Kabanata 2; Ang bagong ako

47 15 1
                                    

Hailey's Pov

Ika 3 ng Mayo 2001. Pauwi na ako sa tahanan ko upang maghintay ng tatanghaling reyna. O limang mga babae na susubok sa paglilitis ng royalties.
"Ate,nariyan ka na pala"
Aniya Chelsea na tila gutom na gutom na.
Ayokong nakikitang nalilipasan ng gutom ang mga kapatid ko dahil lang sa wala na kaming kakayahang bumili ng pagkain.
"Gemina,hindi pa ba sapat Sainyo ang mga prutas na binili ko kahapon?"
"Sapat na po ate. Sa katunayan ay nakalahati na nga namin ni Chelsea."
Halos malagutan ako ng hininga sa sinambit ni Gemina. Wala na akong sapat na salapi upang bumili pa ng maraming pagkain. Hindi ko rin masisisi ang mga kapatid ko sa agad na pag ubos ng mga prutas dala ng kanilang gutom.
"Ano ang inyong sinusubaybayan?"
"Yung draw game ate"
Sagot ni Gemina na tila nasasabik marinig ang mga pangalan ng maswerteng babae.
"Ate? Paano kung isa ka sa mabuong?"
Natawa ako ng mahina sa napaka labong tanong ni Chelsea
"Ang isang katulad natin ay malabong maging royalty, Chelsea"
Yumuko na lamang siya at ibinaling ang tingin sa telebisyon
(Tapos na ang pagbubunutan at nagpadala na ang hari ng helicopter para sa mga babaeng susubok ng kanyang paglilitis)
Dinig na dinig kong balita ng host sa telebisyon habang ako heto, kumakain lamang at walang pakialam sa resulta. Sigurado rin akong hindi ako mabubunot.
"Sandali lamang at magbibihis na ako"
Tumayo ako mula sa aming kinauupuan at nagtungo sa aking silid. Wala akong ibang masuot kundi pajama. Paulit ulit na puting damit at pajama. Pati damit ay nagkukulang na rin. Umupo ako ng sandali sa kama ko ng biglang yumanig ang lupa na ikinakapit ko sa aming bintana. Dinig na dinig ko ang hiyawan nila Gemina at Chelsea sa sala habang may gumugulong ingay sa labas. Tumakbo ako kaagad sa sala ng makita ko ang isang helicopter na huminto sa harapan ng aming bahay.
"Anong ibig sabihin neto?"
Tanong ko sa aking sarili na gulat na gulat sa sasakyan.
(And the last standing, Ms.Hailey Addison from the Village 04)
Halos bumagsak ang puso ko sa narinig ko sa telebisyon. Nagkatinginan kami ng mga kapatid ko na nagaalangan
"Sabihin niyo sakanila wala ako"
Kinuha ko kaagad ang isa ko pang damit at nagtago sa aming banyo. Ayoko. Hindi maaaring ako ay maging reyna. Hindi ko gugustuhin. Na mawalay sa mga kapatid ko at kaibigan ko.
"Nasan si Hailey Addison?"
Dinig kong sambit ng isang malalim na boses..
napakagat ako sa aking labi ng marinig ko ang pag iyak ni Chelsea. Ano na kaya ang ginagawa nila sa aking kapatid.
"Ms. Hailey wag kanang magtago. Alam naming nandiyan ka"
Napahawak ako sa aking dibdib na sobrang lakas ng tibok..lumabas na ako sa banyo ng marinig ko ulit ang pagtangis ni Chelsea na mas malakas pa.
Nakita ko ang isang armadong lalaki na maangas ang pagmumukha,may hawak na puting dress at mga alahas.
"Ikaw ang huling nabunot para sa paglilitis"
Kinunutan ko siya ng noo at akmang tutungo na ako sa silid ko ng hilain niya ng mahigpit ang braso ko.
"Pardon sir? Hindi mo dapat ako hinahawakan ng nakakasakit dahil una sa lahat pamamahay ko ito at ikalawa ay hindi kita kaano ano"
"Manahimik ka. Sumama ka nalang samin kung ayaw mong sapilitan ka naming isama"
Napatingin ako sa dalawang kapatid ko. Kawawa naman sila kung maiiwan sila dito.
"Hailey?"
Dinig kong tinig sa may ilabas. Itinulak ko ang armadong lalaki na nakaharang sa pintuan at sinalubong ng mainit na yakap si Jay.
"Jay ayokong sumama sakanila"
Inirapan niya lamang ako at hinila sa loob ng bahay.
"Hailey, kung hindi ka sasama sakanila masasaktan ang mga kapatid mo"
Napaisip ako sa kanyang tinuran. Tama siya, pag mamalupitan sila ng mga royalties kung hindi ako susunod sa utos ng hari at isa pa ay wala na rin akong laban.
"Kung gayon, ikaw na ang bahala sa mga kapatid ko"
Tumango na lamang siya at niyakap ko sina Chelsea at Gemina. Hindi ko naman inakalang huling araw na pala ng aming mga kapatid.
"Ate babalik ka?"
Mangiyak ngiyak na tanong ni Gemina.
"Babalik ako Gem. Pangako"
Hinalikan ko ang kanilang pisngi at tinapik sa balikat si Jay. Nagkatinginan kami at tsaka ako sumama sa armadong lalaki.
"Ako si Jayden, Binibini."
Kinunutan ko lang siya sa noo at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ako ang pinuno ng Armies"
"Wala akong pakealam"
Sumakay na ako sa helicopter na ipinadala ng hari habang nanatili sa harapan ng bahay sina Jay at ng mga kapatid ko.
"Mag iingat ka Hailey!"
Kaway ni Jay na ikinaluha ko. Magiging mahirap para saakin na manatili sa palasyo habang naghihirap sila sa bahay. Pinunasan ko ang mga luha ko at kumaway sakanila. Unti unting lumayo ang sasakyan kasabay ng paglaho nilang tatlo kasama ng mga ngiti sa kanilang labi.
"Binibini dalhin mo ang iyong mga damit at alahas para sa inyong unang pagkikita ni Apprentice"
"Apprentice?Ngunit bakit siya?"
"Wag kana lamang magtanong ng marami binibini"
Napa iling ako sa kasungitan ng armadong lalaki. Napakabilis ng andar ng sasakyan kaya naman natatanaw ko na ang palasyo. Napakalaki at halatang matagal ng tanyag at nakatayo sa lupain ng Germania.
Dahan dahang ibinaba ni Jayden ang helicopter hanggang sa tumapat kami sa iba pang sasakyan. Wala na ang ibang napili. Marahil nauna na silang sinundo.
"Binibini, ihahatid kita sa iyong unang guro"
Napakunot ako ng noo sa kanyang tinurang unang guro? Mag aaral ba ako dito? Isinuri ko ang mga mata ko sa palasyo ng Enchantress Napaka raming sundalo at katulong na naglalakad sa palibot ng kaharian. Halatang sekyurado ang kaharian ni Haring Felix. Namangha ako sa aming pagpasok sa palasyo. Napaka luwang at linis. Isang babaeng nakadamit ng pulang dress ang sumalubong saakin. Bigla siyang tumayo sa harapan ko ng nakangiti.
"Binibini siya ang iyong unang guro"
Iniwanan na kami ni Jayden marahil marami rin siyang katungkulan.
"Magandang hapon at maligayang pagdating sa kaharian ng Enchantress binibini"
Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib tsaka yumuko. Simbolo ng pagpapakitang Galang sa mga royalties.
"Magandang hapon rin"
Sinuri ko ang pisikal na anyo ng babae. Morena ang kanyang kulay at naka pusod ng mataas ang kanyang buhok. Napaka tamis ng kanyang ngiti at hindi naman siya katangkaran. Mahaba ang pilik mata niya at makapal ang kilay. Diretso lang ang dress na damit niya. May isang maliit na simbolo ng bulaklak sa kanang gawi ng kanyang damit. Napaka simple niyang babae.
"Ako si Donatella"
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang magsalita. Dala narin ng aking pag iisip kaya hindi ko narinig ng maayos ang kanyang tinuran.
"Nutella?"
Dahan dahan niyang hinawi ang buhok niya sa kaliwang tenga niya habang marahan na tumatawa. Ganito ba sila dito? Madalas mahinhin at tila edukadong tao? Kung ang pagtawa niya lamang hindi ko na magagawa.
"Donatella, Aking binibini. Ngunit mas maganda na lamang kung tatawagin mo akong "dona"
Napangiti ako sa tamis ng kanyang tinig at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko.
"At ikaw si?"
"Ako si Hailey Addison. Galing sa Village"
Ngumiti siyang muli at kinuha ang damit at mga alahas na hawak ko.
"Halika sumama ka sakin. Marami ka pang kailangang malaman, Binibining Hailey"
Sumunod na ako sakanya habang manghang mangha parin sa laki ng Kahariang Enchantress..

Claiming the CrownDonde viven las historias. Descúbrelo ahora