula sa kinauupuan nya at kumaway sa lahat. Nagbigay galang kami at bumati ng magandang gabi.

"Thank you for coming, MLIS students! Let's enjoy this night and let's have fun!" masayang sabi nya at kumaway ulit.

Muli syang naupo kaya nanahimik na ang lahat. May mga bulungan pa rin at halata talagang nae-excite.

"Thank you for granting our request, madame chair." nakangiting sabi nung host.

"At syempre, hindi makukumpleto ang patimpalak kung walang huhukom sa lahat! Let us all welcome, the famous band of Chase Dream Academy! The Moonlight Thief and Dreaming Demons!" sigaw nito at muli kaming nagpalakapakan.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon