Kabanata 23; Pag iibigan

17 10 1
                                    

Asher's pov

Narito si Hailey ngayon saaking silid. Nakatitig lamang ako sakanya habang inaayos niya ang kaniyang buhok. Napakaganda niyang babae at ang ngiti niya..nakakabighani. Aaminin kong wala talaga akong sapat na rason para ipaliwanag kung paano ko siya nagustuhan. Ngunit tila nabihag yata ako ng mga ngiti at mata niya. Ang tanging mapapatunayan ko lamang Ay mahal na mahal ko siya at mababaliw ako kung mawawala siya sa tabi ko. Ang sampung hakbang ng paglaya niya katulad ng ginawa ni Zein Shion sa Hell University ay hindi ko kakayanin. Siguro nakaka dalawang hakbang pa lamang siya durog nako. O di lang siguro durog. Baka pwede na akong magpakamatay.
Nanlaki ang mga mata ko ng hawiin niya ang kaniyang damit pataas hanggang makita ko na ang kabuuan ng kaniyang binti.
"Hailey..anong ginagawa mo?"
"Nagbibihis..."
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Hindi ka ba natatakot? Na baka gahasain kita dahil sa mga nakikita ko?"
"Ha?...bakit? May balak ka?"
Napakamot nalang ako sa ulo. Bakit ba ganito ang babaeng to parang nakahithit ng droga.
"Kung sabihin kong oo... papayag ka?"
"Neknek mo! Kahit mahal kita hindi ako papa galaw sayo no!"
Napangiti ako. Tama nga si Mabelle. Hindi siya katulad ng mga ibang babaeng bayaran ang katawan. Habang tumatagal parang mas lalo akong humahanga sakanya..
"P-pero? Gusto mo ba?"
Nagulat na lamang ako sa tanong niya..
"Mahal anong sinasabi mo... magpapakasal muna tayo bago kita galawin"
Napatayo na lamang ako ng laking gulat ko ng makita ang kakaibang kulay sa buhok niya.
"Bakit blonde ang kalahati ng buhok mo?"
"Ah...ewan ko rin e"
Nakapagtataka. Hindi pangkaraniwang nilalang ang mga nagkakaroon ng ganito.
"Asher? Gusto mo mamasyal tayo?"
Naglagay ako ng mainit na tubig sa baso at iniabot ito sakanya.
"Saan naman?"
"Basta! Gusto mo?"
"O sige"
Wala naman akong dapat ipag alala. Wala naman si Papa kaya Malaya akong makakalabas. Pero saan naman kaya ako dadalhin ng babaeng toh..
"Alam mo? Mas maganda kung ngayon na tayo pupunta"
Nabigla ako ng hilain niya ako at tuloy tuloy na tumatakbo. Nabunggo pa siya sa may poste kaya dali dali ko siyang inalalayan.
"Masakit ba?"
"Hindi naman. Parang binagsakan lang ako ng isang buong bahay..tara na nga!"
May babala ako SAINYO mga kapatid. Kung magmamahal kayo ng baliw nagmamakaawa akong intindihin niyo sila sapagkat yan lang ang tanging paraan upang magtagal kayo.
Nakalabas na kami sa kaharian at sumakay kami sa kalesa.. Parang kinasabwat niya pa ata ang sundalong magmaneho saamin sapagkat hinihintay na niya kami.
"Mahal saan ba tayo patungo?"
"Mag hintay ka lang! Maganda Don"
Dahan Dahan kong hinawi ang buhok niya na nakaharang sa mukha niya. Napatingin siya saakin ng seryosong mukha.
"Mamaya mo na ako landiin"
Inalis niya ang kamay ko at lumilinga linga sa paligid. Ano bang gusto niya?
"Hoy hailey! Saan mo ba ako dadalhin?"
"Hoy ka rin!"
"Kahit kailan talaga hindi ako nakakuha ng matinong sagot sayo!"
"Relax ka lang diyan!"
Nakaramdam ako ng pagtatampo kaya tinalikuran ko na lang siya. Ngunit tumaas lahat ng balahibo ko ng maramdaman kong yumakap siya sa aking likuran..
"Asher? Mahal mo ba talaga ako?"
Tinitigan ko muna siya bago ako sumagot..
"Oo naman."
Tiningala niya ako at hinawakan ang parte ng aking damit sa aking leeg.
"Sabihin mo nga "Iloveyou"
"Ano bang klaseng kautusan yan?"
"Ayaw mo edi ayoko na sayo"
"H-hindi sige eto na"
Ngumisi siya ng nakakaloko. Sa babaeng to lang ako nakaramdam ng pag ibig, pagseselos, at karupukan.
" I Love you Baby"
Halata mo sakanya ang kinikilig niyang reaksyon.
"Nandito na tayo!"
Napalinga ako sa paligid. Isang magarang mansyon ang hinintuan ng kalesa.
"Kaninong bahay to?"
Nakapagtatakang tanong ko kay Hailey.
"Basta...halika na bubuntisin mo pa ako"
Nanlaki ang mga mata ko habang hinihila niya ako papasok.
"Hailey ano ba! Seryoso ako ano bang ginagawa natin dito?"
Iniangat niya ang dalawang paa niya at idinampi ang mga Labi niya sa aking labi. Napapikit na lamang ako sapagkat napakatamis ng labi niya.
"Magtiwala ka sakin"
Patuloy kaming pumasok sa mansyon. Pagpasok namin ay kama agad ang nakita ko. Kinutuban ako sa ikinikilos ni Hailey. Nagsimula niyang alisin ang kaniyang mga saplot kaya pinigilan ko siya.
"Mahal? Wag muna ngayon"
"Bakit? Handa naman na ako ah"
Huminga ako ng malalim. Ipinagpatuloy niya ang paghuhubad. Pinagmamasdan ko lamang siya.
"Ayoko Hailey...Hindi kita gagalawin"

Hailey's pov

Bakit ganoon. Sabi sakin ni Mabelle na basta lalaki daw natutukso sa mga ganitong eksena. Ano pa bang kulang kong kailangang gawin para kumagat si Asher sa pain. Kailangan niya akong galawin para malaman kong hindi talaga siya mabuting lalaki. Bakit ba ganto. Dala siguro ng takot ko sa pagtitiwala kaya ganito ako mag isip. Inalis ko na lahat ng aking saplot at pumunta sa harap niya. Hinaplos ko ang katawan niya habang nakahubad ako sa harapan niya. Inaalis ko na ang damit niya ngunit hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Hindi mahal ko, hindi ko kaya"
Natigilan ako ng kunin niya ang kumot sa kama at ibalot ito saakin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit at hinalikan ako sa noo. Jusko po ang bait niya naman e, pano ba to baka mahulog na talga ako ng sobra.
"Tama na Hailey... Mahal na mahal kita pero hindi kita kayang bastusin"
"H-handa naman ako e"
"No you're not. May oras tayo para dito. Magpapakasal pa tayo ha?. Iloveyou Baby"
Letchugas! Bakit ba napaka makapangyarihan ng lenguwaheng English sa panahon namin. Pakiramdam ko tuwing binabanatan ako ni Asher ng English na salita natutunaw ako.
"S-alamat Asher"
"Saan?"
"Akala ko katulad kalang rin ng karamihan. Akala ko matutukso ka din. Pero bakit hindi?"
"Natukso ako ng lubos, mahal ko. Kanina nga gusto nalang kitang lapain e. Pero hindi ko ginawa, dahil bukod sa mahal kita...nirerespeto kita"
Unti unting umukit ang ngiti saaking labi... lumapit ako sakanya at hinalikan ko siyang muli sa Labi.. salamat, maraming salamat Asher at ginamit mo ang puso mo imbes na ang utak mo.
"Mahal ko? Wag mo ng uulitin to ha?"
Tumango tango na lamang ako.
"Magbihis kana at HIhintayin kita sa labas"
Hinalikan niyang muli ako sa noo at lumabas na. Siguro sa lahat? Pinaka matamis na nagawa saakin ni Asher ang yayakapin ako sabay halik sa noo. Ewan ko, ansarap lang sa pakiramdam.
Dali dali kong sinuot ang damit ko at lumabas sa mansyon. Sa katunayan hindi ko alam kung kanino to mwehehehe
Paglabas ko ay naghihintay siya sa labas. Ang gwapo niya talaga. Iniabot niya ang kaniyang kamay at nakangiti akong kumapit dito..
Sumakay kami sa kalesa at umandar na ito kaagad. Nakasandal lang ako sa balikat ni Asher habang nakayakap siya saakin. Ano kayang klaseng katangahan ang naisip ko kanina para gawin ito. Pero ang luwag sa pakiramdam na hindi siya kumagat. Na nirespeto niya ako kahit na sa mga oras na yon ay dapat nanalo na ang tukso..
"Hailey?"
"Po?"
"Manatili kana lang sakin?"
"Oo Asher.. mananatili ako sayo"
Ipinikit ko ang mga mata ko. Hinalikan nanaman niya ako sa noo ng may halong pagmamahal.
"I Love you Hailey. Ikaw ang pinaka magandang paksa ng bawat tulang nagawa ko"....

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now