Kabanata 22: Batas uno

20 10 1
                                    

Guys suggest ko lang mas magandang iplay yung music para feel mo tong part na to.

Hailey's pov

Bumaba na ako kaagad sa kalesa. Kinutuban ako ng makita ko ang mga alipin at sundalo na naguumpukan sa bungad ng kaharian. Tumakbo na ako dahil sa takot. Nagsitabi ang lahat ng makita ako.
Wala na akong ibang nagawa kundi lumuhod sa harapan niya. Wala na ang kaibigan ko. Huli na ako. Ansakit na maabutan ko siyang nakabalot ng kahel na tela. Binuksan ko ito at napaiyak na lamang ako ng makita ko siyang wala ng buhay..
"Jay!!! Gumising ka! Nagmamakaawa ako sayo."
Umiiyak na lamang ako na parang gusto kong magwala.
"Patawarin mo ako... Patawarin mo ako nahuli ako...Jay, Please gumising kanaman Oh.. pwede isa pa? Isa pang chance?..Jay wag mo ako iiwan"
Niyayakap ko lang siya habang damang dama ko ang kabiguan ko.
".. Patawad..Paalam Jay..Patawarin mo sana ako.."
Napatakip ako ng mukha.. Wala narin siya.. Nahuli narin ako.. Ano pa bang kailangan nila.. Bakit parang ako ang nawawalan..
"Hindi kita makakalimutan Jay.. mananatili ang mga ala-ala mo sa puso ko..Paalam aking kaibigan..Hanggang sa muli"
Hindi ko na kaya. isinara ko na ang tela at tumakbo papalayo... hindi ko batid kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.. kung saan ako tinatangay ng hangin..
"Hailey..Sandali lang"
Napaharap ako kay Asher..habang umiiyak.
"Bakit? Sasabihin mo nanaman ba na walang oras ang aking pagluluksa? Pipigilan mo ba akong umiyak at sasabihin lamang na "lumaban kana lang ulit" sana ganun lang no? Sana ganun lang yun kadali Asher! Pero hindi eh! Masakit ang mawalan.. Lalo na, hindi man lamang ako nakapagpaalam...Nasasaktan na ako ng sobra"
Sumigaw ako ng napaka lakas na animoy'y mawawasak ang paligid ko dahil sa aking pagsigaw. Bumagsak na lamang ako sa lupa habang tumatangis....
"Asher.. itigil mo yan.. Iniibig mo ba ang Lapastangan na ito?"
Napatingala ako ng may sumalubong saamin.. Si haring felix..batid na nilang nag iibigan kami ng prinsipe... Punong puno padin ng luha ang mga mata ko pati narin mukha ko..
"Bakit Papa? Dahil ba ito sa batas uno? Na bawal umibig... Paumanhin pero Mahal ko si Hailey"
"Lapastangan!"
Nakita ko ang pag alis ni Haring Felix sa kaniyang sandata.. Bumagsak ang isang napakalakas na ulan habang kaming tatlo lamang ang nasa harapan ng kaharian..
"Wag!"
Hinarang ko ang aking katawan sa sandatang babagsak kay Asher.. mainam at sa balikat lang ako nasugatan..
"Palalayasin ko ang babaeng yan"
Galit na sambit ni Haring Felix.. Bakit ganito.. Kasabay ng pagpatak ng ulan ang mga luha ko at sakit na nararamdaman ko.. basang basa na kami ngunit iginigiit padin ng hari na dapat kaming maghiwalay..
"Hindi Papa! Kailangan mo siyang hayaang manatili dito sa kaharian! Sapagkat mamahalin ko p siya.."
"Asher..makinig ka sakin, wag kang umibig sa isang pulubi"
"Hindi ako Pulubi, kamahalan! Batid kong nasa mababang antas lamang ako..ngunit hindi ako pulubi... At handa akong makipagpatayan sayo! Maisalba lang ang Pagmamahalan namin ni Asher.. Mahal ko po ang anak niyo.. At akin na po siya.. wala na po kayong magagawa"
Huminga ako ng malalim.. hindi ko naman sana siya gugustuhing sagutin ngunit nakikisabay kasi siya sa hinanakit ko.
Gulat na gulat na lamang ako ng sugatan niya si Asher...
"Mamili ka! Ang babaeng yan o ang buhay mo?"
"Sige papa, Patayin mo na ako.. saktan mo na ako.. Wag lang ang babaeng mahal ko"
Napahawak ako sa balikat ni Asher.. Nagkatinginan kami at tumatangis padin ako..
"Mahal na mahal kita Hailey"
Lumapit siya sa kaniyang at bahagyang sinugatan nga niya ang sarili niyang anak. Lumapit ako sakanila upang subukang pigilan ngunit kamalasan at nasugatan ako saaking tagiliran..
Bumagsak ako sa lupa kasabay ng pagbaba ng mga patak ng ulan sa aking katawan..
"Papa tama na! Wag mong sasaktan ang mahal ko.. ako nalang papa"
Sa sandaling iyon... Napagtanto ko na, sobrang swerte ko kay Asher.. magulo ang mga nangyayare ngunit ako parin ang iniisip niya.. Patuloy niya paring pinapatunayan na mahal nga niya ako. Napatakip ako sa aking mukha ng isang hangin ang dumaan ngunit napakalakas nito..pakiramdam ko ay naitangay niya ang aking katawan..
pagbukas ko sa aking mga mata.. Nasa isang silid ako at madilim..basa parin ako ngunit tila ako nalang mag isa dito. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko kaya. Masakit ang sugat ko sa katawan at nanatiling masakit ang paghihinagpis ko sa kawalan ng aking kaibigan at pagpipigil sa aking kasiyahan..
"B-Baby? Naririnig mo ba ako?"
Ginalaw ko ang aking kamay.habang nakahiga padin ako sa sahig. Sinubukan kong abutin ang kamay ni Asher., malapit lang siya sakin.. alam kong nandito lang siya.. ng maramdaman ko na ang mga palad niya ay napapikit na lamang ako.. Wag kang mag alala Hailey..ligtas ka sa piling niya.
"Patawarin mo ako.."
Yun na lamang ang huling salitang sinambit niya bago siya tuluyang mawalan ng malay.. Nakapikit nadin ako at tinitiis ang sakit at lamig sa silid na ito..
*

"Hailey! Gumising kana!"
Naalimpungatan ako sa isang maingay na tinig. Pagmulat ko sa aking mga mata ay si Mabelle lang ang nakita ko at ang bagong damit na nakasuot saakin. Nagamot na ang mga sugat ko at biglang hindi ko maalala ang nangyari. Ang alam ko lang wala na si Jay at bigla nalang kaming tinangay ng hangin.. Pero parang may nangyari bago kami tangayin ng hangin. Ano kaya yun? Bakit hindi ko maalala. Batid ko rin na..
"Si Asher...nasan si Asher"
Oo, batid kong sugatan siya. At nanghihina.
"Ano ka ba Hailey.. Sariwa pa ang mga sugat mo"
Kumapit ako sa balikat ni Mabelle..
"Nasasaktan ako Mabelle. Ngunit pipilitin ko malaman ko lang na maayos ang kalagayan ng lalaking mahal ko"
Bumaba ako ng pilit sa aking kama. Tirik na ang buwan at nagsimula ng mamahinga ang lahat. Pilit akong naglakad patungo sa silid ni Asher.

Asher's pov

Pababa ako sa aking hagdan upang makita si Hailey.. Hindi kumpleto ang ala ala ko sa mga nakaraang nangyari ngunit batid kong may sugat siya kaya kailangan kong matiyak kung maayos ang kalagayan ng binibini ko..
"Asher! Nandito ako!"
Narinig ko ang isang napakalamig na tinig. At doon ay nakita ko siya. Nakahawak siya sa kaniyang tagiliran at tila pagod na pagod padin.. tumakbo ako palapit sakanya kahit na hinang hina na ako. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo..
"Ayos kalang? Wala ka bang ibang nararamdaman? Mahal mo paba ako?"
Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at kuryosidad sa isip niya...
"Bukod sa ayos na ako at wala na akong ibang nararamdaman.. Oo Asher! Mahal na mahal padin kita"
Niyakap ko siyang muli ng sobrang higpit.. ano bang Nangyare saamin bakit kami sugatan at nanghihina..bakit hindi ko maalala.. pero isa lang ang naiisip ko..hindi ko siya nabantayan..
"Patawarin mo ako Hailey..Hinayaan kong masaktan ka"....

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now