Kabanata 16; Palihim na pagsunod

22 10 2
                                    

Hailey's pov

Isang katok sa pintuan ng mga Apprentice ang gumising saaking pagkahimbing. Dito na ako nanunuluyan sa silid ng mga Apprentice. Napabangon ako sa aking kama at hindi pa sumisikat ang araw kaya naman nagtaka ako kung bakit sa ganitong oras ay may kumakatok sa silid ng mga apprentices. Nabaling ang tingin ko sa dalawang kama na katabi ng aking hinihigaan. Mahimbing ang pamamahinga nina Dona at Faye marahil ay napagod sila kung kaya't minabuti kong bumaba na lamang at pag buksan ng pinto ang kumakatok. Napatingin ako sa orasan, alas tres pa lamang ng umaga ngunit may nambubulabog sa aming pamamahinga? Agad kong binuksan ang pinto at laking gulat ko ng siya ang makita ko.
"Paumanhin kung nagambala kita Hailey"
May mga bitbit siyang tela at nakatali na ang buhok niya. Wala narin ang korona niya at malinis na ang kaniyang mukha.
"Buenos Dias Mahal na reyna"
Pagbati ko sakanya. Ngumiti siya at iniabot saakin ang mga telang hawak niya. Nag Punas ako ng mukha bago ko ito abutin sapagkat ramdam ko ang pawis ko dahil sa pagkagising.
"Para saan po ito?"
Pagtatakang tanong ko sakanya ng aking maiayos saaking kamay ang mga tela.
"Patawarin mo ako sa aking mga nasambit kanina. Naging mahirap lamang ang aking pamumuno kaya mabilis akong magalit"
Pagpapaliwanagin niya. Nginitihan ko nalang rin siya at sinabihang ayos lang yun.
"Nais kong ibigay mo ang mga telang iyan sa mga taong naka signatura"
"Nakaburda po dito ang mga ngalan nila?"
"Oo. At siguraduhin mong gising sila kapag ito'y iyong iaabot"
Inilagay ko ang aking palad sa aking dibdib at yumuko. Umalis na rin si Jane at nagtungo ako sa aking kama upang suriin ang mga tela. Normal na tela lamang ang mga ito ngunit magkakaiba ang kanilang mga kulay. Para saan kaya ang mga ito? Sinimulan kong ibigay ang kremang kulay ng tela kay Dona.
"Dona! Gumising ka!"
"B-bakit?"
Agad siyang naalimpungatan at inilapag ko ang tela sa kaniyang kama. Batid kong hindi ko dapat ito ginagawa dahil maaga pa at sigurado akong pagod ang lahat. Ngunit utos ito ng reyna.
"Ipinamimigay ng kamahalan"
Inabot niya ang tela sa kaniyang kama at tila nagtaka pa siya.
"Saan ito gagamitin?"
Pagtatanong niya sakin. Umiling ako dahil maging ako ay hindi rin batid kung para saan iyon.
"Ibigay mo na lamang ito kay Faye"
Ang telang kulay pilak na nasa ikalawang tungtong ay nakapangalan kay Faye.
"O sige at ibibigay ko na ito sa iba"
Tumango lamang si Dona at lumabas na ako sa aming silid. Nakapagtatakang walang ingay o kahit ano mang nilalang sa kaharian dahil sa oras na ito. Tiyak na kami lamang ni Dona at ng reyna ang gising. Paano ko ipapaliwanag sakanila kung maistorbo ko ang kanilang pamamahinga.
Ang susunod na tela na aking pagbibigyan ay kulay kahel. Nakapangalan ito kay Jay. Nagtungo ako sa silid ng mga sundalo. Agad naman akong nakarating at pagbukas ko ng pintuan ay tulog ang lahat. May hagdan patungo sa itaas,dito sa silid ng mga sundalo. Marahil naroon si Jay dahil puro kayumanggi ang kasuotan ng mga sundalo dito. Minabuti kong umakyat ng walang nagagawang ingay. Binuksan ko ng mahinahon ang pintuan sa ikalawang palampag ng silid. Nahihimbing ang tulog ni Jay kaya't lumapit ako sakanya. Napatitig na lamang ako sapagkat hindi ko alam kung paano ko ibibigay sakanya ang kahel na tela.
"J-Jay?"
Bukod sa natatakot ako dahil baka magalit siya. Nahihiya din ako dahil sa nangyare kanina. Ano kayang ginawa sakanya ni Miyaku? Sinuway ko na ang reyna at inilapag lamang ang tela sa kaniyang kama. Paalis na sana ako ngunit nakarinig ako ng kaluskos sa labas. Nagsimula akong kilabutan dahil baka dinadalaw ako ng mga multo dito sa kaharian.
"Hailey? Ikaw ba yan?"
Halos mapatalon ako sa gulat. Nagising ko nga si Jay at minabuti ko na lamang na sabihin sakanya ang pakay ko.
"Paumanhin Jay. Ipinabibigay lamang ng mahal na reyna ang kahel na telang iyan"
Tumango si Jay at kahit na gustong gusto ko siyang kausapin ay minabuti ko na lamang na lumayo.
"H-Hailey?"
"Huh?"
"Mag iingat ka mahal ko"
Halos matunaw ang aking puso sa kaniyang sinabi.
"I-ikaw rin"
Nginitian ko na lamang siya at dahan dahang bumaba sa kanilang silid. Nakalabas naman ako ng walang ibang nagigising. Ngunit napahinto ako ng makarinig ako ng pagsara ng pinto mula din sa silid na iyon. Tiningnan ko ang ngalan ng tela at si Mabelle ang nakaburda. Binilisan kong maglakad patungo sa silid ng mga alipin. Dinig na dinig ko ang mahinang pagtapak ng mga paa na sumusunod saakin. Napakagat na lamang ako sa aking labi at tumakbo patungo sa silid. Pumasok ako sa silid ng mga alipin at gising si Miyaku.
"Paumanhin. Nautusan lamang ako ng reyna"
Nagtungo ako kay Mabelle na katabi lamang niya. Gigisingin ko na sana siya ngunit laking gulat ko ng hawakan ako ni Miyaku.
"B-bakit?"
Natatakot kong sabi. Ang kulay ng telang ibibigay ko kay Mabelle ay dilaw.
"Wag mo na siyang gisingin."
"O sige paki bigay na lamang sakanya"
Iniabot ko kay Miyaku ang dilaw na tela. Paalis na sana ako ngunit..ang susunod na tela na kulay kayumanggi ay nakaburda sa ngalan ni Miyaku.
"Sayo pala ito"
Nanlaki ang mga mata ni Miyaku nanginginig siyang inabot ang tela na aking binibigay.
"May mali ba sa telang iyan?"
Tanong ko sakanya. Napatingin siya saakin na tila natatakot na.
"Sino pa ang natitirang binhi?"
Kumunot ang aking noo sa kaniyang tinuran.
"Sino ang natitirang binhi?"
Pag uulit niya. Dalawang tela na lamang ang nasa akin. Ang kulay itim at kulay pula.
"Ang pula ay naka ngalan ay prinsipe Asher at saakin ang itim"
Napabuntong hininga si Miyaku at tinalikuran na lamang ako.
"Umalis kana"
Napakasama niya talaga. Pero parang may mali sa ikinikilos ni Miyaku, napaka misteryoso naman ng lugar na ito. Lumabas na ako sa silid ng mga alipin. Ang pulang tela na naka ngalan kay Asher. Papunta na ako sa kaniyang silid ng may mahagip ang aking visyon na anino. Napatigil muli ako at lumingon sa aking likuran.
"Sino ka ba? Anong kailangan mo sakin?"
Nanginginig kong tanong. Minabuti kong maglakad ng mabilis. Huminto ako sandali at lumingon muli. Isang lalaking naka talukbong ang sumusunod saakin. Ngunit agad siyang tumakbo papalayo.
"Anong kailangan mo?"
Hinabol ko ang lalaki at patuloy parin kaming tumatakbo. Hindi ko namamalayang paakyat na kami sa hagdan. Nalaglag ko bigla ang aking tela kaya't pinulot ko ito. Ngunit ng ako'y bumalik tingin sa lalaki wala na siya. At nagulat ako na ang kinatatayuan ko ay ang katabing silid ni Asher. Binuksan ko ang pintuan ni Asher. Gising siya at may hawak na gitara. Ngunit para siyang pagod na pagod. Hindi kaya siya ang humabol saakin?
Natigilan ako ng tumugtog siya sa gitara. Napahawak na lamang ako sa pintuan. Marunong pala siyang tumugtog. Nakakabighani naman.
"Kislap ng yong mga mata
Ako'y iyong nadadala
Parang anghel ang yong ganda
Di maiwasan hahanap hanapin ka"
Tumayo ang mga balahibo ko ng magsimula siyang umawit kasabay ng kaniyang pagtugtog.
"O kay tamis ng yong mga ngiti
Ako'y iyong naaakit
Tulad ng rosas nakakaaliw
Di mapigilan mabighani sayo"
Napahawak ako sa aking puso na kanina pa lumiliyab. Nakikinig lamang ako sakanya. Napakaganda ng tinig niya. Ngunit kanino naman kaya niya inaalay ang kantang iyan.
"At hindi ko hahayaan na ika'y mawawala
Pipilitin ko ang puso mong mahulog sakin"
Napapikit na lamang ako sa sobrang pagkabighani. Dinadamdam ko lamang ang mga liriko ng kaniyang kanta. Tiyak na umiibig siya ngunit kanino naman. Nabigla ako ng aking mapihit ang pintuan. Nagtago ako kaagad ng huminto siya sa pagtugtog. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagsara ng kaniyang pintuan. Ibinaba ko na lamang ang tela sa harapan nito at bumaba na sa silid.
"At hindi ko hahayaan na.."
Napahawak ako sa aking labi.. napapakanta narin ako ng wala sa oras.. Napakaganda nga naman ng tinig niya...

Claiming the CrownWhere stories live. Discover now